◄Mayson's POV► Umalis si David at si Dazzle, pero naiwanan dito sa condo ko sila Rouge at nag-iinuman lang sila dito. Hindi naman kalayuan dito ay ang hotel na pag-aari ng mga Hendrickson kaya mamayang pag balik nila David dito, baka duon na rin sila matulog sa hotel. Malaki naman ang aking unit, ipinasadya talaga ito ng aking ama para sa akin. May apat na silid ito na pwede naman nilang tulugan, pero batid ko rin na hindi naman sila sanay na matulog ng magkakatabi, kaya siguro ay mas nanaisin nila na sa hotel nila sila matutulog mamaya. Okay lang din naman sa akin, naiintindihan ko. Alas otso na ng gabi, nagpunta sila David at Dazzle sa hospital nila na hindi naman kalayuan sa Burnham Park. Duon nila isasagawa ang DNA test at hindi ko alam kung bukas ay matatanggap na namin ang result