Chapter 38

1907 Words
Chapter 38 Chapter 38 MAE'S POV Pababa nang hagdan si Mae at diretso kaagad na tumunggo sa kusina para maka-inom ng malamig na tubig. Alas otso na nang umaga ngunit inaantok pa rin siya. Hindi siya maka-tulog ilang araw na dulot nang bumabagabag sakanya. Nangangamba siya na sa tuwing pinipikit niya ang mata, naalala niya ang nakaka-takot na itsura ni Ivonne, na parating nag papakita sakanya sa panaginip. Maitim na ang ilalim ng mata ni Mae at ang katawan niya tuyo't na walang sapat na tulog. Nawala na ang magandang energy sa katawan niya ngayon napalitan ng pag kabagot at pag katamlay. Maraming naiwan na trabaho si Mae sa kompaniya, wala siyang plano na pumasok ngayon. Susubukan niya sa sarili na ibalik ang sarili na maka tulog ng mahimbing kahit alam niya naman sa sarili na hindi naman siya makaka-tulog kaagad. Kinuha ni Mae sa bulsa nag gamot at kumuha ng dalawang sleeping pills, at sabay iyon na ininom. Kinakailangan niya ng gamot para maka-tulong lang sakanya na maka-tulog. "Good morning Mam," bati nang katulong sa likuran ko. "Nag handa na po pala ako ng almusal. Si Mia po, nasa silid pa po at natutulog," patuloy na kinakausap ako ng katulong. Humarap si Mae sa katulong para dumiretso na sa kapag kainan para makakain na, ngunit nagulat ata ito na makita ang itsura ko. "M-Mam? Ayos ka lang po?" Taka man na makita ako. Suot pa rin ang pantulog na damit, hindi ko rin nagawang mag suklay ng buhok o kaya naman mag hilamos. Sumama na rin sa pangingitim ng ilalim ng mata ko ang nag kalat na mascara. "Mukha atang wala kayong sapat na tulog Mam, may dinaramdam po ba kayong sakit?" Wala akong panahon mag bait-baitan sakanya ngayon. "Oh ano naman ngayon?" Pag babara ko at natamimi naman ito. "Pwede bang huwag mo akong pakialaman at tuonan mo na lang ng atensyon ang trabaho mo?!" Kina-yuko naman ng ulo nito sa pag trato ko sakanya. Alam niya rin ang makakaya kong gawin sakanya kapag, hindi niya inayos ang pag tatanong niya sa akin. "P-Pasensiya na h-ho Mam," hindi na maka-titig sa mata ko ang katulong. "Tatapusin ko na lang ang pag lalaba ko po. At may nag padala po pala sa'yo ng regalo, nilagay ko po doon sa table," Ano? Regalo? Mag sasalita pa sana ako at nag mamadali nang umalis ang katulong ko para pumunta sa laundry area. Nabahala at natakot man si Mae na marinig ang regalo. Dali-dali na siya tumunggo sa living area para alamin lamang kong ano iyon. Nilunok niya pa ang laway na makita ang isang bagay na mag paagaw nang atensyon sa akin na isang bouquet ng bulaklak at nababalutan ito ng makapal na wrapping paper na brown. Kinuha ko ang bouquet at tinanggal na ang wrapping paper na naka-balot dito. Nagulantang ako na sa aking pag alis ng balot, tumambad kaagad sa akin ang chrysanthemum. Bulalak na pang patay. Tangina talaga. Sino ang mag papadala sa akin na pang patay na bulaklak na ito? Mapapatay ko talaga siya! Napansin ko ang naka-ipit na notes sa bulaklak at binasa kong ano man ang naka-paloob doon. [Alam ko ang ginawa mo, kay Ivonne.] namutla ang labi ko sa aking nabasa at kasabay rin ang malakas na kalabog ng aking dibdib sa takot. Ano? Ano ito? Luminga-linga pa ako sa paligid, balisa at hindi mapakali na nariyan lamang ang nanatakot sa akin. Nanunuod sa malayo at pinag lalaruan ako. "N-No, No," namasa-masa ang mata ko at anumang oras iiyak sa takot at galit. Bumalik sa alala ko ang nag papadala sa akin ng mga regalo at posibilidad na padala niya ito sa akin para takutin ako muli. "Hindi niyo ako matatakot nang ganito." Hindi na namalayan ni Mae na nalukot na sa kanyang kamay ang notes sa labis na galit. Dali-daling tumunggo si Mae sa kusina at walang pag- aalinlangan na tinapon sa basurahan ang bulaklak. Sobrang bigat ng kayang pag-hingga at hindi maipaliwanag na nararamdaman. Ibabaon ko lahat ng ebidensiya na mag tuturo sa akin na ako ang pumatay kay Ivonne. Akala niyo matatakot niyo ako nang ganito? Nag kakamali kayo! Hindi mo ako matatakot, kong sino man may kagagawan nito! Mahahanap din kita! At pag nahanap kita! Papatayin kita! "Mommy," nabalik si Mae sa realidad na marinig ang boses sa likuran. Kina-baling niya naman ng tingin si Mia at naka-hawak ito sa pader at naka-suot pa ng pajama. Maputla ang labi at hinang-hina. "Mia, what's wrong?" "I'm feel dizzy M-Momm—-" hindi na natapos ni Mia ang sasabihin at bigla na itong nahimatay. "Mia!" Patakbong nilapitan ni Mae ang anak at wala ng malay sa malamig na tiles. Nanikip ang kanyang dibdib at niyakap ang katawan nito na sobrang lamig at putla na. "M-Mia, mia anak. Wake up honey," tinapik tapik ko pa ang pisngi nito at mag babakasali na magising, pero wala talaga. Ano bang nangayayari sa'yo anak? Please magising ka. Gumising ka. Sa bawat segundong lumipas, lalo lamang nabalutan ng takot ang aking puso at hindi ko mapigilan ang luha na bumagsak. "M-Manang, manang! Tulungan niyo kami. Si Mia!" Hagolhol ko na iyak at niyakap ang malamig nitong katawan. "Mia! Anak ko. Ahh!" Impit ko na iyak na yakap pa rin ang katawan nito. MARK SAMUEL'S POV "Hi," kumaway si Mark na lumapit kay Steven at inismidan lamang siya ng bata. Binaling ang tingin nito sa kabilang direksyon at iniiwasan nito na tumitig sa akin. Tumabi ako kay Steven sa labas ng school at ilang bata, nag silabasan na rin at sinusundo na sila ng kanilang mga sundo. Bagama't iba ngayon ang kaso ni Steven, pinili nitong mag tayo sa gilid sa kalsada na may limliman at hini-hintay si Lea na dumating. "Wala pa si Mommy?" Gusto ko pa rin itong kausapin kahit alam na rin sa sarili ni Mark na hindi siya makaka-kuha ng sagot mula sa anak. "Ganito ba palagi si Mommy, na parating late ka sunduin?" Sanay na si Mark sa malamig na trato sa anak sa tuwing nilalapitan niya ito, hindi naman siya nawawalan ng pag asa na makukuha ang loob ng anak. "Not all the times, pero dumating pa rin si Mommy kahit busy siya sa work." Kahit galit pa rin sumasagot pa din si Steven. "Ihatid na kita." "No, thanks." "Baka matagal pang dumating si Mommy, mag hihintay ka lang dito sa labas nang matagal." "I know, but I don't mind." "Baka maulit na naman muli na hindi siya dumating, kagaya no'ng umula—-" "Like how you sabotage my Mom's car, para hindi ako masundo?" Pag tatapos nito. Ibang klase. Wow! Malalaman niya talaga ang bagay na iyon? "Hindi na ako madadala sa mga rason mo." Panunuplado nito. "Oh come on, I didn't sabotage your Mom's car, this time," kinalawak ng aking ngiti at kina-busanggot naman nito. "Umalis kana bago pa dumating si Mommy, for sure Mom will kill you this time, na lumalapit ka sa akin." "You want ice-cream. Like mint chocolate?" Pag suhol ni Mark sa anak para sumama lang ito. Balak sana ito bilhan ni Mark ng ice-cream at ipasyal lamang kahit sandali. Sa tulong ni ng secretary ni Mark pinaalam ko, kong ano ang magiging schedule ng pasok ni Lea at unfortunately hindi nito masusundo ang anak ngayong araw dahil may mahalaga itong meeting kasama si Reynard. Binilin na lang sa katulong nito na sunduin si Steven sa klase. Nagawan na kaagad ng paraan ni Mark bago gawin ang plano, naki-usap na rin si Mark sa katulong na si Lea ako na ang mag susundo ngayon kay Steven sa school para naman mag karoon naman sila ng oras kahit sandali lamang. "Sasama kana sa akin? Bibilhan kita ng maraming mint chocolate," hirit ko pa. Nawala ang busangot sa labi ng bata. Naroon sa pag aalinlangan sa mata kong sasama ito or tatanggihan na lang ang paborito nitong ice-cream. Ngumisi na lang si Steven, at ramdam ko nahuli ko na ang kiliti nito. "Halika n——" hindi ko na natapos ang sasabihin ko na tumunog ang cellphone ko. Nilabas ko sa bulsa ang cellphone at nakita ko kaagad ang name register ni Mae. Mae? "Yes, Mae?" Umiiyak ito sa kabilang linya. Hindi ko maipaliwanag sa sarili na kinabahan rin ako na marinig itong umiyak. Hindi si Mae ang ugali na iyakin at madaling umiyak. Nakilala niya ito na matapang at malamig. "What happened? Bakit ka umiiyak?" [M-Mark,] tila batang impit na iyak nito na hindi alam ang gagawin. [I need you right now. Si M-Mia, na hospital. Na hospital ang anak natin, hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.] binagsakan nang malamig na tubig ang buong katawan ko na marinig lang ang sinabi nito. What? Kinabaling ko ng tingin si Steven, kanina pa ako pinapanuod. [Mark pumunta kana dito sa Hospital, please.]Pakiusap nito. Tangina. Gusto ni Mark na makasama ang anak subalit, kailangan siya ngayon ng anak niya. Anong gagawin ko? Ang hirap mag desisyon kapag naiipit kana sa isang pag kakataon. Ang pag-iyak na lang ni Mae ang narinig ko sa kabilang linya. "Sige na, puntahan mo na siya." May guhit nang lamig at galit ang tono ng pananalita ni Steven, ramdam ng bata ang nangyayari. "Hihintayin ko na lang si Mommy dito." Umatras na si Steven at naging malamig muli ang mustra ng pakikiasama sa akin. The f**k! Gusto ko pa sana itong lapitan at mag paliwanag na kailangan ko nang umalis, pero alam kong hindi niya naman ako papakinggan. Pinatay ko na ang tawag at sinilid iyon sa bulsa. "I'm so sorry, kailangan ko nang umalis. Babalik na lang ako sa susunod," hindi na umimik ito. Parang ang bigat para sa akin na ihakbang ang paa para iwan ang anak ko. Tatawagan niya na lang ang katulong na sunduin si Steven sa school. Nilakad-takbo ko na para tumunggo sa sasakyan para mabilis ako kaagad maka-punta kay Mia. Pag pasok ko ng sasakyan at pinaandar ko na iyon. Habang tinatahak ang daan palayo, hindi ko Napapanuod ko pa rin si Steven sa mirror, nanatiling naka-tayo at hini-hintay ang sundo nito. Kumirot ang puso ko na pinapanuod siyang nag iisa sa labas. "f**k!" Matinis na mura ni Mark at nireverse ang pag mamaneho ng sasakyan para balikan si Steven. Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng anak ko at binaba ang window ng sasakyan para makita ang mukha nito. "Halika na, ihahatid na kita sainyo." Ngumiti ako ng kay tamis kay Steven. ***** Lakad-takbo na si Mark sa Hospital kong nasaan si Mia at Mae ngayon. Maraming dumadaan na mga nurse, pasyente at kahit na rin mga tao na aking nakaka-salubong. Mula sa isang tabi, nakita ko si Mae at kasama nito si Manang.. "M-Mark," basag ni Mae na tawag sa akin na makita ako at tumayo sa kina-uupuan. Mugto at mamula-mula ang mata nito, halatang kanina pa umiiyak. "What happened to Mia?" Lumapit ako sakanya at nanginig na ang katawan ni Mae, hindi alam ang gagawin. "Hindi ko alam Mark, kanina lang bumaba si Mia at na-hi. Na-himatay siya." Hirap na sambit nito. "Nasa loob pa rin si Mia at inaalam ng doktor ang sakit niya. Hindi ko alam ang gagawin ko sa sarili ko kapag may nangyaring masama kay Mia," palahaw na iyak nito at niyakap ko siya nang mahigpit at kinulong sa aking bisig. "H-Hindi ko kaya Mark, hindi ko makakaya kapag may nangyaring masama kay Mia." Hinagod ko ang likod nito at tumingin sa pinto kong nasan si Mia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD