Music #31

2091 Words
Yoongi's Music Music #31 Pakiramdam ko ay para akong pinupukpok ng ilang daang martilyo sa ulo. Narinig ko nalang ang huni ng pagkakabukas ng blinds sa bintana at sumunod doon ang nakakasilaw na ilaw na tumama sa mukha ko dahilan para bahagya akong mapamulat ng mga mata. "Urrrghhh..." I groaned in pain. "Fuck..." The light met my eyes at nakadagdag pa yun sa sakit ng ulo ko ngayon. I have no other choice but to open my eyes. At ang unang sumalubong sa paningin ko ay ang naka-pajama pa na si Rapmon habang nakatingin sa akin sa tabi ng bintana. Teka, hindi ko maalala kung paano ako nakauwi kagabi. But I can't think clearly right now. My head is killing me. At kahit na para akong mamamatay sa sobrang sakit ng ulo ko ay napilitan akong mapaupo sa kama ko at mapasabunot sa ulo ko. Hangover sucks. For a moment ay pinagsisihan ko na naglasing ako. Then I heard Rapmon smirk habang nakatingin parin sya sa akin. "May sumpa ba talaga ang grupong ito ha?" ang parang natatawa pa nyang sabi. "Una sina Taehyung at maknae, at ngayon kayo naman ni J-hope? Huh. You're joking, right?" Hindi ako sumagot. The pain in my head kept me from answering him. "Oh, sya nga pala hyung..." ang sabi pa nya at nabigla ako nang may ihagis syang isang dyaryo sa harapan ko then he spoke again in that sarcastic tone. "Good morning" Dahan-dahan naman akong napalingon sa dyaryo na yun at nagtatakang napatingin doon. Pero nang makita ko ang nasa front page... "f**k " I cussed. Mabilis kong pinulot yun at napatitig ng mabuti sa picture na nanduon. Hindi lang ako makapaniwala sa balitang nakikita ko ngayon. For a moment ay nakalimutan ko ang sakit ng ulo ko at napanganga sa nakita kong litrato na alam kong kinunan kagabi. I just heard Rapmon yawn and stretched saka sya naglakad paalis. "This is one of the reasons why you should never drink" he said habang naglalakad and then he stopped in front of the door at lumingon sa akin. "Oh by the way hyung. Just a piece of advice. Before getting out from this door, you should ready your headphones. Manager Han and Jin hyung just can't wait to see you. Wow. You should see the excitement from their eyes. Huh. Goodluck hyung. Swag~" Saka sya lumabas and I was left frozen from the bed. **************** And Rapmon was right. "ALAM MO BANG SOBRANG LAKI NG ESKANDALONG ITO HA?! KALAT NA KALAT NA ITO SA INTERNET AT MARAMING FANS ANG NAG-REACT DITO! FOR PETE'S SAKE! NAGLASING KA AT NANGHALIK NG ISANG MYEMBRO NG ISANG ROOKIE GIRL GROUP?! HAVE YOU COMPLETELY LOST YOUR MIND?!" ang simula ni Manager Han, ang manager namin sa pamungad na speech nya sa akin sa umagang ito. At nakikita ko rin sa sulok ng mga mata ko si Jin hyung na naka-cross arms sa isang sulok at mukhang kanina pa sya kating-kati na sumama din sa pag-uusap na ito. Pero pakiramdam ko ay magiging masaya na sya na maging pangalawang speaker ng mahaba-habang speech forum na ito. Mag-isa lang akong nakaupo sa mahabang sofa na nasa sala habang nasa harapan ko naman ang nagpupuyos sa galit na manager namin. Ang ibang ka-myembro ko naman ay nagtatago sa kani-kanilang kwarto. Ayaw lang siguro nilang masali sa galit ng manager namin. Saka ako napatingin uli sa dyaryo na nakabulagta sa kaharap kong glass table. At mula sa kinauupuan ko ay nababasa ko parin ang malalaking captions na nanduon. HOT ISSUE: BTS Suga revealed to be dating Black Muses Sujin. At ang pinaka-highlight ng balitang iyon ay ang picture namin ni Sujin na naghahalikan sa tabing kalsada. Puta. Hindi ko namamalayan na napasabunot nalang ako ng ulo ko at napayuko mula sa kinauupuan ko nang dahil sa laki ng eskandalo na ito. Hindi naman ang image ko ang iniisip ko ngayon. Kundi kung ano ang magiging reaksyon ng babaing yun kapag nakita nya ang picture na yun. Puta. Bakit ko pa ba sya iniisip kahit na alam kong wala na syang pakialam sa akin? Bakit iniisip ko parin ang mararamdaman nya? O may mararamdaman pa kaya sya kapag nakita nya yan? Na hinalikan ko ang isa sa mga ka-myembro nya? Puta. Min Yoongi, ano ba 'tong katarantaduhan na nagawa mo ha? Pakiramdam ko ay mas lalong sumasakit ang ulo ko nang dahil sa mga nangyayari ngayon. "Ngayon, paano mo lilinisin ang eskandalong ito ha?" ang tanong pa ni Manager Han sa medyo kalmado ng boses. Hindi ako makasagot. Tama. Ano ba ang dapat kong gawin para malinis ang eskandalong ito? My mind is full of s**t right now to think of anything else. Hindi pa nga natatapos ang sakit ng ulo ko sa babaing yun ay may dadagdag pa na bago? My life is really shitting on me. Nasa ganoon akong pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni J-hope. Sabay naman kaming napalingon ni Mr. Han dito at ang nakita namin ay si J-hope na mukhang natataranta at nagmamadaling lumabas doon. His eyes has lost its focus at halata sa mukha nya ang sobrang pag-aalala. Mukhang sa sobrang pagmamadali nya ay hindi nya kami napansin sa may sala at dire-diretso lang ang lakad nya papunta sa may pinto. "Where are you going?" ang biglang pigil sa kanya ni Manager Han. Agad naman syang napalingon sa amin and when he saw us ay nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya na para bang ngayon nya lang nalaman na nandoon kami. "O-oh..." ang sambit nya saka sya biglang napangiti. "A-aigoo...nandito pala kayo Manager...m-may...may pupuntahan lang ako" This time ay parehong nagsalubong ang kilay namin ni Mr. Han. Lalo na't halata sa mukha nya ang pagkataranta at parang nagmamadali talaga sya. "A-ah sige Manager" ang nagmamadali nyang sabi. "A-aalis na ako. M-may emergency lang eh. Bye!" Saka sya tumalikod at pinihit pabukas ang pinto ng apartment. Pero agad na akong tumayo at nagsalita. "Wait. Sasama ako" ang sabi ko saka naglakad papunta sa kanya. Doon naman agad nag-react si Mr. Han. "Min Yoongi, hindi pa tayo tapos----" Pero hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at agad ko ng itinulak palabas si J-hope kasama ako at isinara ang pinto. ******************* I just need to breathe. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng dahil sa laki ng eskandalong kinasasangkutan ko ngayon. Gusto ko lang mag-isip na wala ang galit na mukha ng manager namin at ang nanunuring mga mata ni Jin hyung kaya sumama ako ngayon kay J-hope. Ngayon ay nakasakay na kami sa kotse nya habang nagmamaneho sya at binabagtas na namin ang daan. Hindi ko rin alam kung saan sya pupunta pero wala na akong pakialam. Ang gusto ko lang ay makalabas sa nakakasakal na apartment na iyon. "Aigoo..." ang nakangiting sabi nya habang nagmamaneho. "Napagalitan ka na naman ba hyung ha? Aigoo..." Hindi ako lumingon. Nanatili lang akong nakasandig sa tabi nya habang kagat ang thumb ko at nakapatong sa may bintana ang siko ko. "Arasseo, arasseo" ang masayang sabi nya. "Hindi na kita tatanungin hyung. Pero...saan ka ba pupunta ngayon ha? May emergency lang kasi akong pupuntahan eh. Kaya ihahatid na kita---" "Just keep on driving" ang wala sa mood na putol ko sa kanya. Natahimik naman sya pero ilang segundo lang ay napangiti din sya. "Neh" ang masayang sabi nya saka nag-focus nalang sa pagda-drive. Hindi ko alam kung bakit naba-badtrip ako ngayon. Dahil ba yun sa issue na kinasasangkutan ko o dahil sa katabi ko na naman ang lalaking kasama na ng babaing yun? Nakakagago lang. Sa lahat ba naman kasi ng pwede kong samahan ay bakit si J-hope pa? For a moment ay pinagsisihan ko na sumama pa ako sa kanya. "Aigoo..." ang biglang sambit nya. "That girl...aish" Bigla akong napalingon sa kanya. At nakita kong bumalik na naman ang ekpresyon ng mukha nya na yun na may halong sobrang pag-aalala. That girl? Sino ba ang tinutukoy nya ha? Si Yuseon ba? At bakit sa nakikita kong ekspresyon ng mukha nya ay para bang may hindi magandang nangyari sa babaing yun? For a moment ay kinabahan ako. Gustong-gusto kong magtanong sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Tama. Ano ba ang pakialam ko sa babaing yun ha? Psh. Ano naman ngayon kung may nangyayaring masama sa kanya ngayon? Huh. I don't give a s**t. "Uh hyung" ang sabi na naman nya. "Pupunta ako ngayon ng JKL entertainment. Pupuntahan ko lang si Sunny kaya sabihin mo nalang kung saan ka bababa at ibababa nalang kita----" "Sasama ako" I cut him off saka ako agad na nag-iwas ng tingin. Tama. Wala akong pakialam sa kanya. Galit ako sa kanya kaya wala akong pakialam sa kung ano man ang nangyayari sa kanya ngayon. At sasama lang ako ngayon dahil... Dahil... D-dahil wala akong magawa ngayon. Tama. Dahil doon at wala ng iba. Mukhang nagtaka naman sya sa sagot ko kaya napalingon sya sa akin. "Ha? Sasama ka sa akin hyung?" ang takang tanong nya. "Pero baka---" "Wag ka ng magsalita at mag-drive ka nalang" ang hindi ko pa makatinging sagot. Ayoko lang na isipin nya na sasama ako dahil nag-aalala rin ako sa babaing yun. Psh. Ba't naman ako mag-aalala sa kanya? Huh. WALA AKONG PAKE SA KANYA. WALA! AS IN WALA! HAH! I HATE HER! "Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta kaya sasama nalang ako sayo" ang dagdag ko pa. Nasilip ng mga mata ko ang pagkurap nya. Pero agad din syang napangiti. "Oh, talaga hyung?" ang nakangiting sabi nya. "Aigoo...pero paano ba 'to ha? Baka hindi mo magustuhan ang makikita mo hyung...kaya ngayon palang, humihingi na ako ng paumanhin sayo" My brows met. Ano bang ibig sabihin nya doon ha? And because I'm dying of curiosity ay agad ko syang nilingon. "What do you mean?" ang takang tanong ko. But he just gave me that simple smile. At hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako sa simpleng ngiting iyon. **************** "Uh hyung. Okay lang kung magpaiwan ka nalang dito---" "Hindi. Sasama ako" ang mabilis kong sagot saka ini-unbuckle ang seatbelt ko. Saka ako napalingon sa kanya pero ang nagtatakang mukha nya na yun ang sumalubong sa paningin ko. Pero agad na akong nagsalita. "G-gusto ko lang..." ang sambit ko. "G-gusto ko l-lang makita k-kung a-ano ba ang itsura ng agency nila kaya sasama ako" He blink. Pero agad din syang ngumiti. "Oh? Talaga hyung?" ang nakangiting sabi nya. "A-ah sige, s –sige. Pero nagmamadali kasi talaga ako hyung kaya mauna na akong---" Pero hindi ko na sya pinatapos at nauna na akong lumabas ng kotse nya at napatingin sa malaking building na yun. "Aigoo..." ang nakangiting sabi nya saka lumabas din. "Tara" ang mabilis kong sabi saka nagpatiunang naglakad papasok. Nagtataka naman syang sumunod sa akin pero nasa lobby palang kami ay isang humahangos na babae ang mabilis na lumapit sa amin. Teka, namumukhaan ko 'to eh. Mukhang kasama ito ni Yuseon sa grupo nila. "Oppa!" ang mabilis na lapit nya kay J-hope at halatang sobrang nag-aalala sya. "Oppa! Bilisan mo! Nasa itaas si unnie!" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko nang makita ko ang ekspresyon ng mukha nya. She look so scared at agad ding bumaha ang ekpresyon na iyon sa mukha ni J-hope. "Saan?!" ang biglang naisigaw ni J-hope. And believe me, minsan ko lang makita ang emosyon na iyon sa mukha nya kaya mas kinabahan ako. "Nasa training room oppa!" ang sagot naman nung babae. Halos patakbong pumunta ng elevator ang dalawa at mabilis naman akong sumunod sa kanilang dalawa. Agad na bumukas ang elevator at pare-pareho kaming kinakabahan na pumasok doon. At habang nasa loob kami ay hindi mapakaling naglalakad-lakad sa loob ng elevator si J-hope. Saka sya napatingin sa akin at isang hilaw na ngiti lang ang naibigay nya sa akin. "Aigoo...hyung" ang nakangiting sabi nya. "...pasensya ka na kung kailangan mong makita 'to" My brows met. Ano ba talaga ang bagay na parang ayaw nyang ipakita sa akin ha? At bakit halatang kinakabahan sya? Pero bago pa man ako makapagtanong ay bumukas na ang elevator at tumatakbo silang lumabas ng babaing kasama namin. Mabilis naman akong sumunod sa kanila at patakbo ring humabol sa kanila. Pero malayo pa man lang kami ay naririnig ko na ang mga tunog ng mga nababasag na mga gamit na yun at huni ng mga nawawasak na mga bagay. And then they stopped from running in front of that room. And what I saw next stunned me and froze me from where I stood. to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD