Araw ng linggo, ito sana ang araw na babalik na sila sa Miera Grande kaya lang nagkaroon ng problema. Nabalitaan nila mula sa katiwala ni Archer na bumagsak ang tulay isang kilometro mula sa Siera Grande. Pinagbabawal muna ang pagbyahe kaya walang nagawa si Choleen nang sabihin ni Archer na kailangan muna nilang manatili sa Siera hanggang sa maayos ang daan. Nang mga sumunod na araw ay ginawa ng paulit-ulit ni Choleen mga ginagawa niya. Mabuti nalang at gumagana ang internet connection doon kaya nagagawa niyang mag-search sa internet ng maaaring lutoin. Paulit-ulit nalang kasi ang mga hinahain niya kay Archer. Ayaw niya naman na mapuna ulit ng amo niyang masungit. Lalo na't hindi niya pa alam kung hanggang kailan sila magtatagal sa Siera grande. Nabuburyo na nga siya sa totoo lang. Kulan