┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Nakabalik na ng Manila si Trisha. Pagkauwi niya sa tinutuluyan niyang apartment ay isang magandang sasakyan na ang kanyang dala na ipinadala ng kanyang lolo para sa kanya. Ang dati naman niyang sasakyan ay iniwanan niya sa kanyang ama upang may magamit ito kapag may lakad ang mga ito kasama ang kanyang ina at ang ninong at ninang niya. Kasama niya ngayon ang kanyang mga kaibigan. Hindi nakapunta ang mga ito sa Baguio dahil sa dami na rin ng mga inaasikaso nila. Lahat sila ay may kanya-kanyang trabaho na dapat nilang unahin kaya kadalasan ay hindi sila nagkakaroon ng time para mag-bonding. Hindi katulad nuon na pa-easy, easy lang ang buhay nila pero ngayong may hawak na rin silang mga negosyo, doble na ang oras na kailangan nila, pero ngayong araw ay nandito sila at magkaka