Chapter 21

2444 Words
Chapter 21 LEA KRISTINE’S POV Pag pasok ko sa loob nang bahay namin, nadatnan ko si Steven na kausap ni Insoo sa malawak na living area. Natigil lamang ang pag-uusap ng dalawa nang mapansin ang presinsiya kong palapit. Lumapit si Insoo, at ang mata nito na hinahanap si Mark. "Asan na siya? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Umiling ako biglang tugon. "Tangina, pinaiyak ka ba niya? Tarantado talaga ang hayop na iyon! Babasagin ko ang pag mumukha niya!" Tangkang susugod sana at mabilis ko naman napigilan ito. "Hindi Insoo,." Tugon ko naman. Ayaw ko na nang gulo kaya't nararapat na lang huwag ng palakihin pa ito. "Nalaman niya lang ang tungkol sa anak namin kaya't siya naparito. Huwag kanang mag-alala dahil pina-alis ko na si Mark Naging mabigat ang pag-hingga nito, sa galit at pag-titimpi lamang sa pinsan. Noon paman, matindi na talaga ang alitan sa pagitan ng dalawa matapos ng ginawa sa akin ni Mark at hindi ko naman ito masisisi. "Pwede mo ba kaming iwan saglit ni Steven? Mag-uusap lang kami." "Sige." Nag paalam na si Insoo at tumunggo na ito sa kusina. Ilang segundo akong naka-titig sa itsura ngayon ng anak ko. Naka-yuko ito at malalim ang iniisip, kahit hindi ito mag salita ramdam ko pa rin may bumabagabag sa isipan nito at iyon ang pag kikita nila kanina ng kaniyang Ama. Lumapit ako at piniling maupo lamang sa tabi ni Steven, na may takot at pag-aalala sa mata nito. "Hey, sweetheart." "Asan siya Mommy? Umalis na p-po ba siya? Ayaw k-ko sakaniya Mommy, b-baka saktan niya ulit tayo a—-" I cut of him. Binabangungot pa rin kami ng naka-raan at si Steven, malaki ang takot nito sa Ama sa mga nangyari sa amin noon. "It's alright sweetheart, umalis na siya." Hinawakan ko ang munting pisngi at pina harap sa akin. May daplis na luha ang munting mata ng anak ko. "Please Mommy, huwag mo na po siya tanggapin. Ayaw ko na po sakaniya, ayaw ko po kay D-Daddy." Basag nito na boses "I promise, i would never let him hurt you again." Niyakap ko nang mahigpit si Steven at hinalikan ang buhok nito. Pangako. Hindi ko na siya hahayaan na saktan ka ulit anak. MAE'S POV Nagising ako sa malamig na ihip nang hangin. Sapo-sapo ko ang mukha ko na maupo sa malambot na kama. Ginala ko ang kabuuang paningin sa tahimik na silid namin ni Mark, at nadarama ko ang matinding kalungkutan. Base pa lang sa lukot sa kama sa kabilang bahagi, hindi man lang nagalaw iyon. Tanging pwesto ko lang ang nagulo sa mahimbing kong pag kakatulog. Ang galing. Hindi ka talaga natulog dito Mark? Pigil-hiningga ako sa galit na dumiretso sa banyo para makapag-ligo. Suot ko ang itim pants na fitted at white blouse na pang-alis. Hinayaan ko lamang naka-lugay ang maitim at mahaba kong buhok at nag lagay na rin ng simpleng make-up. Rinig na rinig mo ang tunog ng high heels na suot ko sa pag baba lamang ng hagyan, sinalubong naman ako ng bati ng kasambahay namin. "Good morning Mam." "Nakita mo ba kong asan si Mark?" Kanina ko pa, ginagala para hanapin iyon pero bigo lamang ako. "Hindi po Mam, umalis po si Sir Mark kaninang madaling araw at wala din po siyang pasabi kong saan siya pupunta." Hayop! Matagal kana ngang nawala, pero umaalis ka pa din dito Mark? Gusto ko magalit, pero ayaw kong sayangin ang magandang araw na ito na magalit lamang sakaniya. "Si Mia?" "Nasa hapag-kainan at kumakain na po ng agahan." Isang tango na lang ang sinagot ko at pinuntahan ko na ang anak ko. Nadatnan ko ito sa hapag-kainan tahimik na kumakain nang almusal, suot rin ang cute na uniforme na pang pasok nito. "Good morning sweetheart." Humalik ako sa noo nito at naupo sa bakanteng silya para sabayan ito kumain. "Bakit naka-busanggot ka diyan?" Puna ko dito. Simpleng almusal lamang ang kinuha ko, kundi fish at omelet. "Wala po si Daddy." Bagsak ang balikat na sinasabi ang katagang iyo. "Aalis din po kayo Mommy? Iiwan niyo ako ulit?" Napuna siguro nito na bihis na bihis ako ngayon. "May mahalaga lang akong pupuntahan. Habang wala ako, si Yaya muna ang mag babantay at mag susundo sa'yo sa School." "Saan kayo, pupunta Mommy?" "Huwag na maraming tanong Mia. Bilisan mo na ang pag-kain at mala-late ka pa sa school." Sita ko dito. "Opo." Yumuko na lang ito at pinag patuloy ang kinakain. Nang matapos kumain, dire-diretso na akong sumakay sa sasakyan para sa aking pupuntahan. Pinag titinginan ako ng mga mata, nag lalakad sa malawak na hallway—imbes na batiin ang mga ito, iniirapan ko na lang sila. Sa kalagitnaan na aking pag lalakad, nahinto ako nang mag kasalubong kami ni Ivonne sa hallway. Nawala ang matamis na ngiti sa labi nito at kahit na rin ito hindi inaasahan na pupunta ako sa mismong kompaniya namin. Siniguro ko talagang walang ibang tao—at lumapit ako kay Ivonne sabay hawak sa siko nito at kinaladkad sa isang lugar na makakapag-usap kami nang masinsinan. "A-ate, nasasaktan ako." Sobrang diin na ang pag kakahawak ko sa siko nito, at padabog ko siyang binitawan nang mapadpad na kami sa fire exit. Walang ibang tao ang naroon, at wal rin na makarinig o maka-kita sa kanilang dalawa. "Ano ba, Ate. Ano bang problema mo?" Uminit ang sulok ng mata ko at sinugod si Ivonne. "Problema? You've planned this! Alam mo naman na sa'yo ipapamana sayo ni Daddy ang kompaniya pero wala kaman ginawa. Dapat ako iyon Ivonne. Dapat ako ang nasa posisyon mo ngayon." I hate her! Sa Linggo na ang pag papasa ni Daddy ng kompaniya kay Ivonne, dahil mag rer-retired na ito sa trabaho. Hindi ko lang matanggap na sa isang babaeng kagaya niya ang mag-aagaw sa akin ng mga gusto ko. Dapat akin iyon! Akin lang! "Ate, ano bang pinag sasabi mo? Wala din akong alam sa naging desisyon ni Dad. Ang akala ko meeting iyon at hindi ko naman inaasahan na ako ang mag papalit sakaniya." "Tama na nga ang kaartehan mo Ivonne, sawang-sawa na akong marinig ang mga dahilan mong puro na lang kasinunggalingan at pag papanggap. Plinano mo naman talaga ito sa simula diba? Binilog mo ang ulo ni Dad para sa'yo maipamana ang kompaniya at ilagay ako sa mababang posisyon." "Hindi ko alam na ganiyan na ang iniisip mo sa akin, Ate Mae." mahinahon na tugon nito. Naiinis ako sa inosente at mala-angel niyang mukha. Naiinis ako sa malambing nitong boses. Ang kabaitan nito, at pag mamahal sakaniya ng mga tao—ang kina-kukulo ng dugo ko. Bakit siya? Bakit hindi ako? Ginawa ko naman ang lahat, pero bakit hindi nila ako nakikita? "Ni minsan, walang sumagi sa isipan kong lamangan ka sa posisyon at kahit na rin sa ibang bagay. Pwede ba itigil na natin ito Ate? Sawang-sawa na din ako makipag-away sa'yo . Kong gusto mo, kakausapin ko si Daddy, iuurong ko ang desisyon niya at handa akong ibigay ang gusto mong posisyon kong saan mo ikakaligay—-." Inis kong hinampas ang kamay ko sa pader na kina-bigla naman nito. Nanigas ang katawan ni Ivonne sa takot at konti na lang iiyak na ito. Wala naman siyang binatbat sa akin. Hindi niya ako kayang labanan. Kahit subukan niyang labanan at kalabanin ako, hinding-hindi siya mananalo sa akin. "Para ano? Sabihin niyang dinektahan kita? Para palabasin na ako na naman ang masama? Oh just quit this Ivonne, ganiyan naman talaga ang mga galawan mo! Gusto mo na parati akong napapagalitan ni Daddy!" "Nalulungkot ako sa mga sinasabi mo Ate, pero hindi ganun iyon." Anito. "Nalaman kong nawala na ang negosyo mo, and I'm so sorry for that, Ate.. Kong ayaw mong bumalik at mag trabaho sa kompaniya natin, willing akong bigyan kita ng pera para makapag-simula muli ng negosyo." Nanginig na binuksan ni Ivonne ang sling bag at nilabas ang libo-libong pera doon. "H-Here." Tinabig ko ang kamay nito na labis naman nitong kinabigla. Kusa nang nahulog ang limpak na libo sa sahig. "Hindi ko kailangan ng marumi mong pera at baka isumbat mo pa iyan sa akin!" "Bakit galit na galit ka sa akin Ate? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo, hiling ko lang na mag kaayos na tayong dalawa at itama ang hindi natin pag kakaintindihan." Tinulak ko muli nang malakas si Ivonne, kaya't tumama ang likod nito sa malamig na pader. "Hindi mo ba alam kong bakit ayaw ko sa'yo? Dahil mas mahal ka ni Dad kumpara sa akin. At ayaw na ayaw ko ang mukha mong ito! Ang mukhang iyan ang nag sira sa akin!" Ilang beses ko pa dinuro ang noo para ipamukha kong gaano ko siya kina-mumuhian. Nanubig ang mata ni Ivonne, walang bigkas na salita na lumabas doon. "Kong gusto mong, mag kaayos tayo, stay out of my way!" "Kaya ba ginawa mo i-iyon?" Hirap na bigkas nito. "Excuse me?" "Kaya ba, tinangka mong patayin si Jeric, dahil humarang siya sa mga plano mo? Ganun ba iyon, A-Ate." Tangina! Paano niya nalaman iyon? Humugot ng lakas si Ivonne na mag salita at ang mata nito, may takot na rin. "Nag kamalay na si Jeric sa pag ca-coma, ang totoong ama ni M-Mia... Tinangka mo siyang patayin dahil hahadlang siya sa mga plano m-mo. D-Diba Ate?" Dumilim ang mukha ko sa galit na malaman nito ang tinatago kong sekreto. "Tumahimik ka! Wala akong alam sa sinasabi mo!" Pag sisinunggaling ko! Hayop talaga! "Huwag kanang mag sinunggaling sa akin Ate, alam ko na ang totoo. Bakit nagawa mo i-iyon? Pinili kong manahimik na mahabang panahon at hindi sabihin kay Mark ang totoo." Basag nitong tinig. "Nang malaman ko ang t-totoo na tinangka mong patayin si Jeric, kahit na rin ako hindi makapaniwala na magagawa mong pumatay ng t-tao. B-Bakit? Bakit mo ginawa iyon?" "Tumahimik ka sabi eh!" Sindak ko pa—at kina-nginig naman nito sa takot. "Please, don't do this Ate... Ngayon nag kamalay na si Jeric, pwede ka niyang isumbong sa ginawa mo sakaniya at baka ipa-kulong ka pa niya. Please Ate, s-sumuko kana, ito lang ang tanging p-paraa—-." "Huwag kang makialam dito, Ivonne, hindi mo alam ang pinapasukan mo!" Tumulo ang bakas na luha sa pisngi ni Ivonne. "Please, sumuko kana Ate. Ginagawa ko lang ito, Just want to protect you. Please!" Pakiusap nito at hahawakan sana ang kamay ko—iniwas ko naman iyon. Puno nang sakit, at lungkot ang mata nito na paulit-ulit na nag mamakaawa sa akin. Ano ako, tanga para sumuko na lang? Hindi ko pinatay si Jeric, nag kataon lamang na humadlang siya sa plano ko. Para patahimikin kina-ilangan kong gumawa nang paraan para hindi siya maka-sagabal. Hindi ko naman akalain na maaksidente siya at hahantong sa pag ca-coma ng mahabang panahon. Minalas lang siya! Babantaan ko naman sana siya, subalit nauwi sa mahabang pag kakatulod na makialam siya sa akin! "Tumigil kana nga!" Nilapit ko ang sarili ko kay Ivonne. "Itikom mo ang bibig mo, Ivonne. Binabalaan kita!" Banta ko pa. Walang salita na lumabas dito, kundi ang pag agos na lamang ang luha sa mata nito. "Hindi k-ko na ito kaya, Ate." Tinalikuran na ako ni Ivonne at naging marahas ang aking titig. Bago paman maka-alis si Ivonne, hinigit ko ito sa braso. "Hindi pa ako tapos sa'yo, Ivonne!" Sobrang diin ang pag kahawak ko sa braso at nag pupumiglas naman itong makawala. "B-Bitawan mo ako Ate, please." Iyak nitong pakiusap. Nag pupumiglas na makawala sa aking pag kakahawak subalit naging porsigedo ako na pigilan ako! Hindi ko hahayaan na sirain mo na lang ng ganito ang plano ko.. "Hayaan mo na a-ako maka-, alis, pakiusap." "No! Walang-aalis! Nag kakaintindihan ba tayo!" Matinis kong sigaw at hindi ko sinasadya na maitulak si Ivonne, nang malakas. Namilog ang mata nito at sa bago ito mahulog sa hagyan—-nahila nito ang aking suot na bracelet at hindi inaasahan, nag pagulong-gulong ang katawan nitong mahulog sa hagyan. Ang malakas na tunog at pag bagsak nang katawan nito ang nag payanig sa buong pag katao ko. Napako ang paa ko sa sahig—at nanginig ang katawan sa takot na ngayon walang malay si Ivonne at kasabay ang pag agos nang malapot na dugo sa parteng ulo nito. Kusa akong napa-atras ng aking paa sa nakaka-gimbal na pang-yayari. "I-Ivonne," tawag ko dito pero wala pa din siyang malay. Nang hina na ang tuhod ko na ngayon naliligo sa sarili nitong dugo ang aking kapatid. What have I done? Hindi. Hindi maari. "I-Ivonne." Tawag ko muli, sobrang lakas nang pintig ng aking puso at takot na rin sa pag katao ko sa posiblidad na mangyari. Lalapitan ko na sana ang katawan ni Ivonne, ngunit bigla akong naduwag nang marinig ang kaluskos na tunog kaya't imbes na tulungan ito—nag mamadali na lang akong iniwan ang malamig na katawan nito. Lakad-takbo na lang ang ginawa ko para matakasan at maka-alis sa lugar na iyon. Tolero at hindi ako mapag-isip ng matino na mga dapat kong gawin. Ang naisip ko na lang tumakbo para walang maka-huli sa akin. Dumaan ako sa mga taong lugar na walang makakapansin sa akin. Aligaga ako at takot-takot na parang batang nawawala. Sumakay ako sa sasakyan at pina-harurot ko na lang na pinatakbo ang sasakyan nang sobrang bilis. Habang nag mamaneho—gulong-gulo ang isip ko, at umiiyak na rin dahil sa pag kakamali na nagawa ko ulit. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Hindi ko alam kong saan ako dadalhin ng aking pag mamaneho. Gusto ko lang takasan ang nagawa kong pag kakamali. Hindi ko namalayan kong ilang minuto na ako nag mamaneho, at hinayaan na lang umagos ang luha sa aking mata. Please, sana panaginip lang ito. Hindi ito totoo. Nang hindi ko na makayanan, hininto ko ang sasakyan sa bakanteng lote at kasabay ang hagolhol na pag-iyak. Sinapo ko ang mukha at hinang-hinang napa-hawak sa manibela. Nabalik ako sa realidas na marinig ko ang malakas na tunog ng cellphone ko. Nanginig pa ang katawan ko na nilabas iyon sa bag at lalo pa akong nasaktan na makita ang pangalan ni Mom sa screen. Inipon ko ang natitirang lakas sa puso ko at sinagot iyon. "Y-Yes Mom?" Wala akong narinig na salita kay Mom, kundi ang munting pag-iyak na lamang nito. Nahuhulaan ko na kong bakit siya umiiyak. "M-Mae, si Ivonne." Marinig lamang ang iyak at sumbong nito, natutunugan ko na ang mg nangyari. "W-Wala n-na." Iyak ni Mom. "Patay na ang kapatid m-mo. P-Patay na siya." Tanging malakas na hagolhol na lang nang pag-iyak nito ang narinig ko. Nagimbal ang puso ko sa aking narinig. No. Hindi pwede. Hindi ko namalayan ang pag-agos nang luha sa mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD