Clifford Aiden's P. O. V Nagising ako sa sigaw ni Dale. "LOVE BIRDS GISENG! PUTANGINA BAKIT BA AKO NAMOMROBLEMA DITO! SIR AIDEN POT-- NAKAHUBAD KAYO!?" Agad kong tinakpan ng kumot si Farja na ngayon ay nasa ilalim ng unan ang ulo niya. Malamang ay inaantok pa pero ang ingay kase ni Dale. Sinamaan ko ng tingin si Dale na nakatakip ang mata. "What the hell happened again!?" inis kong tanong. "'Yung Dad mo sir! Nandito sa Pilipinas!" balisa niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko. "WHAT!?" I shouted. "Kailangan present ka do'n sa company niyo! May mga investors daw na taga Pilipinas kaya bumalik siya dito. Nabasa ko sa Email niya sa 'yo! Bumangon ka na!" sigaw ni Dale. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagsimulang mataranta. Agad akong tumayo at tumakbo sa banyo para maligo.