Chapter II

2078 Words
"KAILANGAN ko pa ba talagang sumama?" tanong ni Gabrielle "Gabby" Celi habang nag-eempake ng gamit katulong ang nobyong si Mon Christian Sario. "Don't tell me ngayon ka pa magba-back out?" kuno't noong tanong ni Mon. "Hindi naman, kaya lang..." "Kaya lang kinakabahan ka na naman na makilala ang Perwisyo Boys? Baby, ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na mababait ang mga kaibigan ko?" "Oo nga, mababait sila. Eh ang mga girlfriends nila?" nakalabing tanong ni Gabby ng maaalala ang mga nakitang picture ng ilang barkada nito na naka-add sa friendlist niya sa f******k. "Lalo na 'yung mag-bestfriend na Emma at Madeleine." "Nai-insecure ka ba?" "Hindi naman..." "Oh hindi naan pala eh." "Kaya lang baka kasi hindi rin ako mag-enjoy," muling sabi niya. "Nami-miss mo na ang dagat, right? Kaya I know na mag-eenjoy ka talaga." Tama ang nobyo si Mon. Gustung-gusto talaga niya ang dagat dahil doon siya lumaki noon sa probinsya nila. Siguradong mae-enjoy niya ang dagat at ang paglangoy ngunit hindi siya sigurado kung mae-enjoy niya ang mga makakasama niya sa munting bakasyon. "I love beach but not your friends. Feeling ko talaga ang aarte nila, lalo na 'yung Madeleine at Emma. Feeling ko talaga ang aarte nila," sabi pa niya ng maalala kung anu-ano ang pinagpo-post ng dalawang tinutukoy sa f******k. Puro luho at mga sosyal na lugar na pinupuntahan. "Ah, 'yung girlfriend nina JC at Joel?" natatawang sabi ni Mon. "Kasi naman, wala na yatang ibang alam na pag-usapan at i-post sa f******k kung hindi mga branded na damit, bag, sapatos at kung anu-ano pa." "Medyo nga..." "Kita mo na!" aniya at binato ng hawak na damit ang nobyo. "Kaya nga ayoko na talagang sumama!" "Just kidding baby. Kasama naman 'yung girlfriend ni Kiko eh." "'Yung Pheobe?" "Yup. 'Yung pok-" "Shhh... H'wag mo ng ituloy. Masakit sa tainga eh. Hindi ko rin sure kung makakasundo ko 'yun. Baka kasi puro kabastusan at kalaswaan lang ang alam no'n pag-usapan." "Hmmm... What about girlfiend ni Vernon?" "Janine," sabi niya na inaalala ang hitsura ng dalaga sa f******k. Maganda ito at mukhang mabait kaya lang may problema pa rin siya. "Call center agent naman 'yun, baka maubusan ako ng baon na English." "Napaparanoid ka na naman baby. Don't tell me na ngayon ka pa magbaback out pagkatapos kong magpa-good shot ng sobra sa kanila para payagan ka na sumama sa akin." Natawa si Gabby sa tinuran ng nobyo. Takot kasi ito sa papa at tatlong kuya niya kaya hindi masyadong dumadalaw sa bahay nila. Pero nitong nakarang mga araw ay napadalas ang pagdalaw nito na may dala pang mga pasalubong para sa lahat at mas kinatuwa niya ay ang pagsabay nitong kumain ng hapunan sa kanila. Alam niya kasing hindi masyadong makakain ng maayos ang binata dahil sa bawat subo yatang ginagawa nito ay ang pag-ubo o kunwa'y pagkasamid alinman sa tatlong maton niyang mga kapatid. Natatawa na lang rin siya kasi alam niyang minsan ay pinagti-trip-an na lang ito ng mga kuya niya. Hindi naman nagiging over protective ang papa niya at mga kapatid pero naging mahigpit ang mga ito pagdating sa kanyang mga manililigaw. Si Mon lang talaga ang tumagal sa lahat ng mga iyon. At sa edad niya na 25 ay kahit paano naging maluwag na ang mga ito sa kanya at kay Mon na mahigit isang taon na niyang nobyo pagkatapos ng halos dalawang taon na ligawan. Pinapayagan na rin ng mga ito si Mon na matulog sa bahay nila ngunit sa kwarto ng mga kuya niya. Nitong nakraan lang nito halos nagagawang pumasok sa kwarto niya na gawa na rin siguro ng pagpapa-good shot na ginawa. At ang outing na ito ng barkada ni Mon ang kauna-unahang pagkakataon na mapapalayo siya ng isang linggo sa papa at mga kuya niya. "Gabrielle," tawag ng kuya niya na sinundan ng tatlong mararahang katok sa pinto ng kwarto niya. "Hindi pa ba kayo tapos mag-impake?" Mabilis niyang hinawakan ang bibig upang mapigilan ang sarili na mapahagikhik dahil sa pagkapitlag ni Mon ng kumatok sa pinto ang kuya niya. "Oo kuya Adonis , patapos na!" "Sasama ka ba talaga?" muling tanong ni Adonis . Nakangiti siyang tumingin sa nobyo na tila nang-aasar. Pinandilatan naman siya ni Mon kasabay ang sunud-sunod na pagtango na tila nais iyon ang itugon niya. "O-oo kuya Adonis, sasama ako." Nagpipigil na tawang sagot niya dahil sa O.A. na ginagawa ng nobyo. "Okey. Basta may oras ka pa para magbago ang isip mo." "Okey kuya. Salamat sa paalala." Ilang saglit bago nila narinig ang mga yabag ni Adonis na papalayo ng silid. "Yahooo!!!" "Shhh! Ano ka ba!" natatawang saway niya kay Mon. "Wala ng bawian 'yan huh!" ani Mon na biglang hinalikan sa pisngi ang nobya. "Wala na talaga!" "Shhh! Adik ka talaga! Baka marinig ka nina kuya!" muling saway niya. "Sige ka, baka bawiiin pa ng mga iyon ang pagpayag nila sa akin..." *** "SINO bang mga kasama ninyo?" tanong ng papa ni Gabby. "Kami-kami lang po halos na mga Perwisyo Boys I mean, mga barkada ko po no'ng college," tugon ni Mon. "Every year kasi pa, may reunion sila ng mga barkada niya pero ngayon lang po mangyayari na kasama kaming mga girlfriends ng barkada sa reunion," singit ni Gabby. Alam niya kasing isang tanong isang sagot lang ang nobyo pagdating sa papa at mga kuya niya. Sabay-sabay silang nagtatanghalian sa isang mahabang lamesa kung saan ang mga pagkain ay niluto ng tatlong kusinero niyang mga kapatid. May-ari ng isang restaurant ang papa niya, ang pinakamatanda niyang kuya Jermaine ay manger sa isang sikat na restaurant, ang sumunod na kuya Adonis naman niya ay master chef sa palasyo sa ibang bansa at kasalukyang nagbabakasyon sa Pilipinas at ang kuya Ritchie niya ay sikat na chef sa isang TV show na lingguhan kung ipalabas. Siya lang yata ang hindi minahal ng pagluluto kaya networking ang nakita niyang bumagay sa kanya. Doon niya rin nakilala si Mon dahil isa ito sa mga in-offeran niya ng mga produkto. At bago maging sila ng binata ay totoong kumita siya ng malaki dito. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit niya ito sinagot. Bukod kasi sa sobrang gwapo at bait nito ay si Mon lang rin ang tyumaga na ligawan siya sa kabila ng higpit ng papa niya at mga kapaitd. Isa pa, hindi lingid sa kaalaman niya ang estado ng buhay nito pero tinaggap pa rin siya kahit na sa isang hindi kilalang uniberisidad lang siya nakapagtapos ng kolehiyo. "H'wah mong pababayaan itong utol namin kung hindi, hindi lang bugbog ang aabutin mo sa amin," bilin ni Ritchie. "Kapag may nabalitaan kaming nagmaldita ang mga girlfriend ng barkada mo dito sa utol namin, alam mo na ang mangyayari sa iyo!" sabi naman ni Jermaine. "Itong utol namin, ni langaw hindi nakakadapo d'yan. Kaya kapag may nakita kaming isang katiting na pantal sa balat iya," itinaas ni Adonis ang braso at humawak ang isang kamay sa mlaki at matigas na muscle ng braso. "Hindi ka lang dito tatama!" Natatawa namang napatingin si Gabby sa napapalunok na nobyo. "Mga kuya naman, baka hindi na ako isama niyan ni Mon eh." "Hay naku. Kung hindi ko lang alam na sobrang nasasabik ka na sa dagat anak, hinding-hindi kita papayagang sumama," singit ng papa niya. "Kaya pasalamat ka Mon Sario!" "Papa, isa ka pa!" natatawang baling niya sa papa niya. Madalas ay ganito sila kaingay sa lamesa kapag kumakain lalo na kapag kasama si Mon. Maingay, magulo at puro pananakot sa binata. Kaya hindi niya masisi ang binata kung bakit ayaw nitong sumasabay sa pagkain nila. Hindi dahil sa ayaw nitong makasama ang pamilya niya sa hapag kainan kung hindi dahil hindi ito makakain ng maayos kapag kasabay ang papa at mga kapatid niya. Sabay-sabay sila halos napalingon sa sala ng biglang tumunog ang telepono. "Ako na," prisinta ni Gabby dahil halos patapos na rin siyang kumain. Baka sakaling tigilan saglit ng mga kuya niya si Mon kapag hindi na siya kaharap. Tumayo na siya at tinungo ang sala kung nasaan ang telepono. "Hello, Celi residence, how can I help you?" Isang malakas na tunog at masakit sa tainga ang tumugon sa kanya mula sa kabilang linya. "H-hello?" ulit niya na bahagyang inilayo ang hawak na revceiver ng telepono mula sa tainga. Ilang saglit pa bago siya nainip at tuluyang ibinaba ang telepono. Muli siyang naglakad pabalik ng kusina ng may mapansing tao na nakaupo sa nilampasang sofa. At mula sa kinatatayuan ay ibinalik niya ang tingin sa may sofa na nakatalikod sa kanya. Napakunot noo siya ng malingunan ang isang babae na nanakupo. Mahaba at makapal ang buhok nito kung saan hindi na niya halos makita ang kulay ng suot nitong damit. "Mga utol?" aniya ng makabalik sa kusina. "Bakit hindi ninyo sinabing may bisita kayo? At hindi ninyo pa talaga sinama sa tanghalian natin ah." "Ha? Bisita?" takang saad ni Adonis. "May kasama ka bang babae, kuya Jermaine?" tanong ni Ritchie dahil si Jermian ang huling dumating sa bahay galing sa trabaho. "Huh? Wala akong kasama 'no," sagot naman ni Jermaine. "Eh sino 'yung babae na nakaupo sa sofa?" dumako ang tingin niya sa papa niya na nakataas ang isang kilay. "Papa?" "Anak, hindi ko rin bisita 'yun," kaagad namang tugon ng papa niya. Muling napakunot ang noo niya sa itinugon ng papa niya. Mas lalo naman kasi na wala sa kanila ni Mon ang may kasamang babae. "Eh sino 'yung babae sa sala?" Halos sabay-sabay na nagsitayuan ang mga lalaki mula sa kinauupuan at kasabay niyang tumungo sa sala. "N-nasaan na siya?" halos pabulong na tanong niya ng wala na ang kanina lang ay babaeng nakaupo sa sofa. *** "BA-BYE na papa at mga utol," paalam ni Gabby pagkatapos humalik sa pisngi ng papa niya at mga kuya. "Anak, mag-iingat ka du'n ha," sabi ng papa niya. "At ikaw Mon Sario, bahala ka na muna sa utol namin. H'wag mong susubukan na kalimutan ang mga bilin namin," paalala ni Jermaine. "Aalis ng buo dito sa bahay namin si Gabrielle kaya ibabalik mo rin siya ng buo," ani Adonis. "At kapag may nakalimutan ka isa man sa mga bilin namin, alam mo na ang mangyayari," sabi naman ni Ritchie. "Y-yes... Ako pong bahala kay Gabby, h'wag po kayong mag-alala," tugon ni Mon. "Oh sige na, aalis na kami at baka bigla pang magbago ang isip ni Mon na isama ako dahil sa inyo," natatawang paalam ni Gabby. "Ba-bye mga utol and Papa. I love you all." Tumuloy na silang naglakad ni Mon palabas ng gate. Bitbit naman ng binata ang malaking bag niya. "Ay palaka!" malakas na sigaw ni Gabby ng muntik na siyang madapa. May itim na pusa kasi na biglang tumalon sa harapan nila at tila galing sa isang matinding away. Gigil na gigil kasi ang pusa na halos nakatayo pa ang lahat ng balahibo sa buntot at buong katawan. "Shoo! Shoo!" bugaw naman ni Mon bago bumaling sa kanya ng mabilis na tumakbo ang pusa palayo. "Baby, are you okey?" "Y-yes," hinihingal na tugon niya habang nakahawak sa dibdib dahil sa malakas at mabilis na t***k niyon. Tumungo na siya sa kotse at pumasok sa loob habang patuloy pa rin ang malakas at mabilis na kabog ng dibdib niya. Ngayon lang yata siya kinabahan at nagulat ng ganoon. Pumasok na rin sa loob ng kotse si Mon ng maiayos ang mga gamit sa likod at sinimulan buhayin ang makina ng kotse. "Baby," ani Gabby na hinawakan ang kamay ng nobyo. "Yes, baby?" takang tanong ni Mon. "H'wag na lang kaya tayong tumuloy?" "Baby? Nandito na tayo. Naka-start na nga ang kotse saka papunta na tayo oh. Ngayon ka pa ba naman magba-back out?" "Eh kasi..." "May problema ba baby? Masama ba ang pakiramdam mo?" "Hindi naman... Kaya lang..." "So, tara na ha? Wala ng atrasan, okey?" Hindi na siya sumagot at isinanadal ang likod sa malambot na upuan bago ibinaling ang tingin sa may bintana. Hindi niya kasi nagugustuhan ang kakaibang bigat na nararamdaman niya ng mga oras na 'yun. "Para kasing may nararamdaman akong –" Hindi na niya naituloy ang sinasabi ng mapatingin sa isang babaeng nadaanan ng kotseng kinalulunan nila. Tuluyan ng nilukob ng matinding takot ang buong katawan niya ng makitang kumakaway ang babaeng nakapula na may takip na sako ang mukha sa kanila. At sa isang iglap lang ay bigla rin itong nawala. "B-bad vibes..." *** *** *** *** Please don't forget to hit the VOTE button and leave some comments... Thank you so much! :) :*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD