Chapter 39

1643 Words
Chapter 39 Kanina pa tulala si Mae na pinag mamasdan anag anak na naka-himlay sa kama at hindi pa rin ito nag kakamalay. Hindi na alintana para sakanya ang pag hahapdi ng mata sa walang humpay na pag-iiyak simula kanina. "Mia," mapait na bigkas ni Mae at hinawakan ang kamay nang anak. Nag darasal na sana mag kamalay na ito at maging maayos na ang kalagayan nito. "Mae," humawak si Mark sa balikat ko at naka-tayo ito sa likuran ko. Simula kanina pa sila dito na umaga sa Hospital, nilipat na ng mga doktor si Mia sa private room at hindi pa sila tapos mag sagawa ng test kong ano ba talaga ang tunay na kalagayn ng kanyang anak.. "Mag pahingga kana muna, ako na muna ang mag babantay kay Mia," paanyaya nito. "N-no, hindi ko ata kayang ipikit ang mga mata ko, na hanggang ngayon wala pa ring malay si Mia," basag na tinig ni Mae at mamasa-masa na naman ang mata niya sa tuwing iniiisip ang anak. Tumitig ako sa mata ni Mark na may lungkot na rin. "Bakit ganun, Hon? Bakit hanggang ngayon wala pa ring sagot ang mga doktor sa tunay na kalagayan ng anak natin? P-Paano kong malubha na pala ang kalagayan niya a-a----" "Hushh!" pinutol na ni Mark ang anumang sasabihin ko at hinawakan ang kamay ko. "Huwag kang mag isip ng kong ano-ano. Malakas ang anak natin, for sure hindi siya makakaramdam kong ano man ang iniisip mo." pag papakalma nito sa akin. Kong wala siguro si Mark, hindi ko makakaya na harapin itong mag-isa. Pinunasan ni Mark ang daplis na luha sa aking pisngi at mapait akong ngumiti. "Everything's gonna be alright. Pupunta ako sa ibaba para mag tanong sa nurse at doktor kong meron na silang results." kina-tango ko naman at hinalikan ako ni Mark sa labi. Sunod ko na lang narinig ang yabag ng paa ni Mark paalis at pag bukas-sara ng pinto. Nanatili si Mae naka-upo sa upuan ng ilang minuto. Pinag mamasdan niya ang anak na wala pa ring malay at may putla ng mukha nito. Sunod-sunod na ang problema na kinakaharap ko at hindi ko aakalain na mangyayari rin ito sa anak ko. "Mag pagaling ka a-anak. Kahit madalas man kitang mapagalitan. Mahal na mahal kita sweetheart." Hinalikan ni Mae ang likod ng kamay ng anak at tumayo na sa kina-uupuan. Inayos ni Mae ang sarili at pinunasan na rin ang daplis na luha sa mata bago lumabas sa silid ni Mia. Balak niya sundan si Mark at pinag patuloy niya na ang kanyang pag lalakad. Nakaka-salubong ko ang ilang tao at nurse sa hallway, hindi ko na sila pinapansin at dinadaanan na lamang. Wala sa sariling nag lalakad pa rin ako at sapo pa rin ang mukha. "Mae?" Napa-hinto ako sa pag lalakad ng marinig ang boses. Hinanap ko, kong saan nag mula ang tinig at nanigas ang buong katawan ko na makilala ang babaeng kay tamis na ngiti sa akin. "M-Melissa?" Hindi makapaniwala kong saad. Pakiramdam ko, binuhusan ng malamig na tubig ang buong pag katao ko na makilala ito. "Hindi ako mapaniwala na dito tayong dalawa mag-kikitang dalawa Mae." simple lamang ang suot nitong damit at mukhang kulang sa tulog. "A-Ako rin," pakiramdam ko sobrang awkward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa. Panaka-naka na kinakabahan na mag cro-cross ang landas naming dalawa dito. "Anong ginagawa mo dito?" "May binisita lang na kaibigan," pag sisinunggaling ko. Hindi sinabi ni Mae, ang totoo nasa Hospital rin ang kanyang anak. "I-Ikaw? Anong ginagawa mo dito? May binisita ka rin ba dito?" Sa tanang buhay ko, ngayon ako pinag pawisan ng malagkit na kausap ito. "No, hindi," anito. "Dito na admit si Kuya Jeric sa Hospital." nagimbal ang buong pag katao ko na marinig iyon. Ano? Nandito si Jeric? Ang Ama ni Mia? Lalo pa tuloy ako nabahala at natakot sa sinabi nito nandito rin si Jeric sa Hospital. "Nakaka-lungkot lang na hanggang ngayuon, hindi pa nag kakamalay ang kapatid ko. Kinailangan namin siyang ilipat dito sa Hospital," it makes sense now, kong bakit sila narito. Lalong lumiliit ang mundo namin sa isa't-isa. Hindi dapat malaman ni Mark ang tungkol kay Jeric at sa tunay na Ama ni Mia. "Ahh ganun ba?" "Sige maiwan na kita Mae. Masaya ako na nakita ngayon," alangan akong ngumiti dito at nag lakad na si Melissa paalis samantala naman ako nanigas sa aking kinatatayuan na sinusundan ito ng tingin palayo. Tuluyan nanlambot ang tuhod ko sa mga nalaman ko at malakas na pintig sa aking puso. Kailangan namin maka-alis dito, bago malaman ni Mark ang totoo. Kulang na lang mapa-sigaw ako na may malamig na kamay humawak sa balikat ko. Namutla akong bumaling ng tingin kay mark at hindi ko na napansin ang pag dating nito. "Ayos ka lang Hon? Namumutla ka ata," Dumaplis ang malamig na pawis sa katawan ko at pilit na pinapakita na maayos lang ako kahit kabaliktaran naman. "O-Oo, ayos lang ako. Naka-usap mo na ba ang mga d-doktor? Anong sabi nila sa results ni Mia?" "Maya-maya lalabas na raw ang result sa test. Sino ang kausap mo kanina?" Sa tanong pa lang ni Mark, lalo akong kinabahan. Nakita niya kanina, na kausap ko si Melissa? Anong gagawin ko? "W-Wala, nag tanong lang ang babae sa akin," peke naman akong ngumiti. Kina-tango naman ni Mark ang naging sagot ko at mukhang naniwala naman sa sinabi ko. Humawak si Mark sa balikat ko at sabay sabing. "Sorry Hon, kailangan kong umalis ngayon, may kailangan lang asikasuhin sa kompaniya.. Ayos lang ba na maiwan muna kita dito?" tumango na lang ako. "Oo, pupunta naman si Mom dito." "Hindi ko na mahihintay ang results ni Mia, balitaan mo na lang ako, hmm?" Hinalikan ako ni Mark na mabilis sa labi at nag paalam na siya sa akin. Sinundan ko na lang ito ng tingin hanggang mawala ito sa aking tingin. Bumalik na ako sa silid ni Mia at sakto naman pag dating ko, naroon ang nurse at may chineck ito kay Mia. Diretso na akong umupo sa upuan, hindi nakaligtas sa aking paningin na makita ang magandang bulaklak na naka-display sa vase na kanina lamang pag-alis ko kanina wala naman iyon roon. "Dala mo ba ito?" Bumaling naman ang nurse sa akin. "Hindi po Mam," anito. "May babaeng dumating kanina at dinal niya iyan na bulaklak." Anito. Kanino naman kayang babae ang dumalaw dito? Could it be, Mom? Hinawakan ko ang sariwang red rosses at bumaling muli ng tingin sa anak kong wala pa ring malay. Mula sa labas ng silid ni Mia at Mae, kanina pa naka-tayo ang isang babae na naka-itim na kasuotan at may hawak itong pulang rosas. Ngumisi ang babae at suot ang pulang lipstick sa labi at hinulog nito ang hawak na rosas sa sahig. Nag lakad na ang babae paalis, at tinapakan nito ang pulang rosas; may galit sa kanyang mga mata. ***** Kanina pa ni Mae pinapanuod ang isang lalaki na naka-himlay sa higaan at may naka-kabit sa kanyang katawan na mga tubo at dextrose. Kay talim ang titig ni Mae na tinitigan ang lalaki at sinusumpa niya sa sarili ito. "Pilit na kita inaalis sa buhay namin, Jeric! Pero heto't nangugulo ka pa rin sa amin ni Mia!" Kinakausap ni Mae ang naka-himlay nitong natutulog na katawan sa kama. "Masaya na ako ngayon. Tinuring na ni Mark na sariling anak niya si Mia at mahal mahal niya ito na parang sariling anak. Hangga't nabubuhay ako, hindi ko hahayaan na malaman ni Mark ang totoo. Kong kakailanganin na pag tangkain ko ulit ang buhay mo, para hindi mabuking ang aking sekreto; gagawin ko!" Sumilay ang ngisi sa labi nito. Nilabas ko sa bulsa ang syringe laman na lason. Ilalagay niya ito sa dextrose ni Jeric at unti-unting mamatay ang kanyang katawan, na hindi malalaman ng mga tao na ako ang may gawa. Kong hindi kita napatay noon, sisiguraduhin kong katapusan mo na ngayon! "Maraming salamat Jeric, hindi ko hahayaan na sirain at guluhin mo ulit ang buhay ko!" Ngumising mala-demonyo si Mae at nababaliw na sa sandaling iyon. Lumapit na si Mae sa parteng dextrose at itutusok na ang syringe doon. "Mae?" Nagimbal at nabigla ako na marinig ang boses sa aking likuran at kararating lamang. Putanginang Melissa! Naka-talikod ako at hindi nito nakita ang aking plano na pag patay sa kanyang kapatid. Naging matalim ang mga mata ni Mae, na hindi na matutuloy ang aking planong pag patay kay Jeric. Mabilis kong inalis ang syringe at hinarap si Melissa na may ngiti sa labi. Tinago ko pa iyon sa aking bulsa at pasalamat na lang ako na hindi nito nakita ang aking ginawa. "Hi, Melissa." Nagulat din ito at hindi inaasahan ang aking pag bisita sa kapatid nito. "Pasensiya na. Pumasok na ako kaagad dito, hindi kasi kita nakita no'ng pag dating ko. Nong malaman ko kasi kanina, na dito na pala sa hospital na ito si Jeric, kaya't naisipan kong bisitahin at alamin ang kalagayan niya. Ilang taon ko na rin siya hindi nakita." hinusayan ko pa ang arte at tono ng aking pananalita para maging kapani-paniwala. "Ahh," tango nito at mukhang naniwala naman. "Bumili lang kasi ako sa labas ng pag-kain. Tumunggo si Melissa sa isang table at nilagay nito ang supot na mga pinamili. "Maraming salamat talaga Mae. Kahit matagal na kayong hiwalay ni Kuya Jeric, hindi ka pa rin naka-limot sakanya." Anito. Walang kaalam-alam si Melissa at kahit na ang mga magulang nito tungkol sa tunay na pag-katao ni Mia. Naging lihim na sikreto iyon at habang buhay kong itatago kay Mark ang totoo. "Naging mabuting kaibigan na din sa akin si Jeric, at nalulungkot lang talaga ako na hanggang ngayon, hindi pa rin siya nag kakamalay." Emosyonal kong tinig na mangiyak-ngiyak. Hindi nila alam sa likod ng luha na aking pinapakita; nag kukubli na ako ang dahilan nang pagka comatose nito.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD