"Miss Moriño, come to my office after class," saad ni Professor Gael sa akin dahilan para mangunot ang noo ko. Wala naman akong nagawang mali ngayong araw sa subject niya kaya bakit niya naman ako kakausapin? "Okay Sir," tabang kong sagot nang 'di ako nag-aangat ng tingin sa kanya at bigla kong naramdaman ang pag-siko sa akin ni Franco. "Attitude?" patuya nitong bulong. "Mag-inarte ka ng ganiyan yari ang marka mo riyan kay Professor," hirit pa niya sa akin. Halatang-halata bang rude ako? Wala lang naman talaga ako sa mood na makipagmabutihan o magpa-cute ngayong araw na ito. Bakit hindi na lang nila kaya iyon respetuhin. Hindi ko na pinansin si Franco at Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa binabasa kong libro sa subject ni Professor dahil mayroon siyang pina-re-review for sudden p