“As much as I want to help you, I couldn’t. I’m going to leave for work next week. I’m going to Edinburgh..” aniya.
Lumayo ako kay Elfen. “Hindi mo sinabi sa akin na aalis ka..” hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya.
“I just received the company’s email earlier. I was just in my room, waiting for you to go home from work. And then Delilah packed all your things and now we’re both here outside,” he explained.
“Pero hindi mo pa rin sinabi sa akin na tinuloy mo pala. Ang sabi mo sakin sabay tayo..” sambit ko. Ramdam niya na masama ang loob ko.
Umiwas si Elfen ng tingin. “I’m sorry.. I thought you applied before me..”
“I’d tell you if I did, Elf. But I didn’t. Kasi ang sabi mo sa akin huwag na natin ituloy,” I said.
“Beige, I’m really sorr—“ I cut him off.
Tumayo ako at kinuha ang maleta ko. Sinukbit ko ang bag pack ko sa likod ko. “I’m going,” I said dismissively.
Tumayo si Elfen at hinila ang braso ko. “Beige, wait. Where are you going?” aniya. Humarap ako sa kanya at sumigaw.
“I don’t know! Wala akong kakilala dito! Kayo lang nila Auntie Del ang pamilya ko dito. Wala akong ibang mapupuntahan!” umiiyak kong sambit.
“Beige—“ hindi na naituloy pa ni Elfen ang kanyang sasabihin dahil lumakad na ako palabas ng kanilang bahay.
Mag-isa akong naglalakad sa sidewalk dala ang maleta ko habang may mga iilan lamang na sasakyan ang dumadaan. Umiiyak akong naglalakad mag-isa sa malamig na klima ng London, walang mapuntahan. Walang ibang kakilala o kaibigan na pwedeng hingan ng tulong.
Umupo ako sa bus stop habang tulala. Naalala ko ang kapatid kong si Marco na nasa Pilipinas. Napaluha na naman ako sa pag-alala ko sa kanya. Four years old pa lang si Marco. Iniwan ko muna siya kay Tita Linda dahil walang mag-aalaga sa kanya doon. Paano ako makakapagpadala nito kung mapupunta sa renta ang maiipon ko?
Nang dumating nag bus ay madali akong sumakay. Iilan lamang ang mga kasabay ko. Naisipan kong magpunta sa Hanover Square para makapagisip-isip. Umupo ako sa isang bench katabi ang maleta ko. Pinanood ko ang isang lola na ini-stroll ang kanyang baby na apo sa kanyang stroller. Napangiti ako ngunit nawala rin nang maalala ko na naman ang baby brother kong si Marco.
Kinuha ko ang wallet ko sa bag pack ko. Pinagmasdan ko ang picture naming dalawa ni Marco noong baby pa siya. One year old pa lang siya doon sa picture. Naramdaman ko ang luha ko na pumatak sa pisngi ko.
“Namimiss na kita, Marki baby,” sambit ko sa picture. Hinaplos ko ito sa hinalalaki ko.
Tumingin akong muli sa maglola. Malayo na sila. Inalala ko ang mga panahon noong bago pa lamang ako dito sa London.
Mahigit limang taon na ako rito sa London. Kinuha ako ni Auntie Del sa puder ni tita Linda noong namatay yung magulang ko sa isang car accident. Pa-graduate pa lang ako ng college sa Ilocos noong nangyari yon. Ang akala nila hindi na ako makaka-graduate dahil dinamdam ko ng husto yung pagkawala nila mama at papa. Maayos naman ang pamumuhay namin. Kaya naman namin sa buhay. Nang mamatay ang mga magulang ko, automatic na kay Tita Linda ako dahil nag-iisang anak lang si mama at tatlong magkakapatid naman sina papa, Auntie Del, at Tita Linda. Dahil nasa London si Auntie Del, walang nagawa si Tita Linda kundi kupkupin ako.
Matandang dalaga si Tita Linda kaya napakasungit at pareho naming hindi gusto ang isa’t isa. Pinagbubuhatan niya ako ng kamay kapag hindi ko nasusunod ang mga utos niya. Hanggang sa kausapin ako ni Auntie Del noong graduation ko na kukunin niya ako para mag-aral muli. Dadalhin niya ako sa London para maging permanent ako doon kapag nakatapos ako ng pag-aaral doon at makapagtrabaho.
Sa awa ng Diyos, na-grant ang visa ko na makapag-aral dito sa London. Nursing ang kinuha ko dahil yun ang in demand dito. Marami kasing mga homecare dito na palaging in need ng mga taong makakapagbigay kalinga sa mga matatanda. Ang kaso, dahil master’s degree agad ang kinuha ko ay hindi ko kinaya. Masyadong mabigat para sa akin. Hindi naman ako sobrang talino. Masipag lang.
Nahiya ako noon kay Auntie Del nang lapitan ko siya galing school. Sinabi ko sa kanya na kung magpapatuloy pa ako sa master’s degree ko ay baka bumagsak lang ako. Sobrang swerte ko kay Auntie Del kasi naiintindihan niya ako. Sakto naman na hinayaan muna akong makabalik sa Pilipinas ng mahigit isang taon. Sinabi ko kasi sa kanya na gusto ko munang magpahinga. Nakaipon ako noon dahil pinasok ako ni Auntie Del sa Kaffeine. Siya kasi halos lahat nagbabayad ng expenses ko at sa kanila pa ako nakatira. Tinuring talaga akong parang tunay na anak ni Auntie Del.
Matapos kong magpahinga sa Pilipinas ng isang taon, bumalik ako ulit sa London. Iniwan ko si Marco kay Tita Linda kahit labag sa loob ko. Wala naman akong ibang mapagiiwanan sa kanya kundi kay Tita Linda lang. Simula noon, palagi na akong nagpapadala kay Tita Linda para may panggastos si Marco. Kahit binibigyan naman ni Auntie Del si Tita Linda, humihingi pa rin siya sa akin kasi siya ang nag-aalaga sa kapatid ko kahit alam ko namang hindi naman niya binibigay ang dapat na kalinga para sa kanya.
Ngayon, hindi alam ni Auntie Del na bago pa siya mawala ay nag-expire na ang visa ko ilang buwan na ang nakakalipas. Kinuha ko ang mga papeles ko sa bag ko. Nang tingnan ko ito, halos dalawang taon na palang expired ang visa ko para makapag-aral dito. Ang bilis pala ng panahon. Pagkatapos kasing ma-expire ng student visa ko, nag-apply ako for tourist visa para makapag-stay pa ako dito at magpatulog sa pagta-trabaho sa Kaffeine. Ngayong tinitingnan ko ang tourist visa ko, ilang buwan na pala akong TNT rito. Tago ng tago. Kapag nalaman ng immigration na expired na ang tourist visa ko, made-deport ako or worst, ma-ban dito sa UK at hindi na makabalik pa.
Huminga ako ng malalim.
Hindi alam ni Auntie Del ang ginawa ko. Hindi niya alam na turista na lang ako dito at hindi na ako nag-aaral. Naubos na rin kasi ang savings nila noong palagi siyang nao-ospital. Alam ko naman na simula noong mahina na ang katawan ni Auntie Del, alam kong tinago nila Delilah at Lucy ang pera ng ina nila. Iniisip kasi nila na hinuhuthutan ko si Auntie Del. Nakakalungkot isipin dahil parang tunay na ina ko na rin siya at hindi iyon gusto ng kanyang mga anak.
Pati sa Kaffeine, hindi rin alam ni Ridge na turista na lang ako. Kapag nalaman niya, kailangan niya akong tanggalin sa trabaho kahit pa close kami. Naiintindihan ko naman dahil sumusunod lang siya sa law nila dito sa London.
Inayos ko ang mga papeles ko at pinasok ulit sa bag. Tumayo ako at nagsimulang lumakad paalis ng Hanover Square.
Naglalakad ako sa sidewalk habang dumadaan ang mga sasakyan sa gilid ko. Papagabi na at uwian na ang mga tao. Napatigil ako sa tapat ng isang restaurant. Pinanood ko ang isang pamilya na masayang kumakain at kahit ayokong mainggit ay naiinggit ako dahil namimiss ko ang pamilya ko.
Lumipat ako sa isang alley way at doon umiyak ng umiyak dahil alam kong doon ako magpapalipas ng gabi. Sa lansangan ako matutulog ngayong gabi.
Walang pamilya. Walang kaibigan.