Chapter 30

2089 Words
Chapter 30 MARK SAMUEL'S POV "Maraming salamat, Mr. Montecillo. Malaking tulong na rin ang pag donate mo ng malaking halagang pera para sa skwelahan na ito. Maidagdag namin ang perang ito para sa mga pangangailangan ng mga mata dito sa skwelahang ito," kasalukuyan naroon si Mark sa Opisina ng Principal kong saan nag-aaral ang kanyang anak. Hindi lamang ito ang unang pag kakataon na mag bigay si Mark ng donation sa skwelahan pero matagal niya na itong ginagawa. Hindi lamang skwelahan ang sinu-suportahan niya kundi rin mga charities at ilan pang mga bahay-ampunan. Ilang taon na rin simula na mag lago ang kompaniya ni Mark; at isa rin sa naging goal na gawin ang mga bigay nang tulong sa mga nangangailangan. "Sandali lang, at ipag uutos ko sa tauhan kong ipag handa ka ng maiino—-" tinaas ni Mark ang kaliwang kamay; senyales na pag tatanggi sa offer nito. Nataranta naman kaagad ang principal sa pag-tayo ni Mark. Para sa principal, isa si Mark sa mga taong nirerespetado dahil ito na rin ang isa sa mga mahahalagang tao ang nag bibigay ng malaking halaga ng pundo para sa paaralan na kanyang pinapamahala. "Hindi na kailangan. May mahalaga rin akong pupuntahan," tumingin si Mark sa relo at kay ganda nang mustra ng tindig nito. Bukod sa pag punta sa paaralang ito, marami din si Mark na naka-schedule na mahahalagang appointment sa mga investor at dapat kitain. "Sayang naman, kong ganun. Nag papasalamat pa rin ako at ang paaralang ito; sa donasyon na binigay mo. Maraming salamat muli." Isang tango na lang ang sinukli ni Mark sa principal bago napag pasyahan na mag paalam pa dito. Sinamahan pa si Mark ng Principal at sinadyang ihatid mula sa pintuan; hanggang doon wala pa rin tigil ang mga ito sa pag bati ag pasasalamat sakanya. Imbes na dumiretso papanhik si Mark kong saan naka-park ang sasakyan niya sa labas ng skwelahan. Minabuti niya muna na mag lakad-lakad at panuorin ang mga batang nag lalaro sa playground. Ang mga matatamis nitong mga ngiti kasama ang mga kalaro nito; bumalik kaagad ang pag kanabik ni Mark na maramdaman muli na maging bata. Walang problema; at puro lamang kasiyahan. Huminto si Mark sa pag lalakad at nilagay ang dalawang kamay sa loob mismo ng bulsa. Sobrang anggas at dating ng prostura na inaaliw ang sarili. Hindi na matandaan ni Mark kong ilang minuto niya piniling panuorin ang mga bata at pagkatapos napag-desisyonan niya nang umalis na; para pumunta sa kompaniya. Sa pag lalakad ni Mark, nag paagaw atensyon sakanya ang malakas na inggay sa parteng sulok ng bahagi ng skwelahan. "Tama na," pakiusap ng batang lalaki na mahina na boses at napapalibutan siya ng dalawang batang lalaki; na mukhang kaklase lamang nito. May katangkaran at malaki ang katawan ng dalawang studyante kumpara sa bata. "Totoo ba? Wala kang daddy?" Maangas na tanong ng lalaki at sabay hablot ng bag nito. "Ibigay niyo na sa akin iyan. Ibigay niyo na ang bag k-ko," pakiusap ng bata samantala naman ang dalawang bata; hindi pinakinggan ang pakiusap nito at pinag pasa-pasahan lamang nito ang bag nito. Ang batang lalaki pilit na binabawi ang bag, subalit hindi pa din binibigay. "Haha! Catch!" Tukso pa ng dalawang bata. Mangiyak-ngiyak na ang batang lalaki para lamang ibigay ang bag na hini-hinggi sa dalawang bata. "Amin na iyan, ibigay mo na sa akin ang b-bag ko. Gusto ko nang umuwi," maluha-luha na pakiusap ng bata. Sumugod ang bata para kunin sa maangas na lalaki ang bag nito. Imbes na ibigay tinaas pa ng batang lalaki ang hawak na bag. Tumalon-talon pa ang bata para makuha lamang sa kamay nito ang bag na hini-hinggi. Kahit tumalon pa ang bata at gawin pa ang lahat hindi pa rin maabot ang nito, dahil may katangkaran din ng konti ang maangas na batang lalaki na umaaway sakaniya. "Gusto mong makuha ang bag mo? Kunin mo," walang paligoy-ligoy na tinapon mula sa malayo ang bag ng bata at sumubsob iyon sa parteng mabato at sa lupa kaya't nabahiran ang malinis nitong bag ng dumi. Gumilid na ang luha sa mata ng bata samantala naman ang dalawang bata; wala lamang pakialam dahil gusto nilang tuksuhin pa ito. "Diba gusto mong makuha ang bag mo? Go ahead, kunin mo na," sabi ng maanggas na lalaki. Kumilos naman ang batang lalaki para kunin ang bag na tinapon nito sa malayo, bago paman makuha nang bata sumulpot pa ang kaibigan ng maanggas na lalaki at walang ano-ano, tinulak ang batang lalaki kaya't sumubsob ito sa mabato at sa lupa. Humagalpak na lamang ang tawa ng dalawang lalaki at pinalibutan ang batang lalaki na ngayon mangiyak-ngiyak na hindi makaganti sa dalawang bata na nag bu-bully sakanya. "Ito ang nakukuhang ng batang katulad mo. Hindi belong ang isang kagaya mo sa school na ito dahil wala kang daddy." Tukso pa ng dalawa. "Umalis kana dito. Alis!" Paulit-ulit na tukso ng dalawang batang lalaki sa bata na inaapi nito. "Hey!" Malakas na sigaw ni Mark sa mga bata, kaya't naagaw ang kanilang atensyon. Mabilis na lumapit si Mark sa direksyon ng mga ito at kumaripas na nang takbo ang dalawang batang lalaki bago pa malapitan ni Mark ang mga ito. Huminto si Mark sa tapat ng batang lalaki. Umiiyak lamang ito ng tahimik; naawa din siya na makita na mabahiran ng sugat ang tuhod at siko nito. Mukhang kanina pa ito pinag tri-tripan ng mga bata. Fuck! Kong ako lang talaga ang tatanungin, binali ko na ang leeg nila, pero hindi ko naman kailangan na pang-himasukan ang mga away ng bata. Nilabas ni Mark ang puting panyo, yumukod pa siya ng konti para maiabot lamang ito doon. "Here," umaggat ng tingin ang bata at umiba kaagad ang timpla ng mood na makita siya nito. "I don't need your help," tinabig ni Steven ang kamay nito na palayo sakanya. "Tumayo ka diyan at punasan mo ang luha mo. People are looking at you, tumayo kana diyan," pinunasan ni Steven ang bakas na luha sa pisngi nito at hindi pa rin nag babago ang expression ng mukha. "Kilala mo ba sila? Ituro mo sa akin, at tuturuan ko sila ng leksyon." Ngumisi na lang si Steven. "It's your fault," kina-baling naman ni Mark ang sinabi nito.. "It's your fault kong bakit nila ako inaaway. You chose Tita Mae, over us that's why they tease me. I hate you because you destroyed our family!" "Steven." Lalapit sana si Mark sa bata at lumayo naman ito na takot na takot at bago paman ako makapag-salita, kunaripas na ito nang takbo. Sinundan ni Mark kong saan patakbo ang bata at ngayon sumalubong na dito ang Ina na yakap-yakap na ito. "Hey, what happened? Anong nangyari sa mukha mo anak? Who did this to you, huh?" Nahinto si Lea sa pag tatanong sa anak nang mapansin kaagad nito si Mark na naka-tayo sa hindi kalayuan. Umiba ang timpla ng mukha ni Lea sa galit; at puot na makita muli ang taong nag pahirap sakanila ng mahabang panahon. "Mommy." Steven Inayos ni Lea ang bag sa balikat ng anak at hinaplos ang mukha nito. "Get in the car, Steven." Utos nito. "P-Pero Momm—" "I said, get in the car. Mag-uusap lang kami." Walang nagawa ang bata kundi sumunod sa utos nang Ina. Sa huling pag kakataon, sumulyap si Steven sa ama bago lumabas sa skwelahan. Galit na galit ang mata ni Lea na tumitig kay Mark, hindi niya pa rin ito mapapatawad sa pag bigay ng sakit sakanila ng mahabang panahon. Lumapit si Mark at sinalubong ko naman ito. "Lea." Sinampal ni Lea nang ubod ng lakas ang asawa. Hawak ngayon ni Mark ang kabilang pisngi; dinarama ang sakit at lakas na pag kakasampal nito. "Hindi mo ba kami tatantanan ni Steven? Matagal na kitang binabalaan Mark na layuan mo na ang anak ko. Masaya na kaming dalawa at sana huwag kanang maki-gulo pa sa amin!" Pinagalaw ni Mark ang panga at hinarap ang asawa. "Are you done?" "What?" Kurap na saad ni Lea dito. "Hindi mo ba nakikita Lea, binu-bully ang anak natin dahil hindi mo na siya natutukan ng atensyon." Ang kapal ng mukha niya para isumbat niya iyan sa akin? "Ako pa talaga ang sinisisi mo Mark sa bagay na iyan? Na ikaw naman ang nag kulang? Huwag mo sa akin isisi ang lahat dahil hindi ka naman naging perpektong asawa at mabuting Ama kay, Steven!" Asik nito. "Hindi maapektuhan nang ganito ang anak natin kong hindi ka nag loko. Bakit hindi kana lang bumalik kay Mae, tutal mas kailangan niya ang atensyon mo, diba?" "Gaya ba nang pag sasama niyo ni Insoo," kina-baling naman ni Lea ang tingin nito. "Nakita ko siyang pumunta sainyo no'ng naka-raang araw at mukhang masaya ka na kasama mo siya. Siya na ba? Siya na ba ang pinag palit mo sa akin?" Umawang na lang ang labi ni Lea sa naging depensa ni Mark. It's doesn't make any sense at all! "Are you stalking us? Wow ha? Ibabaliktad mo ba ako sa sarili mong ginagawa?" Asik pa ni Lea at sabay duro sa dibdib ko. "Layuan mo na kami ng Anak mo at doon lamang mag kakaron ng katahimikan ang buhay ko!" Nag martsa na si Lea paalis, samantala nMan si Mark; pinapanuod lamang si Lea mag lakad palayo. "f**k!" Napa-suklay na lamang si Mark sa buhok sa labis na galit. LEA KRISTINE'S POV Pumasok si Lea sa kwarto ng anak dala ang medical kit. Matapos ng mga nangyari kanina, tahimik ang anak sa buong byahe at dumiretso kaagad ito sa kwarto at nag kulong na. Naabutan ko si Steven, naka-indian seat pa sa kama at mukhang malalim ang iniisip. Pinili ni Lea na maupo sa tabi ng anak. "Kakain na tayo, anak." "I'm hungry po, Mom." Naka-titig lamang ito sa kama at hindi ako magawang tignan sa mata. Binuksan na ni Lea ang medical kit at nilabas na rin ang mga kailangan para gamutin ang sugat nang anak. Kinuha ko na ang kamay ni Steven at buong ingat na dinadampi ang bulak sa parteng sugat nito para hindi na ma-infection. Napapa-ngiwi at sabay pikit ng mata si Steven sa pag gagamot ko. "Bukas pupunta si Mommy sa school at irereport ko ang nangyaring pag-bubully sa'yo. I won't tolerate this," hindi pa rin ito kumibo. Nilagyan ko na rin ng gamot ang ilang parte ng sugat ni Steven. "May problema ba anak? Kanina ka pa tahimik." Puna ni Lea sa anak. "I hate him, Mom." "Who?" "I hate Daddy," nanubig ang mata na tumitig sa akin, subalit naroon pa rin ang hinanakit sa ama. "Siya ang dahilan kong bakit ayaw makipag-friends sa akin mga kaklase ko dahil akala nila sa akin freak; because wala akong Daddy." Sumbong nito. Masakit pa rin sa parte ko na nahihirapan pa din ang anak ko kahit ilang taon na ang lumipas. "I'm so sorry sweetheart, you're not freak for not having a complete family." Sabay hawak sa pisngi nito. "Hindi naman pag babasihan iyon diba, kong wala kaman Daddy. Ang importante, mahal na mahal kita at love ka namin," niyakap ko si Steven nang mahigpit. Hayaan mo anak, malapit na silang lumayo sa atin. Hindi na nila tayo, guguluhin pa. **** "Nag hukay pa ako ng mga impormasyon tungkol kay Mark, subalit wala naman akong nakuhang kakaiba." Mrs. Martinez. "Ang linis ng asawa mo mag trabaho, sa ilang buwan kong pag tra-trabaho at pag-huhukay. Wala akong nakuhang impormasyon na pwede natin idiin na mapa-bagsak siya.. Pero may nakuha akong mas interesting," nilapag nito ang folder laman ng aking mga hinahanap. Kinuha ni Lea ang documento at isa-isang sinuri ang mga iyon . "Inutusan ko ang mga tauhan ko na pasukin ang kompaniya ni Mark para sa ganung paraan ma-track natin ang mga ginagawa, at hindi naman ako nabigo na maka-hanap ng impormasyon." Patuloy na salaysay nito. Nahinto si Lea sa pag babasa na may mag paagaw atensyon sakanya. Kina-baling ko naman ng tingin si Mrs. Martinez, para kumpirmahin na totoo ba itong nababasa ko. Oh my god! Isang malaking alas nga ito. "Mayron na mahalagang project na binubuo si Mark sa bigating kompaniya. Confidential itong mga files; at sa tingin ko magandang alas na ito Lea, na pwede mong gamitin." "Okay na ito,"dagdag pa ni Lea. "Maraming salamat Mrs. Martinez, malaking halaga na ito sa akin." Sinandal ni Lea ang likod sa silya at pinatong sa lamesa ang documento. Kinuha ko ang tasa ng kape at sinimsim ang laman; at tumatak bigla ang plano na namumuo sa kanyang isipan. Makikipag-laro muna ako sa'yo, Mark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD