Chapter 35

1154 Words

“Teka, teka, teka,” naririnding wika ni Josh at kinati pa ng mabilis ang loob ng kanyang tainga. “Kanina ka pa sumasabat, Archieboy, eh. Ikaw ba si Beige? Spokesperson ka niya?” sarkastiko nitong sabi. Tumingin ako kay Troy at mukhang aliw na aliw siya sa dalawa. Tahimik lamang itong nanonood sa dalawa niyang kaibigan. Samantala, asar na asar naman si Archer dahil sa umasim ang ekspresyon ng mukha nito dahil sa mga sinasabi ni Josh sa kanya. “Paki-explain nga kung bakit bawal siyang ligawan? Napaghahalataan ka, eh,” dagdag pa ni Josh. Nangamatis na naman ang mukha ni hambog at basta na lamang tumayo. “Diyan na nga kayo. Doon muna ako sa bonfire,” badtrip na wika ni hambog at saka siya nagmartsa papunta roon. Pinanood namin siyang tatlo sa kanyang pag-alis at umiling na lamang si Troy.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD