Chapter 19

1309 Words

Clifford Aiden's P. O. V Wala akong nagawa. Huli na ang lahat, wala na siyang tiwala sa akin. Hindi na niya ako pinapakinggan. "Alam kong alam mo kung saan talaga ako nakatira, baka naman pwedeng dalhin mo na ako doon," walang emosyon niyang sabi. Napa higpit ang kapit ko sa manibela at agad na niliko ang kotse patungo sa hotel na tinutuluyan namin. "A-aiden!?" "P-pwede bang bukas na lang? Farja- Isleen it's already midnight. I can't drive to baguio," sabi ko at nag park. "Baguio... Wala pa rin akong maalala," bakas ang lungkot sa boses ni Farja. Napayuko ako at pinatay ang makina ng sasakyan. Napuno ng katahimikan, galit na galit siya sa akin. Bigla siyang kumilos at binuksan ang pinto. Para akong tanga na nataranta. Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya. "Farja!" sigaw ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD