“Hey, welcome to Kaffeine! What can I have for you?” Tanong ko sa bagong pasok na customer dito sa Café. She’s in her late twenties and wearing a black leggings and a tank top. She’s american, I guess. American kasi ang accent niya.
“Hi, can I please get a regular cappucino to go?” Ani customer.
“No worries. Anything you’d like to add?” I asked politely.
“That would be all. Thanks.” Ngiti nito sa akin. Habang pina-punch ko sa cash register ang order niya ay inilabas niya ang kanyang card para i-tap sa EFTPOS machine. Doon dumadaan at nata-transfer ang p*****t.
Lumipat ako sa barista para gawin ang kanyang kape dahil dalawa pa lamang kaming stafff dito sa Café ngayong umaga. Sakto namang pumasok ang boss namin na si Ridge. Tatlong asian lamang kami dito na nagta-trabaho at ako lang ang hindi citizen.
“Good morning, Beige. How’s your first morning shift?” Tanong ni Ridge. Maririnig talaga ang kanyang British accent sa kanyang pananalita. Dumiretso ito sa loob ng maliit na office katabi ng barista.
Nang matapos kong gawin ang capuccino ay inabot ko iyon sa customer. “Regular cappucino to go,” wika ko sa kanya habang nakangiti.
“Thank you,” wika ng customer with a smile on her face tsaka na ito umalis.
Pumasok ako sa mini office at kinausap si Ridge. “Hey, Ridge. I never thought that morning shift is way better than night shift.” Wika ko.
Humarap siya sa akin habang sinusuot ang kanyang nameplate. “I know. You’ve been doing a great job since the first day your Aunt Del took you here.”
Hindi ako nagsalita at napansin ni Ridge na naluluha ako.
“Is everything alright?” Concern na tanong niya.
“Well, Aunt Del.. she passed away..”
“Oh, my god. I’m really sorry.” Gulat na wika ni Ridge. Niyakap ako nito at napaiyak na ako.
Matagal nang customer ng Kaffeine Café si Auntie Del. Wala pa ako dito sa London kilala na siya ni Ridge. Sa katunayan, tatay pa ni Ridge ang nagma-manage ng Kaffeine nang maging regular customer nila si Auntie. Dalaga pa siya noon.
Citizen dito si Auntie Del pati na ang tatlo niyang anak. Si Delilah, Elfen, at Lucy. Si Elfen lang ang nakakausap ko ng maayos sa kanilang tatlo dahil siguro magkasing-edad lang kami. We’re both twenty-six years old. Tig dalawang taon naman ang agwat ng kanyang mga kapatid sa kanya.Lumaki sila dito sa London at halos hindi marunong magtagalog. Nakakaintindi sila pero hindi sila marunong magsalita. Nabiyuda na si Auntie Del noong nakaraang dalawang taon. Namatay sa construction site ang British niyang asawa. Dinamdam yon ng todo ni Auntie Del. Palagi siyang inaatake sa puso hanggang sa naging critical ang condition niya. Ngayon, iyon ang ikinamatay niya.
At wala na akong masasandalan pa dahil wala na siya. Napakabuti ni Auntie Del sa akin. Siya ang kumuha sa akin sa Pilipinas para dito mag-aral at magtrabaho para makapag-apply ako ng citizenship ko rito. Ngayong wala na siya, hindi ko na matutuloy pa ang pag-aaral ko. Napakalaki ng gastos ko sa pag-aaral dahil nagmamaster’s na ako. Hindi sapat ang kinikita ko sa Kaffeine. Nakakatulong lang ito para matustusan ko ang allowance ko. Si Auntie Del kasi lahat ang umako sa mga finances ko dito. At ngayong wala na siya, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“Beige, you don’t have to come to work if you don’t feel alright.” Ani Ridge.
Humiwalay ako sa kanya at pinunasan ko ang luha ko sa pisngi ko. “It’s okay. I’d rather work than to think about Auntie Del.”
“Okay. Just to remind you, you can go home whenever you want. It’s understandable. Okay?” Aniya. Ngumiti ako sa napakabuti kong boss.
“Thanks.” Wika ko. Tinapik ako ni Ridge sa balikat at saka na siya lumabas ng office para magsimulang magtrabaho.
Mabilis na dumaan ang oras dahil nag-focus ako sa pagta-trabaho. Nang dumating na ang kapalit ko ng bandang alas dos ng hapon ay tsaka na ako pumasok muli sa office para kunin ang aking winter coat na itim. Tumabi naman sa akin si Stacy na bagong dating at kapalit ko.
“Hey, Beige. You going?” Aniya habang pinapasok ang kanyang bag sa locker niya. Dalawang locker lang ang pagitan naming dalawa.
“Yeah,” sagot ko habang hinuhubad ang apron ko na kulay green. Ipinasok ko iyon sa locker. Kinuha ko ang aking winter coat at tsaka iton isinuot. Tinanggal ko ang nameplate ko sa t-shirt ko na black at ipinasok sa locker. “Stacy, if you’re looking for your nameplate, you left it on top of the vault. I saw it earlier this morning when I was sweeping the floor.” Kinuha ko ang nameplate niya sa locker ko at inabot sa kanya. “Here.” Wika ko. Napansin kong namutla ito. Kinuha niya ang nameplate niya sa akin.
“T-thanks.” Aniya tsaka na siya umalis kahit hindi pa niya suot ang apron niya.
Nagtaka ako sa kanyang inasal. Naroon kasi sa vault ang mga cash na kinikita ng Café.
Lumabas ako ng Kaffeine. Sumapul sa mukha ko ang malamig na hangin ng winter. Malapit nang mag-winter season dito sa London kaya halos lahat ng tao ay nakapang-winter outfit na.
Habang naglalakad ako sa sidewalk ay pinagmasdan ko ang mga tao na nakaupo sa labas ng mga shops at ibang Café. May mga nagbibisikleta rin sa bicycle lane. Napangiti ako dahil payapa ang mga tao at masayang nakikipagkwentuhan sa kanilang mga kaibigan at pamilya.
Bigla akong nalungkot nang maalala ko si Auntie Del. Nasa bahay ang kanyang abo at ngayong uuwi na ako ay wala nang sasalubong sa akin.
Sumakay ako ng bus hanggang sa makauwi ako sa bahay. Nang makapasok ako sa gate ay napakunot ako ng noo. Nasa labas ang maleta ko at isa pang bag pack. Pumasok ako sa gate at nang makalapit sa maleta ko ay sakto namang lumabas si Delilah.
“Ley, what’s happening?” Nagtataka kong tanong.
Nagpameywang siya at hinarapan ako. “My mom’s gone, Beige. Now, you gotta move out.” Aniya.
“Ley, I have nowhere else to go,” pang-iintindi ko sa kanya.
“That’s not my problem anymore. You’ve been sucking my mom’s money for years. Now that she’s gone, you better take your things and get lost.”
“Ley—“ tumalikod sa akin si Delilah at sinara ng malakas ang pinto ng bahay.
Maluha-luha akong napaupo sa bench dito sa lawn ng bahay. Hindi ko akalain na palalayasin ako ni Delilah. Alam kong ayaw niya sa akin pero hindi ko kailan man naisip na palalayasin niya ako kahit pa magpinsan naman kami.
Narinig kong bumukas ng konti ang pinto. Tumingin ako doon at nakita ko si Elfen. Lumabas siya at tinabihan ako.
“I’m sorry,” ani Elfen sa akin tsaka niya ako niyakap. Hindi ko na napigilan ang umiyak.
“I don’t know where to go, Elf. What am I gonna do now?” Umiiyak kong sambit sa kanya. Hinaplos nito ang likod ko.
“I’m sorry, Beige. Delilah is being a d*ck right now,” aniya.
“Alam ko naman. Naiintindihan ko naman siya, eh. Masakit na mawalan ng magulang kasi ako din,” saad ko. “I don’t know where to go now..”