CHAPTER FOUR

1623 Words
"Ada!" tawag sa akin ni Piena nang papasok na ako ng classroom. Maguumpisa na ang klase. Hinarap ko siya. "Bakit?" "Anong ginawa niyo ni Professor Gael kahapon nang kayo lang dalawa sa loob ng classroom?" usisa niya sabay humalukipkip at mataray niya akong tiningnan. Ang isang ito, akala mo kung sinong maka-corner sa akin kung makatanong muka lang siya hinhin pero may tinatagong kati naman sa katawan, at alam ko na gusto niya rin si Professor Gael, pero sorry na lang dahil may nanalo na at ako iyon. "At bakit mo tinatanong? Close tayo?" sagot kong patanong din na hindi sinasagot ang pang-uusisa niya. Muli niya akong tinaasan ng isang kilay. "Duda akong may ginawa kayo sa loob dahil paglabas ko agad na ni-lock ni Prof. ang door knob para muli kayong mapag-isang dalawa." Ano nga kung ganoon? Pakialam ba nito? "Oh? Ano ngayon kung meron nga kaming ginawa?" pangaasar ko pa sabay ngisi dahilan para manlaki ang mga mata niya. "Alam kong may gusto ka rin kay Professor Gael, at naiinis ka ngayon sa akin dahil ikaw, hindi ka nagawang kinulong sa classroom at hindi tulad ko na ni-lock pa ang pinto para walang maka-abala sa amin." "You b*tch! Ang kati mo!" sigaw niya. "Mas makati kang g*ga ka! Palibhasa inggit ka lang dahil hindi ka naman pinapansin 'di ka kasi type!" mataray at matapang ko ring sigaw. Akala niya, huh? Kung mahaba sungay niya, mas mahaba ang akin! H'wag niya akong inaano-ano talagang pumapatol ako. "What did you say?!" galit niya pagpapaulit. "Ang sabi ko, hindi ka kasi type kaya hindi ka ni-lo-lock sa classroom! Inggitera ka!" inulit ko nga na may pangbubuska pa. Nahigit niya ang paghinga at pinanlalakihan niya ako ng mata dahil sa galit. Halata nga talagang inggit ito, hindi naman niya ako co-corner-in kung wala rin siya pag-tingin kay Professor Gael. Nagulat ako nang bigla niya akong itulak dahilan ng pagka-out of balance ko kaya napaupo ako sa sahig at naitukod ko ang dalawa kong palad sa gilid ko na dulot ng malakas na pagkakasalampak ko. Sinamaan ko siya ng tingin at agad akong tumayo at bumawi nang siya naman ang itinulak ko at sabay hila ng buhok niya dahilan para mapahiga siya. Nagsisigaw siya. "Ano ba! Bitiwan mo!" utos niyang bitiwan ko ang buhok niyang ga-anit ay hila-hila ko sa gigil ko. "Ikaw na bruha ka, pipili ka ng co-corner-in mo!" sigaw ko sa kanya at patuloy ko lang siyang sinabutan. "H'wag kang inggitera! Humanap ka rin ng lalaki mo! Nyeta ka!" Pinanggigilan ko ang buhok niya at mas hinila pa. "Bitawan mo! Masakit na, Ada!" Paiyak na ang boses niya, ngayon niya nalaman na hindi ako dapat kinakalaban dahil patola talaga ako! Pinalibutan kami ng mga estudyanteng nakiki-usosyo sa nangyayari kaguluhan habang ako walang pakialam kung sino mang makakita dahil sa nararamdaman kong galit para sa babaeng ito. "Dapat sa iyo kinakalbo! Ikaw ang unang nanakit!" gigil ko pang sinabi at niyugyog ko ang ulo niya at pinagsasampal ko siya nang biglang may malakas na kamay ang humila sa braso ko. Napahinto ako sa pagiging agresibo ko at agad na nilingon kung sino ang humila sa akin palayo kay Piena na ngayon nag-iiyak na dahil sa natamo niya mula sa akin. "P-Professor..." Para akong nahimasmasan. Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin at dumako kay Piena na tinulungan ng mga kaibigan niyang tumayo mula sa pagkakahiga nito sa sahig. "Bring her to the clinic," utos niya sa mga kaibigang estudyante nito at dumako muli ang atensyon niya sa akin. "At ikaw, follow me at the Dean's office." Napalunok ako at binitiwan niya na ang braso ko sabay tumalikod na pero bago pa man siya tuluyang magtungo sa office ay sinita muna niya ang mga estudyante mag-si-balik sa kani-kanilang mga classrooms. Dinagsa ako ng kaba sa dibdib nang sumenyas siya sa akin sumunod ako sa kanya sa Dean's office. Napayuko na lang ako at humakbang na kasunod niya. Walang salitang namumutawi sa kanya at alam kong yari ako kapag nakaharap ang Dean at lalo na kapag kami na lang dalawa. Sabon ako nito. Nakaupo ako sa silya kaharap si Dean na bakas ang pagkadismaya sa nangyari at si Professor Gael na kahit mukang kalmado ay halatang galit sa nasaksihan niya kanina. Hindi ako makatingin sa kanila ng diretso lalo na kay Prof., ramdam na ramdam ko na galit siya sa akin... Himigpit ang hawak ko sa dulo ng palda ko habang nakalapat ang dalawa kong kamay sa ibabaw ng magkabila kong hita. "I'm really dissapointed in you Miss Moriño. Hindi ikaw ang klase ng estudyante rito na makikipag-away ng ganito, at klaseng ikaw pa talaga ang naka-panakit nang husto," dismayado na pagalit ng Dean. "Excuse me, Sir. Hintayin na natin si Miss Piena Ramirez to hear their both sides para malinaw ano bang pinagmulan nito," si Prof., na hindi iniaalis ang tingin sa akin alam ko kahit hindi ako mag-angat ng tingin sa kanya. Gusto ko sanang sabihin, siya ang dahilan. Pero alangan iyon dahil siguradong hindi ikatutuwa ng Dean na malaman. Ilang saglit lang ay pumasok na si Piena na may maliliit na band aid sa kanyang pisngi dulot ng mga kalmot ko, naalala kong pinagsasampal ko nga pala ito kanina. Sa halip na maawa ako, pasimple ko pa siyang sinamaan ng tingin. Kung hindi niya ako itinulak, malamang sa malamang hindi ito mangyayari sa kanya, hindi sana ako nakagawa ng ganitong bagay na pagsisisihan ko. I'm not used to cat fights, pero kapag naman nasaktan ako ay marunong akong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko. Kiming naupo si Piena bakanteng silyang katapat ko, katabi namin ang lamesa at naka-upo ang Dean sa harap nito at si Professor naman ay nakatayo lang sa bandang gilid at nakatingin sa amin. Medyo gulo-gulo pa ang buhok nito, hindi man lang inayos, talagang ipinakita pa ang itsura niya ganito, dulot ng pagkakasabunot ko sa kanya. Tumikhim ang Dean saka nagsalita. "Now, kayong dalawa. Ano ba talaga pinagmulan ng away niyong ito? Bakit may pisikalang naganap?" "Siya kasi Dean..." Turo sa akin ni Piena na parang batang nagsusumbong. "Tinanong ko lang naman siya kung anong ginagawa nila ni Professor Gael kahapon sa classroom nang sila lang dalawa, tapos nagalit na lang siya agad sa 'kin at bigla niya akong itinulak," pagsisinungaling nito. Nanlaki ang mga mata ko. "Anong nagalit na lang at bigla kitang itinulak? Magsusumbong ka lang mali-mali pa! Pa-victim ka, teh? Kung sampalin kaya kita ul—" "Miss. Ada. Thea. Moriño," puno ng riin tawag sa akin ni Professor Gael batid niyang h'wag akong bastos, kaharap ko sila. Mariin akong napapikit at ikinalma ang sarili. "Ganito po kasi nangyari Dean, ito po kasing si Piena na napaka-usisera, binibigyan niya ng kahulugan ang pag-uusap po namin ni Professor Gael kahapon, she started to ask me about malicious things, nang-asar ako bilang sagot sa mga tanong niya dahilan para mapikon siya at siya ang naunang nanakit sa akin at gumanti lang ako," pagpapaliwanag ko sa bahagi ko. "Pero ang sabi mo may ginawa kayo—" "Oh, hinay-hinay ka! Wala akong sinasabing may ginawa kami ni Professor Gael sa loob ng classroom! Sa utak mo lang meron!" Alam kong sa ginagawa kong pangaasar dito ay para ko na rin ipinaglalandakang totoong may ginawa nga kami ni Professor pero kayang-kaya ko iyong pabulaanan. Napa-tikhim bigla si Professor Gael, tumingin sa kanya si Dean at pinaningkitan siya nito ng mata at saka ibinalik ang atensyon sa amin. "Ibig sabihin, lumalabas na ang Professor niyong si Gael Del Ferro ang naging dahilan ng pagaaway niyong ito? Lalaki ang inyong pinag-awayang dalawa?" napagtanto na ng Dean. Napahawak ako sa batok ganoon din si Piena at kapwa kami parehong nag-iwas ng tingin at bigla ako nakasip ng pambalik. "Dean, ito po kasing si Piena ay may gusto kay Professor Gael, kaya pati pagpapagalit sa 'kin ni Prof., nang kami lang sa loob ng silid aralan ay binigyan niyang kahulugan." Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Piena dahilan para palihim akong ngumisi. Hindi ko siya binigyang pagkakataon magsalita. "Sadyang marumi po mag-isip itong si Piena, sariling Professor at kaklase pinagiisipan po ng masama, gayong kinausap lang naman ako ni Professor Gael para pagalitan dahil palagi akong tulala sa klase, minasama na po nitong babaeng ito na feeling karelasyon kung corner-in po ako kanina," walang sala at walang preno ko pang paliwanag upang baliktarin ang pangyayari. Siyempre, aamin ba akong naghalikan kami ni Professor Gael sa loob ng classroom like we were hungry animals? Hindi ko naman iyon para ipaglandakan. Mawawalan ito ng trabaho, hindi ako t*nga. Si Professor ay hustong umiigting ang panga at hindi naman nagbigay ng anumang salita o komento ngunit alam ko galit ito sa akin at ang ikinakabahala ko ay baka hindi na maulit pa ang nangyari sa amin... Baka dahil dito layuan niya 'ko at dumistansya na siya sa akin gayon siguradong kakausapin siya ng Dean patungkol sa mga estudyanteng babae. Alam na alam ko na ang mangyayari pagkatapos nito, siguradong personal na kakausapin ng Dean si Professor Gael para pagsabihan. Arg! This is my fault! Bakit ko ba kasi hindi agad naisip na posibleng ito ang mangyari? Masiyadong umiral ang pagka-maloko ko, mas binigyan ko pa ng dahilan si Piena para magalit at pag-isipan lalo kami ni Professor Gael. Imbis na itanggi ko ang pagbibintang niya at dumi ng iniisip niya, ginatungan ko pa at ako ang nagbigay dahilan para mas pag-isipan kami ng masama. Mapanantiya naman tiningnan ni Dean si Professor Gael, batid niyang hindi maganda ang ginawang pakikipagusap nito sa akin kahapon nang kami lang, at kahit nga naman saan banda tingnan, 'di talaga ito maganda. Mukang kahit si Professor Gael, nakalimutan ang bounderies niya bilang guro at ako na bilang kanyang estudyante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD