"What happened Ada?" tarantang tanong sa akin ni Mommy nang pababa pa lang ako ng sasakyan. "Nakarating sa akin na nahulog ka raw sa hagdanan??" "Yes, Mom," sagot ko nang tuluyan na akong makababa at paikang naglakad papasok ng bahay habang nakasunod lang sa akin si Mommy. "Ano ba namang ta*tanga-t*nga kang nadulas ka pa sa hagdanan!?" pagalit pa niyang tanong. Ito talaga ang hirap sa mga ganitong nanay eh, nasaktan na nga ang anak sasabihan pa ng t*nga. Ipapa-swap ko na nga ito sa ibang Nanay, issue mabunganga at palaging galit. "Mom, ako na nga nasaktan, ako pang t*nga?" Nakakatampo lang na instead she talked nicely because I got hurt, she just like this, galit pa. "Alangan namang ako, ako ba ang nadulas?" pamimilosopo niya naman na ikinatampal ko ng aking noo. Nanay mo iyan, Ada.