❀⊱Trisha's POV⊰❀ "Magkakilala ba kayo ni Mayson? Bakit parang interesado sa'yo ang assassin ni King Venum?" Tanong ni Charmaine. Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng tinutukoy niyang Mayson. Nakatingin nga ito sa amin, pero sa totoo lang ay hindi ko naman ito kakilala. Pero bakit parang nakikilala ko ang kanyang mga mata kanina. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang maitatawag ko sa nangyari sa akin kanina, but there's something that connects us in a way that's hard to explain ng tinitigan ko siya kanina. Bakit kaya ganuon ang naramdaman ko sa kanya samantalang sigurado naman ako sa sarili ko na hindi ko siya kilala. Sino ba kasi ang lalaking 'yon at ganuon na lang niya ako inisin? Saka, bakit ba niya ako niyakap? Gusto ko tuloy siyang barilin kanina kaya lang baka magalit si Ma