┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Ilang araw na ang lumipas mula nang mag-usap sina Trisha at Mayson sa Cebu, pero hanggang ngayon, hindi pa rin matanggal sa isip ni Trisha ang mga salitang binitiwan nito. Simula nung araw na 'yon, kahit gustong-gusto ni Emboy na makipagkita kay Mayson ay hindi siya sumasama, ang kapatid niyang si Queen na lang ang lagi niyang pinapakiusapan niya na maghatid kay Emboy upang dalhin ito sa office or sa condo nito. Para kay Trisha, ito ang pinakamadaling paraan para maiwasan niya si Mayson. Hindi siya handang muling makipag-usap dito, at ginagawa niya ang lahat para mapanatili ang distansya sa kanilang dalawa. Ayaw na niyang magkamali pa, ayaw na niyang mapaglaruan pa. Minsan na siyang naging tanga sa pag-ibig, hindi na 'yon mauulit pa. Mas nanaisin niyang pakasalan si Raega