Naiwan si Choleen sa kwarto matapos siyang ihatid ni Archer. Nagpaalam ito saglit sa kaniya may kakausapin lang daw ito. Wala naman pakialam si Choleen kung sino ang kakausapin at kung ano ang gagawin ni Archer basta ang mahalaga sa kaniya makakapagpahinga na siya. Masyadong siyang napagod sa araw na iyon. Pakiramdam niya buong hotel ng nilinis niya e ang ginawa lang naman niya buong araw ay sunod ng sunod kay Archer kung saan man ito magpunta. Nakailang bote na siya ng mineral water kanina nagtataka na nga ang isang katulog doon sa hotel sa kaniya dahil panay ang hingi niya ng tubig. Natawa na lang siya sa sarili ng maalala niya ang ginawa niya kanina. Matapos niyang kumakain naligo muna siya saka nagpahinga. Madalim na sa labas paggising niya. Napalingon naman siya sa couch sa gilid na