Palinga-linga si Aica Ramirez sa kanyang paligid. Nakikita ng beinte y siete anyos na dalaga ang kanyang hininga sa malamig na araw na iyon sa isang London street. Hinahanap niya ang address ng kanyang hotel. Iniwan na lang siya basta ng bastos na taxi driver na ‘di pa itinuro kung saan ang hotel niya na isang bloke pa pala ang layo. Inihinto lang siya sa isang kanto dahil sa nag-uumpugang snow sa kalsada kung kaya’t hindi ito makalusot nang diretso sa kanyang hotel. Dapat sana ay wala na ang snow na iyon sa mga oras na ito pero mukhang kasalukuyan pang inaalis ito sa kalsada. Baka may problema lang sa operator o kaya sa makinang gamit nito na snow plower o snow blower. Ewan niya lang kasi wala siyang nakikita.
Hila-hila niya ang kanyang isang clasp fastener type na maleta—iyong tipong walang zipper—na may gulong, hindi niya napansin ang isang trabahanteng naglilinis ng sidewalk gamit ang makina nitong pang-alis ng snow. Sa kakatingin niya sa ibayong daan ay nahagip siya roon sa isang pakalat-kalat na cord ng kung ano at sa kabiglaan ay nabitiwan niya ang kanyang maleta at nag-tumbling ito sa maniyebeng daan at nalantad ang kanyang mga personal na gamit sa loob habang pupungas-pungas siyang inaalis ang snow sa kanyang mukha.
Natilihan siya dahil sa ilan niyang underwear at ibang personal na gamit ang nagkalat sa snow. Sigurado siyang pinagtitinginan siya ng mga Brits at ibang foreigners nang dahil niyon. She hoped her embarrassment would just make the earth open up and swallow her whole. O kaya’y matabunan na lang siya ng snow nang buhay at huwag nang makita pa ever. Ngunit hindi iyon nangyari.
Isang pink at sexy bikini panties niya ang nakita na lang niyang nakalutang sa ere sa harapan niya na ikinalaki ng kanyang tsinitang mga mata at ikinasinghap niya. She tried to snatch her underwear away. Ngunit itinaas iyong lalo ng isang lalaking may hawak nitong naka-glove na itim ang kamay na may pang-uuyam ang mga mata’t ngiting nakatingin sa kanya. He was familiar—too familiar that her heart skipped a couple of beats before it pounded so hard in her chest. Biglang rumehistro sa kanyang alaala ang mukha nito ngunit hindi niya matandaan ang pangalan nito. Well, hindi niya naman talaga ito kilala. So, there was that.
“You!” bulalas niya sa estranghero. Magkasalubong ang maarkong mga kilay niya.
“Yes. It’s me.” Sinipat-sipat pa nitong maigi ang underwear niya na ikinapula ng kanyang pisngi. “You’re a bother to be here and display your… low-class and unknown-branded but… sexy underwear,” saad nito nang sarkastiko at napasimangot.
Pilit niya na namang abutin iyon pero dahil sa tangkad nito ay madali lang nitong itinaas pa ang kamay para hindi niya mabawi ang lacy underwear na hipster.
Buwisit! Ang yabang nito! Bakit niya ‘to ginagawa sa ‘kin? Pansin na niya ang mga taong nanonood sa kanila. May mga naghagikhikan na at lalong uminit ang kanyang pisngi.
“I had no idea this is the type of underwear you wear. You don’t look like the kind of girl who wears such a sexy thing,” he drawled in his British accent.
Nagbabaga ang mga mata niyang nakatingin sa lalaki habang sobrang nag-iinit pa rin ang pisngi niya. Sana ay maisip lang nitong dahil sa lamig iyon at hindi sa walang habas nitong sinabi.
Napaismid naman ang lalaki pagkalipas ng ilang sandali at binitiwan na ang kanyang underwear na tila ba’y may kung anong basura iyon. Na-shoot naman ito sa kanyang maleta, thankfully. But her face still flushed visibly. Hindi lang dahil sa lamig kundi sa pang-iinsulto nito. She bit her lower lip in anger habang nagmasid pa ang mga mata nito sa kanyang bukas pa ring maleta.
“And of course, your poor brain can’t let you remember it,” ang dagdag pa nitong may pang-uuyam pa rin sa mga mata.
Tumalikod na ito upang iwanan siya sa kanyang pagkapahiya sa mga taong naroroon. Hindi nito alintana na kumuha siya ng snow at naisama pa ang isa niyang underwear nang maibato sa lalaki pero binalewala nito iyon. Napamaang naman siya nang makita ang underwear niyang nasama sa inihagis na snow at napakagat-labi. May iilan pang mga taong kinunan siya ng picture at video sa cell phone ng mga ito at dali-dali niyang pinulot ang underwear na tumama sa likod ng lalaki saka ibinalik na sa kanyang letseng sirang maleta, pati na ang iba niyang mga gamit.
It? It? Nagpupuyos ang kanyang dibdib sa galit. Alam niya ang ibig sabihin nito sa “it” na iyon. Ang araw na iyon tungkol sa boots na naman niya. Dahil sa suot na naman niya ngayon ang parehong boots na gamit niya tatlong taon na ang nakalilipas.
Nang maibalik na niya ang lahat ay itiniklop niyang muli ang kanyang maleta at napatayong tila ibinalik ang composure at pilit na ngumiti na tila isang contestant sa isang beauty pageant.
Daig ko pa yata si Merriam Quiambao nito. Hmp! That rude assh*le! Kung bakit ko ba siya nakikita na naman ngayon? Tsk! Ang malas ko talaga sa kanya! Galit na tinutuya niya ang sarili at ang inis niya sa lalaking iyon habang nagpapatuloy sa paglalakad nang tila walang nangyari. Subalit abot-abot na ang kanyang galit para sa lalaking iyon at sa kanyang pagiging malas sa araw na ito—at siguro’y umpisa niyang makita ito tatlong taon na ang nakalipas.
Right. Three years ago, she met him. She didn’t know his name. And she had no wish of knowing it even though her heart was screaming it. Bakit ba? Kung hindi ba naman ito masungit at suplado and among other things, baka nga’y na-love at first sight na siya rito noon. Well, she sure always recalled that unpleasant meeting. He did cross her mind time and time again—sige, aaminin na niya, palagi niya itong naiisip—after that incident. Kahit napapahanga siya noon sa lalaki dahil sa sobrang guwapo nito ay naiinis naman siya sa kasupladuhan at pangmamata nito sa kanya.
Three years ago…
Naglalakad si Aica nang mabilis sa isa sa mga London streets na katulad nitong napaka-busy. She tried to catch a cab nang isang matabang may edad na lalaki ang bumangga sa kanya at bumunggo rin siya rito dahil sa gusto nga niyang maabutan ang taxi na magdadala sa kanya sa hotel kung saan ang conference na iho-hold. Galing pa siya noon sa kanyang mumurahing flat. Clumsy by nature, she lost her balance. Kung kaya’t ang kanyang boots na mumurahin ay nagpa-slide sa kanya sa mayelong sidewalk. Nasapol pa siya sa kanyang kaliwang balakang pagbagsak niya.
“Arayy…” umuungol na aniya at napangiwi ang mukha.
Ang backpack niya ay lumubog sa snow. Itinukod niya ang mga kamay roon upang mapatayo ngunit nadulas siyang muli. Nadagdagan pa ang sakit ng kaliwa niyang balakang kaya napaungol na naman siya samantalang bahagya lang siyang tiningnan noong may edad na lalaki na nakabanggaan niya at inagaw pa nito ang cab niyang napara na. Ilang saglit pa ay may naramdaman siyang isang taong humihila sa kanya at tinutulungan siyang tumayo.
He smelled of fresh musk and another scent na parang natural lang dito. Sa katunayan nga, he smelled nice. Malinis. Ang sarap sa feeling, sa senses niya.
He helped her regain her balance. His dark brown eyebrows were knitted together nang malingunan niya ito at nakita niya ang kayumangging buhok, ang pagkaguwapo nito at pagkamatipuno. He was about in his mid-thirties, and he was tall. Sa madaling salita, he was tall, not dark, sungit-handsome at mabango.
Para siyang nakuryente nang bahagya nang maramdaman ang mga bisig nito sa kanya. Napalunok pa siya ng laway. Sana lang ay hindi iyon tumulo sa kanyang baba habang nakamasid sa mukha nito. In return, he didn’t blink as he surveyed her face with some kind of disgust.
Tama ba iyong nakikita niya? Bigla tuloy siyang napasimangot.
“T-thank you,” napilitang aniya na napahiya.
Napasinghap pa siya pagkasalita at binawi ang sariling paningin nang magkahinang ang kanilang mga mata habang sapo niya ang kanyang balakang. Inilagay nito sa balikat niya ang kanyang backpack at napa-aray siya dahil sa parang kumuryente roon ang sakit ng kanyang balakang. Then she realized her skinny jeans, somewhere on the buttocks area, were wet.
“You should be careful next time. The road is slippery because of the ice. And your boots, why do you use that kind of boots?” May himig na iritado itong nakatingin sa kanya. “You should wear those ones for the ice.”
Napaawang ang labi ng dalaga. Wala itong alam kung bakit itong mga boots ang kanyang suot! Ito lang ang na-afford niya. Ano’ng alam nito sa ekonomiya ng buhay niya?
Inis niyang sinungitan ito dahil sa mapanghusgang taong ito. “Don’t lecture me because you have no idea what I’ve been through!” Siyempre hindi niya idinagdag ang katotohanang hindi siya maka-afford ng boots na mas mamahalin pa sa mga itong suot niya ngayon.
She was still an advanced graduating PhD Archaeology student. Tinitipid niya ang kaunting pera na magkasya lang sa budget niya, lalo na sa personal na buhay niya dahil may sinusuportahan siya. Kaunti lang din ang budget na bigay sa kanya ng university na kanyang tinuturuan sa London at ito pa ang nangyari. Paano na lang kung may injury siya? Gusto niya kasing ilaan pa sa mas importanteng bagay ang pera kaysa boots niyang binili pa niya sa ‘Pinas. Pakialam ba ng Pinoy sa ice at snow? Wala naman iyon doon. Pero hindi nga praktikal iyon dito at iyon lang ang naisip niya.
“Well, poor people like you should stay in their homes during winter to avoid disasters to other people on the streets,” ang sabi nito nang sarkastiko at saka iniwan na siya.
Aba! Napamaang siya sa antipatiko at matapobreng lalaki. Sa galit niya ay dumukwang siya at pumulot ng sangkaterbang snow na ginawa niyang bola at inihagis niya iyon sa likod ng lalaki. Mukhang hindi nito pinansin iyon dahil nagpatuloy ito sa paglakad. Pero huminto ito ilang hakbang pa bago lumingon sa kanya.
“Gago ka pala, eh! Hayop ka!” pagta-Tagalog pa niya sa lalaki dahil sa inis. “Matapobre ka pa! Mamatay ka na sana pagkatawid mo ng kalsada!”
Aisht! Minaldisyon ko ba talaga siya? Patawarin mo ‘ko, Lord! Kainis kasi ang gagong ‘yon!
He gritted his teeth. Nakita naman niya iyon hanggang sa tinalikuran na siya nito at inis niyang sinundan ng tingin ang antipatiko. Akala pa naman niya may magandang loob talaga ang taong iyon dahil tinulungan siyang tumayo pero hindi pala.
Racist din yata ‘yon, eh! naisip na lang din niya na nagpupuyos.
Sumipol siya ng cab at napatingin sa kanyang direksyon ang mga tao maliban sa lalaking nagpatuloy sa paglalakad nang nakapamulsa sa leather trench coat nitong itim. Everything about him actually spelled M-O-N-E-Y. Pero pakialam niya? Ang sama naman ng ugali nito.
Sumakay na ang dalaga sa taxi na siyang unang huminto sa harap niya at nagpahatid na sa hotel na kailangan niyang puntahan. Napasulyap siya sa relong pambisig habang napakislot ang kanyang mukha sa sakit ng kanyang balakang. Late na siya nang ilang minuto. Sana ay makaabot pa siya at hindi siya mapagsarhan ng conference room ng hotel.
Nang matunton niya ang conference room na bukas naman ay nagparehistro siya agad at hindi niya napansin ang lalaking nakamasid sa kanya sa isang sulok—at iyon ay ang nakasagutan niya sa bangketa.