MABILIS na umilag si Bree nang barilin siya ng kalaban. She quickly shot the man who shot him earlier. Napangisi si Bree nang mabaril niya ang lalaki. Malas ito at hindi nito nailagan ang bala ng baril niya samantalang siya ay nakailag nang barilin siya nito kanina.
"Agent Bree, quick! The target is running away!" Ani Agent Rod sa suot niyang earpiece.
"Copy!" Mabilis na tumakbo palabas si Bree saka sinundan ang suspek na tumatakas na.
"Damn." Napamura si Bree nang makitang sumakay ang suspek sa jet ski.
Mabilis niya itong binaril. Fortunately, namataan niya ito sa balikat kaya lang nahulog ito sa tubig.
Tumingin si Bree sa gilid niya at mabilis na binaril ang kalaban na nandoon. Naglakad palapit si Bree sa target nila na nasa gilid na ngayon. Nakita niyang dumudugo ang balikat nito. Itinutok ni Bree ang baril sa target.
"Umakyat ka riyan." Sabi ni Bree.
Umakyat naman ang target.
Napailing si Bree. "Pinahirapan mo pa kami." Aniya. Kaagad niyang pinosasan ang lalaki nang makaakayat ito.
"Argh!"
Bree looked their target. "Masakit ba? Sorry." Sabi niya at hindi pinansin ang pagdaing nito sa sakit.
"Clear." Ani Agent Rod.
"Clear." Ani Agent Maine.
"Clear." Agent Tyler said.
Napangiti si Bree. "Clear."
Maya-maya ay narinig nila ang ingay ng sasakyan ng mga pulis.
"The police are here." Ani Bree. "Let them handle everything. Tapos na ang misyon natin."
"Yes, Team Leader." Sagot ng mga ito.
Nang dumating ang mga pulis. Kinuha ng mga ito ang target at ang ilan sa mga tauhan ng target nila na napaslang.
Tumingin si Bree sa dagat. Nasa isang port sila. Dito ang misyon nila ngayon. Kailangan nilang hulihin ang mga taong may kaugnayan sa drugs. Bumuntong hininga siya. Sampung taon na ang nakaraan pero hanggang ngayon ay parang sariwa pa rin sa kaniya ang nakaraan.
Kumusta na kaya siya?
As much as she wanted to find him, hindi pa maaari sa ngayon. May importante pa siyang dapat gawin at 'yon ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Hindi pwedeng maistorbo ang mga plano niya kaya kailangan niya munang isantabi ang ibang bagay.
"Team Leader, let's go." Ayaw sa kaniya ni Agent Tyler.
Tumango si Bree.
"Mission accomplished again." Sabi ni Agent Rod nang makapasok ang ito sa van.
"That's why we are called the Arsenal Team. One of the fearless team in the Crime Intelligence Organization." Sabi Agent Maine.
Napangiti na lang si Bree. Ipinikit niya ang mata at sumandal sa kinauupuan. Hinayaan niya lang ang mga kasama niya na nag-uusap. They are only four in their group. Their Director told them that someone will join them soon. Then they will become five.
Nang makarating sila sa Crime Intelligence Organization, kaagad silang nagtungo sa opisina ng Director nila upang mag-reporting.
"Congratulations, Arsenal Team." Bati ni Director James sa Arsenal Team.
"Thank you, Director." The four agents replied.
"Have a seat."
Umupo naman ang apat na agents sa magkabilang sofa.
Director James sat on the single sofa. "Agents, I have some good news and bad news." Ani Director James. "What do you want to hear first?"
"The good news, of course." Sabi ni Bree.
Ngumiti si Director James. "Darating dito bukas ang makakasama niyo. Magiging part siya ng Arsenal Team. Galing siya sa ibang secret service pero nag-request siya na lumipat rito. He's a good agent kaya tinanggap ko siya."
Napatango si Bree. "I'm okay with it. Apat lang kami, Director. Okay lang na magkaroon kami ng bagong kasama."
Napatango naman ang ibang kasama ni Bree sa Arsenal Team.
"But what is he good at?" Tanong ni Agent Tyler. "We are a skilled team. Hindi naman pwedeng lalampa ang makakasama namin."
"Grabe ka naman." Sabi ni Agent Maine.
"Nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi ni Agent Tyler.
"Don't worry. The Agent is good in field and he is also a tech expert." Ani Director James.
Napatango si Agent Tyler. "Then I'm okay with it."
"After the good news, there's a bad news." Sabad ni Agent Rod na nakasandal sa kinauupuan nito.
"The bad news, may bago kayong misyon pero confidential na ito. Kayo lang dapat ang nakakaalam. Hindi niyo dapat ito sabihin sa mga kasama niyong team."
"Highly confidential." Komento ni Agent Maine.
Tumango si Director James. "Yes. So go back and rest. We will discuss it tomorrow."
"Yes, Director."
WHEN TOMORROW came, maagang lumabas si Bree ng apartment niya at nagtungo sa Crime Intelligence Organization or CIO. She swipe her Identification Card into the machine.
"Access granted."
Pumasok si Bree sa loob ng building. Yes, ganun kahigpit ang organisasyon nila. Everything was high tech.
Pumasok siya sa elevator at pinindot ang tenth floor kung nasaan ang conference room. Doon daw nila imi-meet ang bagong miyembro ng grupo nila.
Nang makarating si Bree sa tenth floor, kaagad siyang nagtungo sa conference room. Nadatnan niyang nandoon na ang mga kasama niya pero wala pa ang bagong miyembro.
"Wala pa ang new member?" Tanong ni Bree sa mga kasama.
Umiling ang mga ito.
"Kasama ni Director." Sagot ni Agent Maine. "Patungo na sila rito."
"Oh." Umupo si Bree sa tabi ni Agent Maine.
Maya-maya ay bumukas ang pinto ng conference room at pumasok si Director James kasama nito ang isang lalaki na may hawak na laptop.
Tumayo sila. "Director."
Tumango si Director James.
Kumunot ang nuo ni Bree nang makitang parang pamilyar sa kaniya ang kasama ni Director James.
"Agents, this is your new member." Ani Director James.
Nag-angat ng tingin ang kasama ni Director James, inilapag nito ang laptop sa mesa. Ngumiti ito. "Hi. I'm Russell Knight Henderson. Just call me RK. Nice to meet you all."
Bahagyang nanlaki ang mata ni Bree. Kaya naman pala pamilyar ito sa kaniya.
"Agent Tyler." Nagkamay ang dalawa.
"Agent Rod."
Tumango si RK at nakipagkamay.
"Agent Maine."
Ngumiti si RK at kinamayan ang babae.
Tinignan niya ang isang pang babae. Kumunot ang nuo ni RK nang makitang pamilyar ito sa kaniya. Parang nakita na niya ito dati pero hindi naman niya matandaan kung saan at kailan niya ito nakita. Pero parang may kamukha ito.
"Bree Garcia."
Bahagyang nanlaki ang mata ni RK. "Bree?"
Tumango si Bree at nginitian si RK.
Ngumiti si RK. "Nice to see you again, Bree."
"Same to you, Kuya RK." Ani Bree.
"You know each other?" Tanong ni Director James.
Sabay na tumango si Bree at RK.
"That's good then. RK, Bree is the Team Leader of the Arsenal Team."
Tumango si RK.
"Have a seat, Agents."
Umupo silang lahat.
"Katulad ng sinabi ko sa inyo kahapon, may bago kayong misyon. The police unit wanted us to solve about the big syndicate that is operating inside and outside of the country." Ani Director James. He distributed the folder to them.
"What's the name of the syndicate?" Tanong ni Bree habang binabasa ang folder.
Umiling si Director James. "Walang nakakaalam ang pangalan ng organisasyon at 'yon ang kailangan nating alamin."
"This is indeed a big syndicate." Sabi ni RK habang binabasa ang laman ng folder. "They are operating inside and outside of the country. Mostly they are smuggling spare parts, drugs, kidnapping, and assasination." He sighed.
"Sa loob at labas ng bansa ang operasyon nila. Siguradong may mga banyagang kasama sa sindikatong 'to." Sabi ni Agent Tyler.
"Ang mahirap lang, hindi natin alam kung sino ang leader o kung sino ang mga kasapi sa sindikato na 'to." Sabi ni Agent Maine.
"Sa tingin ko kailangan nating magsimula sa pananaliksik ng mga ebidensiya. Kailangan natin ang tulong mga pulis." Sabi ni Bree.
Sumang-ayon naman si Director James. "Kailangan niyo ang ebidensiya na nasa mga pulis. Don't worry, ako na ang bahala roon."
Nagpatuloy ang discussion nila hanggang tanghali dahil marami ang kailangan nilang pag-usapan tungkol sa bagong misyon na hawak nila. Nang matapos ang pag-uusap nila, mabilis na lumabas si Bree ng conference room.
Lumabas siya ng building at tinungo ang kinaparadahan ng kotse. She wanted to inhale some fresh air. Nagmaneho siya sa walang katiyakang direksiyon. He saw RK Henderson. Siguradong ang hitsura nito ay ganun din ang hitsura na ngayon ni RA.
Napailing si Bree saka binilisan ang pagmamaneho. Natigilan siya nang makita ang bench na nasa malapit sa simbahan. Naalala niyang dito sila noon unang nagkita ni RA. Kung saan ay umiiyak siya at binigyan siya nito ng panyo. Itinigil ni Bree ang sasakyan saka bumaba. Naglakad siya patungo sa bench at umupo roon.
Napangiti siya sa mga bata na naglalaro sa parke na malapit rin sa simbahan. Inilabas niya ang cellphone at kinunan ang mga ito ng larawan pero bigla niyang nabitawan ang cellphone niya. Pupulutin na sana niya ang cellphone niya pero may nakaunang pumulot sa cellphone niya.
"Thank you." Sabi ni Bree at hinawakan ang cellphone pero hindi binitawan ng lalaki ang cellphone niya.
Nag-angat ng mukha ang lalaki. Natigilan sila pareho habang nakatingin sa isa't-isa.
"Bree?"
Napalunok si Bree. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso. Kilala niya ang ganitong pamilyar na pakiramdam. Ganito ang nararamdaman niya kapag nakikita niya si RA noon.
"Bree, is it really you?" Umaasang tanong ni RA.
Dahan-dahang tumango si Bree.
Napangiti si RA at mabilis na niyakap si Bree. "I miss you."
Hindi naman kaagad nakagalaw si Bree dahil sa pagkabigla. Pero unti-unting umangat ang kamay niya at yumakap kay RA.