Nagpasundo na ako sa driver at habang naghihintay ako sa labas ng coffee shop ay naging aligaga ako at panay ang tingin ko sa suot kong relo. Ngayon lang ako nangatal ng ganito sa buong buhay ko! Alumpihit ang p*wit ko nang mabasa ko ang huling mensahe ni Professor Gael, sigurado malupitang bayuhan na naman ito bukas! Mariin akong napapikit at natakpan ko ang mukha ko sabay na napahimalos gamit ang dalawa kong palad. Parang ayaw ko na tuloy pumasok bukas, lagot talaga ako nito. Bakit kasi hindi ko inalis ang silent ng phone ko! Ang t*nga ko, alam ko nang tatawag siya pero nakalimutan ko! Masiyado akong nalibang. Ramdam kong galit ito sa akin sa mga oras na ito, hindi ko magawang ma-excite! Kaba, kaba ang nararamdaman ko sa gagawin niya sa akin. Kasalanan talaga ito ni Rowan! "Ano ban