Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong nakatulog matapos kong tawagin si madam. Nagising na lang ako sa matamis na halik ni Archer. “Gising na, mommy,” nakangiting sambit nito. Napatitig ako sa kanya at naalala yung mga pinag-usapan namin ni madam kanina. Unti-unting namuo ang mga luha sa mata ko at tumulo ang mga ito sa sentido ko. Kumunot ang noo ni Archer at unti-unting umukit ang bahid ng pag-aalala ang kanyang mukha. “What’s wrong?” Umiling ako sa kanya ng marahan. “Masakit lang puson ko,” wika ko sabay pumiyok sa huling salita dahil sa pagpigil ko sa sarili ko na huwag humagulgol. “What’s wrong?” pag-uulit ni Archer with a slight of demand in his voice. Ni hindi man lang nito binigyan ng pansin ang sinabi ko. Ganoon pa rin ang expression ng kanyang gwapong mukha. He’s still