Russel Pattinson followed Aica with his gaze. Nakikinig na ang babae sa speaker na kasalukuyang nagdi-discuss tungkol sa basic radiocarbon dating, which was supposed to be his topic na ipinasa niya sa isa pang PhD ng Archaeology. Hindi siya sanay na nagbibigay ng speech o kaya ay lecture sa kapwa PhD, masters at ibang mga archaeologists sa publiko kahit na pa na nagle-lecture na siya sa isang malaking university sa London. Madalas ay mas gusto niya lang magsulat ng mga nalalaman niya sa isang libro.
“Hello. Excuse me, Dr. Pearson. May I know who she is? It’s my first time to see her here.” He stopped the fellow archaeologist na siya siyang naka-assign sa pagrerehistro sa mga attendees ng conference. Ininguso pa niya ang dalagang nakasuot ng brown na jacket na hinuhubad na nito ngayon at isinasampay sa likod ng silyang kinauupuan.
“Ah, her name’s Aica Ramirez. She’s actually from the Philippines. Currently, she is teaching college students the Archaeology subject here in London, and she’s going to graduate from her PhD this year,” tugon ni Dr. Pearson.
“She’s still young.” The thirty-five-year-old Brit billionaire remarked the obvious as he watched the eager woman taking notes. May mga iba’t ibang kulay pa itong gamit habang nagte-take down notes na siyang nagpapaaliw sa kanya.
“I know. I hear most Filipinos are young professionals. They finish their college or university degree at the age of twenty or twenty-one. I suppose that’s the average, before the K12 is injected in their education system a few years ago. But I heard she finished college at nineteen skipping a couple of grades in her elementary years. And she’s here in London to further her studies and experience after her masters. But she told me that she’s going back to the Philippines after her PhD graduation this schoolyear,” paliwanag ng may edad na babae na may makakapal na salamin sa mga mata. Nakikinita pa rin ang magaganda nitong berdeng mga mata.
“I see. Thank you, Dr. Pearson.” He smiled at her gratefully after getting some information from her.
“You’re welcome, Dr. Pattinson.” She smiled back and excused herself. She walked past him to talk with one of the organizers of the conference.
Russel’s eyes were fixed on the Filipina doctoral student. He couldn’t believe that this young and beautiful lady was here because of his same profession! But he wondered how she passed the exams and panel interviews in one of London’s prominent colleges to teach and study at the same time. He must admit it was a daunting task for a young professional, and judging by her personality, she had that knack for trouble wherever she went—and not to mention, disaster. At hindi niya ito gusto. Still, there was something in her that gravitated him toward her.
Kalaunan, ilang araw pa sa conference ay napahanga siya sa consistent na pagte-take down notes ng babae habang nakamasid lang siya sa isang sulok kung saan hindi siya nito nakikita.
Why doesn’t she record the whole thing instead? sa isip niya pa.
She still used those different color pens. Minsan ay pasimple niya itong dinaanan sa may likuran nito. Ang pula ay siyang naka-underline sa mga important notes. Ang green ay pang-highlight ng mga processes, techniques at kakaibang technical terms. Ang pink ay remarks. Ang itim naman ay notes mula sa mga lecturers samantalang ang blue ay ang pangalan ng lecturers. Wala siyang masabi! He smiled to himself and left her, ignoring other people’s stares and curious glances. Hindi man lang siya napansin ng babae na nakikinig talaga sa lecture.
***
Napalinga ang dalaga sa kanyang likuran. Sigurado siya noong may naramdaman siyang nakamasid sa kanya kanina pa ngunit nang nilingon niya ay wala namang tao. May nakita siyang naglakad papalayo pero hindi niya nakita ang mukha nito. He was tall and well-built. At iyon ang dahilan kung bakit ang isipan niya ay hinila sa lalaking nakaaway niya sa bangketa ilang araw na ang nakalipas. From then on, she never saw him again. At hanggang sa matapos na ang conference.
That was three years ago, ipinaalaala pa ni Aica sa sarili habang pumapasok sa hotel at tuloy-tuloy na siya sa reception desk upang maka-check in na.
She wanted to take her mind off that gorgeous but detestable man. He always stirred feelings deep within her heart and her abdomen that she never felt before. Bakit parang hinahalukay ang kaloob-looban niya kapag naroon ang lalaki? Nagtataka talaga siya kung bakit ito na lang ang palagi niyang nararamdaman para sa taong iyon. ‘Di naman siguro siya naa-attract sa kinaiinisan niya, ano? Totoong wala siyang boyfriend since birth. But he was different. There was something in him she could not point a finger on. Ang nakakaloka pa ay parang ginawa niyang sukatan ang lalaking nakaaway niya sa mga manliligaw niya. She hated herself for doing it and for feeling like this. Para siyang obsessed sa lalaking iyon. At ipinaliwanag naman ng isipan niyang galit lang siya rito, which was so unconvincing naman.
She heard that almost all delegates from the different parts of Asia were already booked here and had checked in. Ngayon lang siya dumating galing Pilipinas kung kaya’t hindi pa niya nami-meet ang mga magiging kasamahan niya sa pag-survey at pag-study ng Stonehenge upang ikumpara sa earlier surveys and studies na projects. She was happy to have this privilege dahil sa isa ito sa mga pangarap niyang maging kasama sa isang grupo ng international archaeological project na baka magkakaroon ng ibang breakthroughs. Matutuwa talaga siya na maisama roon ang kanyang pangalan sa mga batikang British and other international archaeologists. The Brits initiated and sponsored this activity this year, from what she learned. At sobrang laking pasasalamat niya na isa siya sa mga archaeologists na galing Asia ang napiling imbitahan at isama rito. Isa ito sa once-in-a-lifetime projects na gusto niyang trabahuhin. At ang saya niya.
Nang makapasok siya ng kanyang silid ay napahanga siya sa sa laki nito. May isang malaking kama na pinagitnaan ng night tables na may lampshades na maliliit. Sa isa ay may nakapatong ding telepono at menu. Sa kaliwang bahagi ng kama ay ang bintana, pati na ang terasa na may sliding doors. Sa tapat ng kama sa paanan ay dalawang couch na may elastic sofa cover na lavender ang kulay. Masinop ang silid at mabangong malinis.
Pagkatabi niya sa kanyang maletang nasira ay tumungo siya sa may bintana at tiningnan ang view sa labas. Walang masyadong magandang tanawin kundi mga gusali, sasakyan, tao at ilang bahagi na may snow. Kapag nakakita siya ng snow, iyong bastos na lalaki talaga ang naiisip niya.
How dare he touch my underwear? Halos manggagalaiti siya sa kaiisip dahil sa inis.
Pilit niyang iwaksi sa utak niya ang taong iyon at napasulyap sa sariling suot na itim. Inalis niya ang kanyang jacket at initsa iyon sa isang couch.
Parang gusto niyang maiyak. Naalala niya si Alec. Kahit na gusto niyang nasa tabi nito ay kailangan niya ring magtrabaho, kahit malayo. Naisip niya na lang na tawagan ito mamaya. Seven hours ahead naman ang Pilipinas sa UK. Kung hindi man mamaya ay bukas na niya ito tatawagan para kumustahin.
Tama. Bukas ko na lang siya tatawagan at nang makapagpahinga naman siya, naisip na lang niya.
Pumasok na lang siya sa banyo na malinis din naman. Naisip niyang mag-shower muna para presko ang pakiramdam niya bago magpahinga. Iidlip lang siya at saka o-order ng makakain kapag nagutom na. Mga bandang alas dos pa naman ng hapon. May oras din siyang gumala sa hotel mamaya at i-check kung ano ang nasa restoran nito. Sana nga lang ay afford niya ang pagkain.
At sana hindi ko siya makita. Para pa naman siyang kabute kung sumusulpot. Grr!