Sumama na ako kay Franco at sabay na nga kaming lumabas ng building, kahit nga lang sa tusok-tusok niya ako ilibre, ayos lang 'di naman ako maarte, kahit ano kinakain ko, maliban na lang sa mga hindi makain, siyempre.
"Franco, doon tayo kain oh!" turo ko sa kanya sa isang food cart kung saan may fishball, kikiam, kwekkwek, tokneneng at iba pa.
"Oh? Akala ko burger, fries saka milk tea?"
"Biro lang iyon, ayaw ko no'n. Kikiam, fishball gusto ko sawsaw sa sauce na maanghang." Naglaway tuloy ako.
Muli siyang natawa. Tawang naaaliw sa akin. "Wala ka talagang arte, ano? Iyan talaga ang nagustuhan ko sa iyo eh, kahit na anak mayaman ka."
Nangunot ang noo ko habang naglalakad kami patungo sa fishball-an. "Sinong anak mayaman? Hindi 'no. Hindi ako naman ako mayaman, magulang ko lang mayaman, ako hindi."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya na iyon ang nagustuhan niya sa akin. I don't want to entertain his feelings for me.
"Wala naman akong sinabing ikaw ang mayaman, ang sabi ko kahit anak mayaman ka wala kang kaarte-arte sa kinakain, apaka cowgirl mo," bakas sa kanya ang tuwa sa akin.
"Ayaw ko sa mga maaarte, naiirita ako kasi hindi naman ako ganoon. I'm true to myself at ipinakikita ko lang kung ano ang pagiging natural kong kilos." Kumuha na ako ng stick and I start to tuhog-tuhog the fishball.
"Hindi ka rin spoiled, hindi kagaya ng mga babaeng nakikilala ko sobrang mga maluho, simple ka lang na babae, kalog saka ubod ng pranka," tunog puri iyon para sa akin.
Ngumiti ako. "Daddy didn't spoil me, not spending huge money just to buy luxurious things dahil hindi naman lahat magagamit. Pero hindi ko sinasabing hindi nila sa akin ibinibigay lahat, ako lang tumatanggi because I'm just being practical."
Tumango-tango siya at nakinig lang sa akin kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita para 'di boring at may mapag-usapan naman kami tutal nababanggit na rin lang naman, open naman ako sa buhay ko maliban na lang sa mga kalokohan ko, siyempre akin na lang iyon.
"Gagastos ako para sa mga mamahaling bagay, gayong maraming tao nagugutom, kagaya ns lang nila." Itinuro ko ang mga street childrens na nanlilimos.
"Nakaka-guilty magpaka-sarap sa buhay habang nasa poder pa ng magulang tapos kagaya nila makikita mo, ni kahit basic educ. hindi sila makapag-aral dahil sa kawalan ng pang-matrikula at pangkain sa araw-araw. Do you get my point?" Hinarap ko siya at sabay kain ng fishball mula sa stick
"Yeah, I got your point. Nakakahanga lang na kahit lumaki kang may kaya naiintindihan mo ang mga nasa paligid mo," saad niya naman at kumuha na rin ng stick at nag-tuhog-tuhog na.
"Para saan pa ang pag-aaral ko at Philosopy pa ang course na kinuha ko kung basic na tama at mali 'di ko magagawa intindihin?" patanong kong saad matapos ngumuya.
"Saka we should be sensitive all the time, higit sa mga taong nakakausap natin na hindi natin kapareho ng antas ng buhay, they have hard times compare to us na sagana sa araw-araw. Kaya ayaw ko rin abusuhin ang mga bagay na meron ako. Gusto kong lapat lang ang paa sa lupa at hindi naiiba sa iba."
I don't know why I'm saying all this pero trip ko lang sabihin, bakit ba? Tutal ito na rin nga ang napaguusapan namin.
"Tama iyan, isa kang mabuting mamamayan," saad niya na ikinatawa ko.
"Mabuting mamamayan nga ba? Wala pa naman akong naiaambag sa lipunan saka wala pa akong trabaho, nag-aaral pa lang ako, wala pa akong tax na binabayaran at isa iyon sa mga dahilan kung bakit ayaw ko pakaluho, at kaya ko naman maging masaya nang hindi gumagastos ng malaki, saka na kapag ako'y kumakayod na ng sarili."
"Ang swerte ng lalaking magiging boyfriend mo o magiging asawa, you're a wife material, ganiyan talaga mga gusto ko eh." Dumali na naman ito.
"Nambola ka na naman! Oh, kain! Sinubuan ko na lang siya ng kwekkwek sa bibig nang manahimik.
Natawa siya kaya natawa rin ako at kumain na lang kami ng kumain, nilibre rin namin ng street foods itong mga street childrens, baka mga gutom na.
"Ada, wala ka pang nagiging boyfriend hindi ba?" pag-iiba niya na ng usapan at alam ko na ito, ipapasok na naman niya sa usaping m pagkagusto niya sa akin.
"Meron na, isa iyung kababata ko noon. Bakit? Manliligaw na kagaya mo marami, pila-pila pa nga kayo," tapat kong sagot.
"Ako... may pag-asa pa kaya?" kiming tanong niya at kita sa kanyang umaasa talaga siya sa 'kin.
I sighed. "Alam mo, Franco... hindi talaga ako ang babaeng para sa iyo, hanap ka na lang ng iba riyan iyung mas matino kaya sa akin," sagot ko. Noon pa man tinapat ko na siya na hindi kami talo.
"Pero matino ka, Ada. Anong tingin mo sa sarili mo at palagi mo iyan nasasabi na ako ay maghanap na lang ng babaeng matino kaysa sa iyo?" Bakas sa kanyang naguguluhan siya.
"Loka-loka ako, Franco. May pagka-taklesa, madaldal. Masiyado ka namang disente at mabait para sa akin, hindi talaga ikaw ang tipo ko, sorry ha?"
"Bakit? Ano bang tipo mo ba sa isang lalaki?"
"Ang tipo ko ay iyung namamamalo," pilya kong sagot sabay tawa at subo ng fishball.
"Namamalo?" naguguluhan niyang tanong.
Tumango ako habang nanguya. "Ng puwit."
Napaawang naman ang bibig niya ss sagot ko halatang hindi niya kinalaya ang paraan ko ng pakikipagusap. Alam na alam ko ang natakbo sa isip niya kaya napahalakhak ako sa nakikita kong reaksyon ng mukha niya.
Muli akong nagsawsaw naman ng tokneneng sa sukang puro sili at nilakihan ko ang buka ng bibig ko sabay isinubo ko nang buo ang itlog na may pritong orange harina. Dahil sa laki nito ay hindi tuloy ako magkandamayaw sa pag-nguya.
"Manong, palamig!" saad ni Franco sa Mamang nagtitinda nito nang tingin niya mahihirinan na ako. "Oh!" Inabot niya sa 'kin ang palamig at agad kong uminom at naubo pa ako.
"Ang laki-laki naman kasi ng subo mo! P'wede naman kagatin, ba't isinubo naman ng buo?" pagalit niya sa akin na mukang nakalimutan na ang pinaguusapan namin.
Umubo ako sabay hagod niya sa likod ko. Nang okay na ako at mahimasmasan na saka ako nagsalita.
"Nag-pa-praktis ako sumubo!" Napalakas ang boses ko dahilan para mapatingin sa akin si Manong ganoon din ang ibang mga estudyanteng nakarinig sa akin na kumakain din.
Pigil ang pagtawa nila at si Manong naman ay tatawa-tawa rin na napa-iling na lamang at inabala ang sarili sa pag-sasalang ng kanyang paninda sa kalan de gasul.
"Bibig mo naman, Ada." Mukang si Franco ang napapahiya at ang nahiya para sa akin.
"Ikaw naman kasi!" Siya pa nasisi ko.
Unti-unti ay natawa siya. "Kahit kailan talaga iyan bibig mo. Kailan ka kaya magiging pino? Iyung bang magiging maingat ka na sa mga sasabihin?"
"Mukang malabo iyang mangyari dahil ito na talaga ako. Hindi niyo na ako mababago pa dahil si Ada ay si Ada na," katwiran ko.
Kung anu-ano kasing tinatanong kaya napapasubo ako ng buo at kung anu-ano rin ang nasasabi ko na wala sa loob ko. Maalam din naman akong mahiya, ano!
"Pero kahit na ganiyan ka, mas matino ka pa rin kaysa sa mga babaeng nakikilala ko kahit ganiyan ka kumilos at manalita at likas na sa iyo ang pagiging lokong babae ay hindi no'n maitatanggi isa kang disente."
May disente bang nag-so-solo habang iniisip ang sariling Professor na kung saan na lang abutin? Loko rin itong si Franco para lang makpang-bola eh.
"Stop comparing me to other girls, I hate comparing, you know? Iba sila, iba ako at lahat tayo magkakaiba, pare-pareho lang tayong mga tao pero malaki ang kaibihan natin sa isa't isa, you can't tell me na ako'y disente dahil lang sa sarili mong basehan gayong hindi mo pa naman ako lubos na kilala," mahabang lintanya ko na ikinatigil niya.
Did I offended him? Rational talaga ako. Palagi akong may sagot sa lahat ng tanong, at pilit ko ginagawan ng katwiran ang mga sinasabi sa akin at higit lalo na kapag ang usapin ay hindi ako komportableng pagusapan.
"Sorry," he apologized like he realized what he said was wrong. "It's not my intention to compare you to anybody else, I just really admire you... ang unique mo kasi para sa akin, Ada. You are crazy, but you have a heart."
"Lahat tayo, may puso. Edi hindi na humihinga ang lahat kung ang ang iba ay wala?" pamimilosopo ko sabay irap but I got his point, ayaw ko lang pagtuunan ng pansin dahil ayoko masiyado ng seryosong usapan.
Napakamot na lang siya ng ulo. Mahirap ako kausapin ng seryosohan kung ang pakay ay ako mismo.
Maliban na lang kung ang lalaki na kausap ko ay si Professor Gael, kahit habang buhay na heart to heat talk pa walang problema, habang buhay kaming magmamahalang dalawa.
Speaking of Professor Gael, nahagip ito ng mata ko nang lumabas ito mula sa University exit at nag-tungo sa parking lot.
Ngunit ganoon na lang ang pag-awang ng bibig ko sa gulat nang makita ko mayroong babaeng sumalubong dito galing sa loob ng sasakyan niya at sinalubong siya ng halik sa labi, and he kissed her back.
Mukang nag-usap pa sila sandali bago tuluyan sumakay ng sasakyan ni Professor. Sino ang babaeng iyon? Bakit may pa-halik?
Did the woman wait for him inside his car? Base sa nakita ko mukang kaka-out lang ni Professor at doon pinaghintay niya ang babae sa loob ng sasakyan niya.
May pag-halik eh?
Nasundan ko na lang ng tingin ang papasibat nang sasakyan palabas ng gate ng parking lot at ganoon din ang labis na pagpupuyos ng loob ko.
I need an explanation tomorrow, Mr Professor.