❀⊱Trisha's POV⊰❀ "Mukhang seryoso sa'yo si Mayson. I can tell how deeply he's in love with you. May pag-asa ba siya sa'yo? Wala naman sigurong masama kung sasagutin mo ang panliligaw niya. " Wika ni Charmaine. Napatingin ako sa kanya, humugot ako ng malalim na paghinga at saka ko sinaid ang kopita na may lamang alak. Mahina akong natawa dahil sa tinuran ni Charmaine. Napasulyap pa ako kay Mayson na busy sa pakikipag-usap sa pinuno namin at kay Marcus. Muli akong humugot ng malalim na paghinga at saka ako ngumiti ng tipid, pagkatapos ay walang gana akong sumagot. Para kasing kay lalim ng iniisip ng utak ko, pero hindi ko naman ito maunawaan. parang blangko lang sa akin ang lahat, pero alam ko na may gumagana sa utak ko, kaya naguguluhan ako. "Honestly, Charmaine, I’m not sure what to thi