Chapter 20

2254 Words
CHAPTER 20 LEA KRISTINE'S Tapos na ang isang buwan na pamamalagi nila sa Cebu at heto't bumalik na ako sa Maynila. Dumaan muna ako sa kompaniya para i submit ang kailangan na reports na ginawa ko. "Hi, Kuya." Sinalubong ko nang matamis na ngiti sa labi ang kapatid ko. Hawak ni Kuya Reynard sa kabilang kamay ang documento, at mukhang hindi na naman maganda ang mode nito. "Asan ang tarantadong Mark na iyon? Mapapatay ko talaga siya kapag nalaman ko na lumapit ang hayop na iyon sa'yo!" Kahit mahina, ramdam ko ang tensyon na galit nito sa asawa ko. "Relax Kuya, ang init-init naman ng butse mo. Business ang inatupag ko doon sa Cebu, hindi ayusin ang relasyon namin dalawa." Umismid lamang ito sa sinabi ko. "Baka ibang business ang inaatupag mo." Kina-tigil ko naman sa pag lakad. "Kilala kita Kristine, at kilala ko rin ang kayang gawin sa'yo ng tarantado mong asawa.. Matagal na kitang binabalaan na lumayo sa lalaking iyon at ayaw kong malaman na may ugnayan pa kayong dalawa." Oh my god! Araw-araw niya sa akin pinapaalala ang bagay na iyon. Ay mali, hindi pala araw-araw! Kundi kapag nag kikita kaming dalawa, parati nitong sinasabi na iwasan ko na si Mark at kong ano pa man na pag babanta nito kapag nababanggit nito ang pangalan ng dati kong asawa. Ano ako tanga, para bumalik sa hayop na iyon? Sinusumpa ko siya! "Wala na nga kaming communication no'n, Kuya at wala na rin akong balak makipag-ayos sakaniya. Natuto na ako sa mga pag kakamali ko noon at hindi na ako mag papaka-tanga pa.." Wala na akong narinig na salita pa dito. "Kapag may oras ka, dumaan ka sa bahay. Mag family dinner ulit tayo, isama mo na din si Steven." Tugon naman nito. "Talaga, family dinner? Kasama ba si Kuya Glenard niyan?" Tumigil si Kuya sa pag lalakad kaya't ganun din ako. Masama ang timpla ng mukha at galit na galit. "Isa pa ang hayop na iyon, hindi pa nag papakita sa akin! Konsintidor!" Himutok nito at bago paman ako makapag-salita iniwan na ako at nauna nang umalis. Sandali. What just happened? Hindi na lang ako kumibo at hinayaan ko na lang ang kapatid ko. Baka ako pa ang mapag-buntungan pa nito ng galit kapag nag tanong pa ako tungkol kay Kuya Glenard, na kahit ako walang alam kong saang lupalop na iyon ng bansa pumunta. Nang matapos na ako sa kompaniya, dumiretso muna ako sa restaurant para bumili ng pag kain at pasalubong na rin kay Steven at pag katapos dumiretso na kaagad ako sa amin. Saktong alas singko pa lang nang hapon, hininto ko na ang sasakyan sa tapat ng bahay at lumabas na ako bitbit ang mga pinamili ko. "Good afternoon ho, Mam Lea." Salubong ni Yaya Percy. "Paki-dala na ito sa kitchen." Inabot ko dito ang mga pinamili ko at iba na rin na kailangan. "Sige ho." "Siya nga pala, asan Si Steven?" "Naroon po siya Mam, sa likod po. Kasama niya doon si Sir Insoo po." "Sige maraming salamat Manang." Iniwan ko na ito para pumunta sa palikuran para puntahan ang anak ko. Hindi paman ako nakaka-rating, rinig ko na ang masayang tawanan at kulitan nang dalawa mula sa likuran. Naka-upo si Insoo sa upuan at may ginuguhit ito kong ano doon, samantala naman si Steven naka-tayo sa harapan nito at mukhang nag kakasaya nga ang dalawa dahil hindi nito napansin ang aking parating. Sinandal ko ang sarili sa pader at may ngiti sa aking labi na pinapanuod lamang ang dalawa. Komportable at makikita mo talaga na aliw na aliw si Steven sa tuwing kasama nito si Insoo. Mapag-kakamalan mo nga talaga ang dalawa na mag-ama sa sobrang closeness nilang dalawa kapag mag kasama. "Ahem." Tumikhim ako para maagaw ang kanilang atensyon. "Mommy!" Lumawak ang ngiti sa labi na makita ako at patakbong tumunggo sa direksyon ko. Isang mahigpit na yakap at kinulong ko sa bisig ko si Steven. Awww I miss him so much. "I miss you so much." Madama ko lamang ang mainit na katawan nito, napawi ang ilang linggo at araw na hindi ko ito kasama. Kong kinakailangan lang sana na pwede ko siyang idala sa Cebu, ginaww ko na. "Ang bigat- bigat na ng baby ko ah! Mukhang pinapabayaan ka ni Yaya Percy sa kusina eh." "Mom!" Pag susungit nito at tuminggla sa akin. Hindi ko mapigilan na mapa-ngiti sa pag susunggit nito. "Pa-kiss nga si Mommy." Pinugpog ko ito nang maliliit at maraming halik sa pinsgi at mukha nito. "Hahah! Stop it tickles Mom!" Hagikhik nitong tawa. "Tama na po. Haha!" "No! I won't stop, sobrang na-miss ka ni Mommy eh." Dugtong ko pa at kumalas na kami sa pag kakayakap naming dalawa ni Steven. "Mukhang nag-enjoy ka atang kasama ang Tito Insoo mo eh. Kapag iniwan kita sakaniya ng ilang araw, panigurado hindi mo ako hahanapin." "Syempre, hahanapin din kita Mommy ko." "Talaga lang ha?" Kina-baling ko naman ng tingin si Insoo sa isang tabi, naka-pamulsang pinapanuod kaming dalawa. "Maraming salamat Insoo, sa pag babantay kay Steven. Pag pasensiyahan mo na kong may katigasan paminsan ang batang it——" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang lumapit si Insoo sa akin at binigyan ako ng mainit na yakap na labis ko naman kina-bigla. "S-Sandali, anong meron?" Nag tataka na talaga ako sa inaakto nito. Like the heck, hindi si Insoo ang klaseng tipong mag yayakap na lang. Binalingan ko ng tingin si Steven sa gilid namin at kinikilig ito na mag kayakap kaming dalawa. "Hihi." Pangiti-ngiti lamang ito. "Hugging you?"Kumalas na nang pag kayakap si Insoo sa akin at hindi maalis ang matamis na ngiti sa labi nito. "Na-miss lang kita.. Tinatawagan at tini-text kita subalit mukhang busy ka ata sa trabaho mo sa Cebu, kaya't hindi na kita kinukulit pa." "Ganun ba? Pasensiya na talaga Insoo, kong hindi ko nasasagot medyo busy din kasi ako sa Cebu lalo't maraming pinapagawa sa akin si Kuya Reynard.." tugon ko pa. "Kilala mo naman kong gaano ka strikto iyon si Kuya sa trabaho, gusto niya kaagad may reports at maibigay ang kailangan niya." Bago matapos ang huling linggo nila ni Mark sa Cebu, naging abala ako sa trabaho dahil na rin si Kuya Reynard ang sumalo ng mga dapat ginagawa ni Kuya Glenard dahil sa biglaang pag alis nito. "Mommy, i want barbecue for dinner po." Singgit naman ni Steven. "Gusto mo barbecue?" "Yes po." Nag puppy eyes na ito sa harapan ko. "Halika na sa loob. Gagawa si Mommy ng barbecue na favorite mo." Tugon ko naman. "Hihi, yehey!" Hinawakan ko ang kabilang kamay ng anak ko. "Sumama kana rin Insoo, dito kana mag hapunan sa amin." Hinawakan naman ni Insoo ang kabilang kamay ni Steven, at sabay kaming pumanhik sa loob na may ngiti sa aming labi. MARK SAMUEL'S POV Pag pasok ko pa lang sinalubong na ako nang katulong na bati. "Magandang hapon po, Sir Mark." Binigay ko na rito ang ilang mga gamit na bitbit ko. "Paki- dala na rin ito sa silid ko." Tinanggap naman iyon at hindi ko maiwasan na pag masdan ang malawak na bahay namin, na napuno na ngayon ng katahimikan. "Asan si Mia at Mae?" "Si Mia ho, nasa silid niya Sir. Si Mam Mae naman po umalis." "Alam mo ba kong saan siya pumunta?" Nag kibit-balikat na lang ito. "Pasensiya na po Sir, ngunit hindi ko po alam po." "Okay." "Daddy!" Patakbong lumapit si Mia na may ngiti sa labi. "I miss you so much, Daddy." Niyakap siya nito gamit ang maliliit na kamay. Sinuklian ko din na mainit na yakap si Mia at ako na ang unang kumalas sa pag kakayakap naming dalawa. "Daddy, look ginawa ko po ito sa'yo." Pinakita nito ang ginuhit na larawan sa papel na hawak nito. "Wow naman sobrang ganda Mia, ang galing talaga ng princess ko." Hinalikan ko ito sa pisngi na kina-hagikhik naman nito ng tawa. "Alam mo ba kong saan pumunta si Mommy?" Umiling na lang ito bilang sagot. "Hindi po Daddy eh. Kanina ko pa hinihintay si Mommy, sabi niya sa akin babalik din siya kaagad." Nag pout pa ito sa harapan ko. Damn Mae, saan ka ba pumunta? "Daddy?" Tawag nito. "Yes sweetheart?" "Pwede mo ba akong bilhan ng ice cream?" "Mia, mamaya na lang. Ibibili kita ng icecream na gusto mo pag katapos nang hapunan." "Gusto ko po Daddy, ngayon na po." Giit nito. "Sige na Daddy, ibili mo na po ako. Pretty please po." Pinag dikit nito ang palad at nag pa cute na para pag bigyan ko lamang ito sa gusto. How could I resist her cuteness? Nag pakawala ako nang malalim na buntong-hiningga at hinaplos ang buhok nito. "Okay fine, ibibili kita ng ice cream na gusto mo. Dito ka lang kasama si Yaya, babalik din ako." "Yes Daddy." Hinalikan ko ito sa noo at nag paalam na akong umalis. Sumalay na ako sa sasakyan at huminto sa malapit na department store para bumili lamang ng ice-cream para kay Mia. Sakto naman na pag dating ko lamang doon, kukunti lamang ang tao kaya't madali akong nakapag-bayad sa counter. Matapos kong mamili, nilagay ko na ang paper-bag lamang ng pinamili ko sa sasakyan at sasakay na rin nang may tumawag sa aking pangalan. "Mark." Kina-lingon ko naman para hanapin ang tinig at bumunggad sa akin ang familiar na bulto nang babae sa harapan ko. "Oh my god, ikaw nga!" Bulalas nang babae na parang kilalang-kilala nga talaga ako. "Sandali, mag kakilala ba tayo?" Pilit kong pinag aaralan ang mukha nito, subalit hindi ko talaga matandaan kong saan ko ito nakita. Wala akong idea, kong sino ito o mag kakilala na ba kami. "Nakaka-tampo ka naman para hindi mo ako makilala Mark Samuel," ngumiti ito at nag lakad palapit sa akin. "Ako ito si Dra. Andrea Basco, ang matalik na kaibigan ng mga magulang mo. Minsan na rin akong dumalaw sainyo no'ng Anniversary ni Tita. At ako rin ang Ob gyne ng asawa mong si Lea, hindi mo na ba ako natatandaan?" s**t! Oo nga pala. Kaya pala familiar ang mukha nito sa akin dahil OB Gyne ito ng aking asawa. I'm not good in faces, lalong-lalo na rin sa mga pangalan ng tao naka-paligid sa akin. "Oh I'm sorry Dra. Andrea," "Ayos lang naman iyon sa akin Mr. Montecillo. Siya nga pala kumusta na si Lea at ang anak niyo? Siguro ang laki na ngayon ng anak niyo." "Okay naman. Steven turning 8 this year." Dugtong ko pa na kina-kurap naman ng mata nito. "8 years old?" Pang-uulit nito at nabigla rin sa sinabi ko. "Oh, tinutukoy mo siguro ang isa mong anak na si Steven. Kilala ko ang bibong anak niyong iyon. Ang tinutukoy ko Mark, ang pangalawang anak niyo ni Lea." Nagimbal ang buong katawan ko sa narinigz tangina. Ano? Pangalawang anak namin? Anong lahat ng ito? Bakit hindi ko alam ito? "Nag aalala na noon dahil hindi na sumipot si Lea sa mga check-ups niya aa akin. Pinayuhan ko din ang asawa mo na mag doble ingat lalo't maselan ang pag bubuntis niya sa pangalawang anak niyo. Anong gender ng baby niyo? Babae ba? Siguro ang cute-cute niya Mark, kamukha nang asawa m—-" hindi ko na ito pinatapos nang sasabihin. "I-I need to go." Wala sa sariling bigkas ko at iniwan ko na si Dra. Andrea at pumasok na nang sasakyan. Hindi na ako maka-isip nang matino lalo't na ngayon sa mga nalaman ko. "S-Sandali Mark." Hindi na ako nag papigil pa at binuhay ko na ang makita nang sasakyan at pinaktabo iyon ng sobrang bilis, Tangina! Ang tanga ko! Bakit wala man lang nabanggit si Lea, tungkol dito? Just f**k! ***** "Mam Lea, saan ko po ito ilalagay?" Manang Percy. Pinakita nito ang glass na lalagyan na mga nauna nang naihaw namin. "Doon na lang Manang sa garden." Tugon ko pa. Naisip ko kasi na doon na lang kami mag hahapunan sa garden. Maganda ang ambiance at masarap pa ang simo'y ng hangin doon. Perfect na perfect kumain doon lalo na kapag nag barbecue sila ni Steven or samgyupsal dahil mayron na lights sa garden na mag silbing ilaw doon. Inayos ko na rin ang table doon sa garden para sa plates, baso at ilan pang putahe na hinanda para sa gabing ito. Gusto ko maging special ang gabing ito, dahil gusto ko mag karoon ng quality time sa anak ko. "Ilabas mo na rin Manang ang Wine," "Yes po Mam." "Kumusta naman ang dalawa sa likod?" "Ayon, enjoy na enjoy po si Steven sa pag iihaw kasama si Sir Insoo." Ngumiti pa ang matanda. Iniwan ko muna ang dalawa na masayang nag-iihaw sa garden. Ngumiti na lang ako sa matanda at naputol ang pag-uusap naming dalawa ng marinig namin pareho na may nag doorbell. "Sige na Manang, ako na ang mag bubukas ng gate, baka dumating na ang inorder kong pag-kain." "Sige ho, Mam." Ngumiti na lang ang matanda at dumiretso na ito sa kusina. Mas pinili ko naman na lumabas para pag buksan nang gate ang delivery guy. Sunod-sunod ang pag pindot nito sa doorbell, na animo'y nag mamadali. Inalis ko na ang pag ka-lock ng gate at binuksan na iyon. "Sandali lang h-h—-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang kusa ng umatras ang kaliwa kong paa na sumalubong ang maitim na bulto ng tao sa likod ng gate. Nanigas ang katawan ko at may kong anong kilabot na makita ko ang mata nitong umaapoy na sa galit. "M-Mark?" Anong ginagawa niya dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD