"Ano, kaya mo?" tanong sa akin ni Franco kung kaya ko ba makatayo at makalakad. Tapos na ang klase ni Professor Gael at uwian na. Problema ko hindi ako makalakad ng tuwid. Umalis na agad ito matapos nang dismissal period niya, hindi man lang nag-care sa akin! Katampo! "Kaya ko," sagot ko kay Franco at tumayo na. Kaya ko naman maglakad ayon nga lang paika-ika. Talaga namang nakakatakot na magpakama sa kanya kung ganito nang ganito palagi ang mangyayari sa akin. May iilan pa kaming mga kaklase na nandito pa rin at mga nagku-kwentuhan pa wala pa atang balak magsi-uwian, kabaliktaran ko naman ngayon na gusto kong ilapat ang katawan ko sa malambot kong kama. Palabas na sana kami ni Franco habang alalay niya lang ako sa paglalakad, hindi ko na tinanggihan ang pagmamagandang loob niya. Pero