Parang gusto niyang pumalahaw ng iyak sa habag para sa sarili habang kinakaladkad ng asawa ng kanyang Tiyahin. Wala ng lumalabas na luha at tinig mula sa bibig niya parang na drain na kasabay ng pagtakas ng pag asa na meron sa puso niya. Ang tanging naiisip niya ay ang puri niya na nasa panganib ngayon.
"Tiyong pakiusap, gagawa ho ako ng paraan para mabayaran nyo ang utang nyo, wag nyo lang gawin sa akin to!" Pakiusap niya dito. Ayaw niyang magpumiglas dahil mapapagod lang siya lalo at malaking tao ang lalaki, walang wala sa laking tao nito ang kanyang height na pang midget lang.
"Tumigil ka! Anong paraan? Ang takasan na naman ako. Di ako kasing bobo niyong magtiyahin!" Sabi nito na humalakhak pa. Parang demonyo na ang tingin niya dito ngayon, para na itong si lucifer na nagbalatkayo na tikbalang, di niya alam kung paano ito nagustohan ng kanyang tiyahin gayong amoy pa nga lang nito ay di na niya matagalan.
"Kuwan, may kakilala ako dito na pwede ko mautangan." Sabi niya dito.
Sa halip na tumigil sa paglalakad ay tila mas binilisan pa nito ang paglalakad papunta sa kuta ni Tugro. Alam niya na ang kapalaran niya oras na makapasok na siya sa loob ng kuta na iyon ng mala demonyong lalaki sa bayam na iyon. Di paman siya nahahawakan nito ay nanririmarim na siya, nandidiri na siya sa kanyang sarili maimagine palang niya na masasayaran ng mga kamay nito ang kanyang balat.
"Tiyong maawa na po kayo!" Pakiusap niya dito, kasabay ng pag sipa sa mismong bayag ng lalaki. Wala na siyang inaksaya pa na panahon at mabilis na siyang kumaripas ng takbo. Pero napatigil din siya nang mapansin na ang daang tinatahak ng takbo niya ay ang papasok sa kuta ni Tugro.
Napaatras siya at akmang kakaripas patakbo nang makita ang isang lalaking nasa gilid ng isang sasakyan. Una niyang napansin ay ang tattoo nito sa balikat na parang uwak. Nagtago siya sa isang gilid, nakita niya ang namimilipit parin sa sakit na asawa ng kanyang tiyahin. Alam niyang mahuhuli parin siya ng tiyuhin o kaya ng tao ni Tugro kaya kailangan niyang gumamit ng utak ngayon.
"Sir, tulongan nyo po ako!" Pakiusap niya dito nang makalapit nakita nito ang pakikipagbuno niya sa kanyang tiyuhin kanina tiyak niya iyon. Ni hindi man lang ito gumawa ng paraan para makatulong sa ibang tao, pero magbabaka sakali siya. Kung puri niya ang hingin nitong kabayaran ay ayos lang, mas gugustohin naman niyang ito ang humawak sa kanya dahil mukhang mabango kaysa kay Tugro na amoy upos at alak palagi bukod pa sa matanda na.
"Kailangan ko po ng five thousand pambayad ng tiyuhin ko sa sindikato, ayoko pong magahasa!" Umiiyak na pakiusap niya dito. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya, parang wala lang kahit anong emosyon sa mukha nito.
"It's not my problem anymore." Sagot lang nito na nagpalaglag sa balikat niya, lahat ng pag asa na meron siya nung lapitan niya kanina ang lalaki ay tuloyan nang naglaho. Parang tinakasan na siya ng pag asa.
"Parang awa nyo na Sir, bata pa po ako. Marami pa po akong pangarap sa buhay at di ko po pinangarap na maging parausan ng isang masamang tao na kagaya ni Tugro. Seventeen palang po ako Sir at alam ko po na di ako bubuhayin ni Tugro." Pakiusap niya. Nakita niya ang paglinga linga ng tiyuhin na tila hinahanap siya, mabilis siyang nag kubli sa gilid ng sasakyan malapit sa lalaki na hiningan niya ng tulong.
Pakiwari niya kasi ay mas safe siya sa tabi ng lalaki, kahit pa di naman ito nangako ng anumang tulong mula sa kanya. Basta nakatingin lang ito sa kanya at sa kanyang ginagawa.
"Ipambabayad niya ako sa utang niyang limang libo kay Tugro. Diyos ko!" Umiiyak na pag kwento niya. Kahit mukhang di naman nagpapakita ng interes ang lalaki sa kanyang mga sinasabi. Gusto niya na magkaroon ito ng paki sa kanya kahit konti lang.
"Is he your father?" Tanong nito sa kanya. Kahit naman di siya nakatapos ng high school ay nakakaintindi naman siya ng english.
"Hindi, asawa siya ng tiyahin ko." Sumisinok sinok na sabi nya, madilim ang bahaging iyon ng lugar na iyon.
Alam niyang marami pa itong gustong itanong sa kanya, pero parang ito ang uri ng tao na tamad na tamad na magtanong o makialam sa buhay ng iba. Iniisip niya si Josh ng mga sandaling iyon, kung saka sakali man na makakatakas siya ay umaasa siyang makukuha niya ito. Ito nalang ang pamilya na meron siya at alam niyang dito ibubunton ng kanyang tiyuhin ang galit nito sa kanya.
"Get in the car!" Nadinig niyang utos nito sa kanya. Napaangat siya ng ulo at napatulala sa sinabi nito, mas gugustohin naman niyang sumama sa estranghero na iyon kaysa naman mapagsawaan ni Tugro.
"Ayaw mong makaligtas dito?" Tanong nito. Dali dali siyang pumasok sa sasakyan na nasa gilid at bukas ang pinto.
"Mr. Zamora malaki laki po ang naging ambag niyo sa amin ngayong taon." Sabi ng papalapit na si Tugro.
Di ito mukhang tao, mukha itong hudlom kung titingnan, maraming tattoo at mga hikaw. Malaki ang mata nito at naninilaw ang ngipin, parang tititigan niya palang ay nasusuka na siya sa hitsura nito. Pigil na pigil naman niya ang gumawa ng ingay lalo at malapit lang ang lalaki, at tiyak niyang nasa paligid lang ang kanyang tiyuhin.
"Tugro!" Tila kinakabahan siya sa pagkakabigkas ng lalaki sa pangalan ni Tugro. Parang kinilabutan siya bigla lalo na at halatang takot na takot din dito maging si Tugro at ang mga tao na nandun sa lugar na iyon.
"May mga gusto pa po ba kayong regalo mula sa amin?" Tanong pa ni Tugro sa lalaki. Parang iba ang kanyang duda sa sinasabing regalo ni Tugro, pakiramdam niya ay illegal ang regalo na pinag uusapan ng mga ito ngayon. Gusto niya mang makalayo ngunit alam niyang mas mapanganib ang gumalaw nang mag isa lalo at babae siya.
Tanging dasal nalang ang kanyang inaasahan na magsasalba sa kanya nang mga oras na iyon. Para sa kanya ay sobrang pagod na pagod na siya pero gagawin niya ang lahat makatakas lang sa sitwasyon na kanyang kinasasadlakan nang mga sandaling iyon. Abot abot ang kanyang panalangin na sana ay di siya mapansin ni Tugro at ng mga kasama nito, lalo at nakita niyang kasama na ng mga ito ang asawa ng kanyang tiyahin.
"I will just inform you if I had one." Seryuso parin ang mukha na sabi ng lalaki.
"Okay Boss , sana ay makadalaw po kayong muli dito." Sabi pa ng lalaki.
"Let us see, anyway I gonna go!" Sagot ng lalaki sa lalaking tila diyos yata ang turing ng lahat ng naroon. Para kasing ito ang pinakamataas sa lahat ng naroon sa lugar na iyon, mahihinuha mo na may sinasabi sa buhay ang lalaki dahil sa tindig nito ngayon. Yung tipong pag tingin mo palang ay panginginigan kana ng laman, sa kabila ng ka gwapuhan nito ay nakakatakot ang awra nito.
"Sige Boss, may kasama po pala kayo." Puna ni Tugro na pilit na inaaninag ang loob ng sasakyan. Para naman siyang nanigas sa loob sa takot na baka sumilip ito sa loob.
"Yes I'm with my assistant." Matipid na sagot ng lalaki na binuksan ang pinto sa tabi niya, kaya pasimple siyang lumipat sa kabilang bahagi ng upoan upang makaupo ito. Mabilis nitong isinara ang pinto ng sasakyan pagkapasok palang, at malakas na bumusina kaagad naman na binuksan ng guard ang gate.
The moment na nabuksan ang gate at nakalabas ang sasakyan ay alam na niya sa sarili niya na natakasan na niya ang masalimuot niyang kapalaran sa kamay ni Tugro at sa asawa ng kanyang tiyahin. Napaluha siya sa labis na ginhawa na hatid ng pagkakatakas niya sa kamay ni Tugro. Ang inaalala niya ay si Josh, kinakailangan na maisama niya ito kahit na saanman siya magpunta. Kailangan niya ring isalba ang kanyang kapatid mula sa maaring maging pananakit ng tiyahin niya at ng asawa nito.
Alam niyang di palalagpasin ng kanyang tiyuhin ang kanyang ginawang pagtakas. Ayaw na niyang umasa na magkakaroon ng katarungan para sa mga kagaya nilang ulila at dukha. Alam niyang may protektor ang asawa ng Tiyahin nila kaya nito nagawang matakasan ang mga kasong nakasampa laban dito, kahit pa nga yung mga mabibigat na kaso na kagaya ng rape at murder, arson at kung ano ano pa.
Nalaman niya iyon mula kay Gerlie, isa itong dating mamamahayag na mas pinili na manirahan nalang doon matapos na masangkot sa isang eskandalo. Ipinabasa din nito sa kanya ang mga balita na tungkol sa asawa ng kanyang tiyahin kaya pinag iingat siya ng mga ito. Kaya simula noon ay nasanay na silang may dala dalang kutsilyo sa higaan, mahirap na. Iba na ang panahon ngayon lalo na at laging lango sa alak ang lalaki at baka di lang nila alam baka lango din sa droga ang lalaki.
Oras na lango sa alak at sa droga ang isang tao ay wala na ito sa matinong pag iisip pa, kadalasan ay doon sa ganung estado sila nakakagawa ng mga karimarimarim na mga krimen. Nakaligtas nga siya sa kamay ng tiyuhin ngayon at kay Tugro pero ang problema naman ay kung paano siya makikiusap sa estranghero na iwanan sila sa malayo sa lugar na iyon. Lugar kung saan di na nila makikita ang anino ng kanyang mga kaanak.
"Ahm Sir, salamat po sa pagliligtas nyo po sa akin mula sa kamay ng tiyuhin ko at ni Tugro." Sabi niya sa lalaki nang mapuna na papalapit na sa crossing patungo sa kung saan sila nakatira.
"Saan kita ibababa?" Tanong nito sa kanya.
"Sir kakapalan ko na po ang mukha ko, pwede po bang daanan ko muna ang kapatid ko, tapos pwede po ba kaming sumama sa inyo sa kahit gaano kalayo makalayo lang kami sa mga kaanak namin?" Sabi niya, umaasa siyang tutulongan siya nito. Pero kung hindi naman ay ayos lang, malaking bagay na ang naisalba na siya nito mula sa dalawang lalaking banta sa kanyang puri at kinabukasan.
"Okay saan natin kukunin ang kapatid mo?" Tanong nito na ikinamulagat niya, di niya kasi inasahan na papayag ito sa gusto niyang mangyari.
"Diyan po papasok sa- ay teka kapatid ko yun!" Sabi niya na mabilis na lumabas ng sasakyan, kasama nito si Aling Sela at ang anak ng babae may dalang bag ang kapatid niya.
"Josh!" Malakas na tawag niya dito, napalingon naman kaagad sa kanya ang mga ito at sabay na tumakbo papalapit sa kanya.
"Ate!" Mahigpit na yakap habang umiiyak ang kapatid.
Marami siyang gustong sabihin dito pero nang mga sandaling iyon ay ang pagtakas ang kanyang priority. Gusto nilang makalayo ng kapatid mula sa kanilang mga kaanak na ganid at mga masasama ang motibo.
"Jana, umalis na kayo ngayon nandito na sa bag ang pera mo, ang mga card at birth certificate nyo ay ako na ang bahala na kumuha sa bahay nyo. Ipapadala ko sa inyo, mag iingat kayo mga anak!" Si Aling Sela na palinga linga sa paligid, alam niyang natatakot ang mga ito na maaring sumulpot ang kanyang tiyahin at tiyuhin. Maari pa silang mas mapahamak,
"Salamat po Manang Sela, di po namin kayo malilimutan." Sabi niya dito.
"I'm in a hurry sasama paba kayo o aalis na kami?" Tila ubos na ang pasensya na tanong ng lalaki sa loob ng kotse.
"Sige ho aalis na kami, halika na Josh!" Sabi niya na hinawakan ang kamay ng kapatid pasakay sa sasakyan ng estranghero na nagligtas sa kanya kanina.
"Pasensya na po sa abala!" Hingi niya ng paumanhin sa lalaki.
Wala siyang natanggap na sagot mula sa lalaki, pero ayos lang dahil panatag na siya na malayo na silang magkapatid sa kaanak nila. Di na niya namalayan na nakaidlip na pala siya, dala na marahil ng pagod dahil maghapon siya sa pagtitinda at idagdag pa ang nangyari kanina, lalo na at di naman biro ang kanyang pagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng tiyuhin nila. Tapos yung tila pakikipag habulan pa niya kay kamatayan na tila ba ay wala ng bukas.