Trial and Error#2

887 Words
Nekoda's POV "No matter what they take from me! They can't take away my dignity...... Because of grea......test, love of all... yeah! It's easy to achieve...... I fou------ KODY?! BA'T MO PINATAY???!!!" Pinandilatan ko si Chemay. "Sabi ko magtipid ka ng kuryente di ba?!" Iniwan ko siya na nakasimangot pa. Pssh! Nakuha pang mag-videoke samantalang nasa angkan nga namin ang lahat ng tone deaf! Umalis ako sa sala at napatigil ako dahil sa taong nakatayo sa pinto. "Tita!"sigaw ni Chemay na nakita din si Mommy at nakipag-beso-beso. My socialite mother, Mrs. Feliciana 'Shana' Sales, looked stunning as ever. 'Pag pinagtabi kami, para lang kaming magkapatid. Pero dahil suki ng mga parlor at regular na kliyente ni Dra. Belo ang sosyalera kong nanay, mas maganda siya sa'kin ngayon. "Hello, Chemay!" bati ni Mommy na nakangiti. Well, lagi naman siyang nakangiti. "And hello to you, too, my most beautiful daughter!" Ako naman ang bineso-beso niya. Tabingi ang ngiti ko. Hindi ako papaloko sa ngiti ni Mommy dahil alam ko kung bakit siya pumasyal dito. "Eh malamang, 'My, ako lang naman ang anak mo di ba?" "Yeah, kaya ikaw lang talaga ang nagpapasakit ng maganda kong sintido." Hindi pa din nawawala ang ngiti niya pero nandidilat naman ang mga mata. I just grinned at binagsak ang sarili ko sa sofa. Balak ko sanang maglinis ng nabakanteng floors dito sa building ko pero dahil nandito ang pinakamamahal kong nanay, imposible na yun. "Anak naman! Kung kelan tumanda ka saka ka gumagawa ng mga kalokohan! Muntikan na 'kong mahimatay nang makita kitang kasama ng mga pulis sa TV. At nakakahiya kay Thorne Salvatore!" "Mommy! Ba't naman kayo mahihiya sa ungas na 'yon?" I love my mother, pero minsan talaga, gusto kong magtampo, simula bata pa lang kami kasi, si Salvatore na ang kinakampihan niya. Inaanak ni tito Ben---pangalawang asawa ni Mommy---si Salvatore. At lalong nadadagdagan ang inis ko sa lalakeng 'yon dahil doon. "Kody, hija, hindi naman niya kasalanan kung binawi ng bangko ang lupa mo di ba? Binili lang ng kompanya niya, and that's all about business!" "Nandon na 'ko, Mommy, pero ayaw man lang niya 'kong kausapin, gusto ko lang namang sabihin sa kanya na babayaran ko siya para mabawi ko 'to!" Hindi pa nga lang ngayon, tagilid pa ang savings ko, at wala din akong balak humingi mula sa mga magulang ko. Mahinhing umupo si Mommy sa one seater sofa na nasa tapat ko. "Tita merienda muna kayo!" singit ni Chemay na may dalang brownies at juice. "Oh! Thank you, Chemay!" nakangiting pasalamat niya at hinarap na ulit ako nang makaalis ang dakila kong pinsan at boarder. "That's impossible, Kody! Hindi mo na 'to mababawi, pinapa-alis ka na nga di ba? And your Tito Ben told me na naka-plano na ang gagawin dito once na ma-demolish 'to. Balak ng SGC na magtayo dito ng warehouse." Demolish?! Warehouse?! Napabangon ako sa narinig. Ginagalit talaga ako! "Yap. Kaya, anak, give it up. How 'bout sa bahay ka na lang tumira? Walang problema sa Tito Ben mo at matutuwa pa si Lola Marcianna!" Napasimangot ako sa sinabi niya. Mayaman si Tito Ben at kapitbahay niya si Salvatore! Ayoko ngang mahanginan ang balat ko ng hangin na umiikot sa exclusive subdivision na 'yon! Mamaya niyan, nahanginan din si Salvatore! Mahawa pa 'ko sa kasamaan niya! At si Lola Marcianna! Mommy siya ni Tito Ben, matriyarka ng pamilya Sales. Ni hindi nga niya matandaan ang pangalan ko, ewan, siguro dahil sa sobrang katandaan. Basta kapag pumapasyal ako sa mansyon nila, lage na lang tinatanong ni Lola ang pangalan ko. "Mark my words, Mommy, mababawi ko lahat ng akin. Kung kinakailangan kong gulpihin si Salvatore, gagawin ko!" "Nekoda Rose La Voie!" may pagbabanta sa tono niya. "Walang kasalanan iyong tao." Hmp! "Mommy, hayaan nyo na k'se ako." "Hayaan?! You're twenty-five pero puro ka pa din kalokohan! Sa susunod, hindi na 'ko makikiusap kay Thorne na iurong ang kaso sa'yo kapag pinakulong ka niya ulit. Ganoon ba ang sinasabi mong 'hayaan'?" I just pouted. Kaya nga hindi ako natakot nang inaresto ako ng pulis. Dahil alam kong hindi mapapahindian ni Salvatore si mommy. "Nekoda Rose, kapag may ginawa ka pang kalokohan... you'll see, ikakahon kita at ipapadala kita sa daddy mo sa France!" Psssh! Kapag ginawa niya 'yon, sigurado, hindi bubuksan ni Daddy ang kahon at ipapadala agad pabalik dito sa Pilipinas. Kaya nga sila naghiwalay, pareho nilang ayaw ng responsibilidad. Si Daddy, buhay-binata. Si Mommy, buhay-dalaga. Hindi naman ako galit sa kanila, twenty years na silang hiwalay. At kahit ganoon, umaakto pa din silang mga magulang. Katulad ngayon. Sigurado pag-alis ni Mommy, tatawagan niya si daddy at uutusang sermunan ako. Buti sana kung tagalog ang 'sermon', pero purong French si Daddy at wala akong naiintindihan, hindi naman kasi ako nagsikap na pag-aralan ang language na iyon. Hindi naman pwedeng hindi ako makinig, sa skype kasi siya nagsesermon. "Nakikinig ka ba sa'kin, Nekoda?" "Opo. At wag na kayong magalit,'my, nagpa-botox kayo di ba?" Biglang siyang bumalik sa pagkakangiti. At tumayo na mayamaya. "Remember what I've told you, anak. Welcome kang tumira sa bahay. Okay? I'm going, my date pa kami ni Ben." Hinalikan niya lang ako sa pisngi at umalis na. Si mommy talaga, walang katiwa-tiwala sa'kin, give it up daw? This is my haven! At kailangan akong kaladkarin ni Salvatore bago niya 'ko mapalayas dito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD