"Sumabay ka sa akin ng lunch, kailangan mong bumawi sa akin, sinaktan mo ang puso ko," seryosong sinabi ni Franco na ikinaawang ng bibig ko. Unti-unti ay napahalakhak ako ng tawa. "Sinaktan ko ang puso mo o ang puson mo? Dahil lang sa hindi ka maka-score sa akin?" tatawa-tawa kong tanong at aliw siyang tiningnan. "Ada, seryoso ako. Sumabay ka sa akin ng lunch gusto ko kumain kasama ka," saad niya habang seryosong nakatitig sa akin. Humalukipkip ako. "Kumain kasama ako, o ako talaga iyung gusto mong kainin?" pangaasar ko sabay ngisi. Natawa na siya. "Sige, mag-gumaniyan ka baka dito pa lang maihiga na kita sa lamesa at bigla kitang makain. Sige, manukso ka pa," ganting bawi niya na ikinapalis ng ngisi ko. Baka totohanin niya kaya tumigil na ako sa panunudyo. Isa rin sira ang tuktok n