Chapter I

1940 Words
"OH, ang aga mo naman yatang nagising?" Napalingon si Janine Mauriz Castillo sa nagtanong na si Rency Villanueva, ang kasama niya sa apartment na tinutuluyan. "Oo nga eh. May napaginipan na naman kasi ako kagabi. Feeling ko scary kasi ang sakit sa dibdib. But when I woke up, hindi ko naman matandaan," sagot niya habang hinahalo ang kapeng nasa ibabaw ng kaharap na lamesa. "Ilang araw na 'yan ah. Tingnan mo, nagkaka-eye bags ka na tuloy," pansin ni Rency at umupo sa bakanteng upuan na katapat ng kay Janine. Dalawa lang silang magkasama sa apartment na inuupahan, magkasama rin sila sa iisang company at sabay na na-approve ang dalawang lingong vacation leave nila. "Halata na ba mas'yado?" tanong niya at humigop ng kaunti sa mainit na kapeng nasa hawak na tasa. "Medyo. Maganda ka pa rin naman, don't worry. Pero mas maganda ako." "Loka!" Natatawa siya sa tinuran ni Rency at binato ng pandesal na nakabalot sa papel. "Teka, anong oras ka pala susunduin ni papa Ver?" tanong ni Rency bago inabot ang pandesal at nagsimulang palamanan ng peanut butter. Ang boyfriend niyang si Vernon Villalobos ang tinutukoy ng kaibigan. "After lunch yata. Ikaw anong oras ka ba aalis?" "Before lunch. Mukhang hindi na yata talaga magtatagpo ang landas namin ni papa Ver ah. Daanan ninyo na lang ako sa may gas station pagkalagpas ng 7-11, alam ko naman na miss niya na ako eh." "Loka ka talaga! Tigilan mo na nga ang pagpapantasya sa boyfriend ko," natatawang sabi niya. matagal na kasing crush ni Rency ang nobyo niya kahit noong nanliligaw pa lamang ito sa kanya. Biro nga ni Rency sa kanya, h'wag lang daw siya malingat kahit konti at baka maagaw daw kaagad ng iba si Vernon mula sa kanya. "Teka, saan daw ba tayo pupunta?" usisa ni Rency bago kinagatan ang hawak na tinapay. "Hindi ko pa sure eh. Sa isang private beach yata..." "Private beach? Sino daw may-ari?" "'Yung Mark Francis Sarao yata, 'yung pinaka-bestfriend ni Vernon na Kiko palayaw," tugon niya na isa sa mga barkada ng nobyo ang tinutukoy. Ito ang unang pagkakataon na makikilala at makakasama niya ang mga barkada ni Vernon na "Perwisyo Boys" kung tawagin. Ngayon lang kasi siya napilit ng nobyo na sumama kasi ngayon lang ulit magkikita-kita ang mga ito after four years. "Mark Francis Sarao? Parang ang gwapo na mayaman ah. Imagine, may-ari sila ng isang private beach! May girlfriend na ba 'yun?" nakangiting tanong ni Rency. "Ang alam ko oo," nakangiti ring tugon niya. "Lahat naman yata ng barkada niya may girlfriend eh." "Ibig sabihin, sa apat na kaibigan ni Vernon, lahat ng mga 'yun may kasamang girlfriend?" dismayadong tanong ni Rency. "Ang alam ko oo. Oh, sure ka na bang sasama ka?" "Hmp! Kung wala lang akong gagawin ngayong long weekend ko hindi talaga ako sasama." Natawa na lang si Janine sa inarte ni Rency at kumagat ng hawak na pandesal. "Eh 'di ba, first time mo pa lang rin makikita at makikilala ang mga iyon?" usisa pa ulit ni Rency. "Oo nga eh. Ang alam ko nga, after ng graduation party pa 'nung huli silang magkita-kita. Doon rin sa lugar na 'yun." "At sila rin 'yung mga friends niya na first time mong makikilala?" Itinaas ni Janine ang dalawang kilay na tanda ng pagsang-ayon. "Bakit kasi hindi ka sumasama sa mga party ni Vernon? Lagi ka namang invited." "Feeling ko kasi halos lahat ng friends niya sosyalista. Baka hindi ako makasakay." "Ang sabihin mo, masyado ka kasing mahiyain. 'Yan talaga siguro nagustuhan sa iyo ni papa Ver. Dapat pala nagkunwari na lang rin ako na mahiyain dati ng makita natin siya sa coffee shop, baka ako ang napansin niya kaagad no'n." "Loka ka talaga!" Sa isang coffee shop sila nagkakilala ni Vernon. Kaka-out lang niya noon mula sa panggabing trabaho bilang isang call center agent at dumiretso sa isang coffe shop upang mag-almusal. At dahil punuan sa loob ng coffee shop at naki-share ng lamesa si Vernon sa kanya. Tandang-tanda pa niya ang hitsura nito noon umagang iyon. Nakasuot ang binata ng long sleeve na maroon ang kulay at nakatupi hanggang sa may bago mag-siko. Nakatali naman wavy na buhok nito na hanggang batok ang haba. Hindi iyon ang huling beses na nagkita sila sa coffee shop at nag-share sa isang lamesa. Nasundan iyon ng ilan pang mga beses na humantong sa kwentuhan at palitan ng mga cellphone number. Hindi nga nagtagal ay niligawan siya ng binata. Mas kinilig pa nga si Rency ng unang beses na pumunta ito sa apartment nila. Destiny kuno raw sila kasi magkahwig silang dalawa. Parehas kasi silang maputi at bilugan na singkitin ang mga mata. At dahil sa pigiging mabait at sadyang makisig ng binata ay hindi na niya pinatagal pa ang panunuyo nito. At sa loob ng ng dalawang taon na relasyon nila ay wala siya naging kahit na anong problema sa binata o sa relasyon nilang dalawa. Naagaw ng tumutunog na cellphone ang atensyon ni Janine. "Ang prince charming mo, tumatawag na." Nakangiti siyang tumingin saglit kay Rency bago dinampot ang kalapit na cellhphone. "Hello babe?" *** "BABE, kuha ka lang d'yan kung may gusto kang bilhin ha?" "Sure babe," tugon ni Janine ng makapasok silang dalawa ni Vernon sa loob ng isang convenient store. Susunod na sana siya sa nobyong nagpauna ng pumunta sa food sections at nagsimulang dumampot ng mga sitsirya ng mapalingon sa bagong pasok na costumer. Isang matangkad at maputing lalaki na nakasuot ng leather jacket at katabi ang isang mestisahing babae na hindi maikukubli ang tila pag-aalala sa mukha. Napakunot noo siya ng mapansing tila pamilyar sa kanya ang mukha ng babae."Eliza?" Napalingon ang babaeng nakasuot ng gray na dress at may blazer na black. Kumunot ang noo nito ng mapatingin sa kanya na tila inaalala ang mukha niya. "Eliza don't you remember me? It's me, Janine," nakangiting pakilala ni Janine sa sarili bago lumapit dito. Hindi siya maaaring magkamali, si Eliza Joy Ignes ang kaharap niya ngayon. Ang isa sa mga naging malapit na kaibigan niya noong high school bago siya nagtransfer sa ibang school dahil sa isang aksidente. "Janine?" ulit ni Joy. "Kakaloka 'to, it's me Janine Mauriz Castillo! Classmate no'ng first and second year highschool!" "Oh my! Janine!" sa wakas ay nagawa ring alalahanin at makilala ni Joy ang babaeng kanina lang ay estranghero sa paningin. "Sorry, memory gap!" "Hay naku, okey lang! Kumusta ka na? Ang ganda-ganda na lalo!" puri niya kay Joy. Cute na ito noong high school sila ngunit hindi niya maikakaila na mas malaki ang iginanda nito ngayon. "Ako pa ang maganda?! Eh ikaw nga mukang korean model!" nakangiting tugon ni Joy. "Babe, wala ka na bang idadagdag?" Sabay silang napalingon kay Vernon na may hawak ng malaking paper bag.. "Wala na babe. Ay oo nga pala, si Joy, isa sa mga super friends ko nu'ng high school," pakilala ni Janine sa nobyo. "Joy, si Vernon, boyfriend ko." "Hi, nice to meet you!" ani Vernon. "Nice to meet you too, Vernon," nakangiting tugon ni Joy. "Hey, babe, I think we have to go na. Baka naghihintay na si Rency sa may gas station," paalala ni Vernon. "Ah yeah. Joy, Mauna na kami ha, may lakad pa kasi kami," paalam Janine bago humalik sa pisngi ni Joy. "Sure, no prolem. Ingat kayo ha," tugon ni Joy. "Hanapin na lang kita sa f******k. Bye!" nakangiting pahabol ni Janine bago tuluyang makalabas ng store kasabay si Vernon. Papasok na siya ng kotse ng mapatingin muli sa loob ng convenient store. Nagtaka siya ng tila namumutlang nakatingin si Joy sa may tabi niya na wala namang kahit na ano o sinong nakatayo doon. "Babe?" Nagising ang tila natulala niyang diwa sa pagtawag na ginawa ni Vernon at tuluyan ng pumasok sa loob ng kotse. "Okey ka lang?" tanong ni Vernon na nagsimula ng patakbuhin ang kotse. "Yes. Na-weird-an lang ako kay Joy kanina." Iniayos niya ang upo at isinakbit na ang seatbelt sa katawan. Binuhay na ni Vernon ang makina ng kotse kasunod ang mabilis na pagpapatakbo niyon. "Si Kiko ang boyfriend ni Phoebe. Si JC naman ang boyfriend ni Gabby, tapos si Emma at Mon then Joel at Madeleine. Tama na ba?" pag-iisa isa ni Janine sa pangalan ng barkada ni Vernon at girlfriend ng mga ito. "Si JC ang boyfriend ni Madeliene, si Joel ang boyfriend ni Emma and si Mon ang boyfriend ni Gab," natatawang pagtatama ni Vernon sa mga maling sinabi ng nobya. Muli niyang inihimpil ang kotse ng magkulay pula ang traffic light hindi kalayuan. "Tsk!" ani Janine at bahagyang tinapik ang noo. "Sabi na eh, I'm really not good in names." "Babe, okey lang 'yan. Hindi naman kailangan na matandaan mo lahat ngayon eh," nakangiting sabi pa ni Vernon at bahagyang pinisil ang baba ng nobya. "Eh kasi naman, ayokong mapahiya." "Mapahiya? Bakit ka naman mapapahiya?" kuno't noong tanong ni Vernon. ""Babe, kasama mo sila sa Saavedra univeristy'di ba? Eh 'di ibig sabihin mayayaman rin silang lahat," tugon niya na ang tinutukoy ay ang isa sa promemyosong university sa Manila. "Medyo?" ani Vernon na ngumiti kung saan lumabas ang mga biloy sa pisngi. "Eh 'di ibig sabihin rin, mga sosyal ang girlfriend ng mga 'yun. Parang 'yung girlfriend ng mga pinasan mo. Remember no'ng party sa bahay ng tita mo. Hindi na ako makasabay sa piag-uusapan ng mga 'yun sa kaartehan, I mean kasosyalan pala." Natatawang muling inabante ni Vernon ang kotse ng maging berde na ang ilaw ng traffic light. "Akala mo lang 'yun kasi maaarte nga sila. Pero 'yung mga girlfrieng ng Perwisyo Boys?" ani Vernon na pangalan ng barkada ang tinutukoy. "I'm telling you, mas sosyal ka pa sa mga 'yun." "Ako? Mas sosyal? Paano nangyari 'yun?" takang tanong niya na hindi inaalis ang mga tingin sa natatawang binata. Hindi niya kasi magawang maisip kung paanong ang isang kagaya niyang hindi nakapagtapos ng kolehiyo at isang call center agent ay magiging mas sosyal sa mga girlfriend ng Perwisyo Boys. Naalala kasi niya noong umattend siya ng house blessing ng tita ni Vernon kung saan nakilala niya ang ilang sa miyembro ng pamilya nito at mga kamag-anak. Karamihan sa mga pinsan nito ay hindi niya makausap ng maayos dahil puro mamahaling bag at alahas ang pinag-uusapan kaya iniisip niyang ganoon rin ang mangyayari sa outing nila. "Can you recall Kiko's girlfriend?" "Kiko is your bestfriend sa Perwisyo Boys. Hmm... Phoebe?" "Kiko met her at Black Unicorn club." "Black Unicorn club? You mean?" aniyang hindi na itinuloy pa ang sasabihin. Kilalang club ang tinutukoy ni Vernon na para sa mga bayarang babae. "Yes, Phoebe is a prostitute..." "Oh my..." Hindi siya makapaniwala sa sinabing iyon ng nobyo bago itinuon ang tingin sa harapan. "Vernon, may babae!" Mabilis na iprineno ni Vernon sa gilid ng kalsada ang kotse dahil sa malakas na pagsigaw ng nobya. Mabuti na lamang at nasa labas na sila ng highway kung saan iilan na lamang ang sasakyan na dumadaan. "Hey babe..." "Nasaan na? Nabundol ba natin?" nag-aalalang tanong niya habang nakatakip ang mga palad sa buong mukha dahil sa takot. "Wala namang babae, babe..." Dahan-dahan niyang tinanggal ang mga palad sa mukha at tumingin sa harapan ng kotse. Nakaparada na sila sa gilid ng kalsada at walang kahit na anong bakas ang salamin o harapan ng kotse na may nasagasaan silang tao. "N-nakita ko... M-may..." ramdam niya ang panginginig ng buong katawan niya. "Babe... Shhh..." hinawakan ni Vernon ang mukha ng nobya. "Walang babae... Wala tayong nabundol... Namamalikmata ka lang." "Muling niyang iginala ang paningin sa paligid ng kotse bago nagbitaw ng malalim na buntong hininga. "S-sigurado ako... M-may nakita akong babae... Nakapula... Nakatayo sa g-gitna ng k-kalsada..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD