Hinayaan ko lang na dumaan ang buong umaga hanggang sa mag-lunch time na. Habang busy pa rin ako sa monitor ng computer ko ay napansin ko sa peripheral vision ko na umawang ng bahagya ang malaking pinto ng office. Iniangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino yon at ngumiti naman ako nang mapagsino ko ito. “Halika ka na, mamaya mo na ituloy yan. Don’t burnout yourself,” ani Julian. Tumingin ako sa relo ko. “Five minutes pa lang naman.” Ngumiti lang si Julian sa akin dahil umaapela pa ako. Tumayo na ako at iniwan ko ang trabaho ko. We went outside the office. Pinauna niya akong lumabas at habang naglalakad kami sa hallway papunta sa elevator ay tinanong ko si Julian. “Hindi pumasok si Archer today. Busy kaya siya sa birthday preparation ng kapatid niya?” tanong ko. “I guess so. You kn