┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Limang araw ng hindi nagpaparamdam si Mayson sa kabilang isla. Masyado siyang nasasaktan para kay Emboy kaya hindi na niya nagawa pa na magpakita muli. Ayaw na niyang magpanggap pa at baka lalo lamang masaktan ang kanyang anak. Nakapag desisyon na ito, kailangan na niyang sabihin sa kanila ang katotohanan. Hindi na niya kaya pang lokohin ang kanyang anak. Mahal na mahal niya si Emboy, pero ang huling pag-uusap nila ang tumimo sa kanyang puso. Nararamdaman niya ang takot na baka maghanap si Emboy ng ibang ama, kaya gusto na niyang tuldukan na ang kanyang pagpapanggap. Batid nito na kung ano man ang magiging resulta nito, sigurado siya na hindi ito pabor sa kanya. Pero mas gusto niyang tanggapin ang galit nila kaysa patuloy niyang lokohin ang kanyang anak. Ayaw na niyang magp