Our Childhood #1

948 Words
{ In third person's POV} "I heard you're a lawyer." Tiningala ng anim na taong gulang na bata na si Nekoda ang matandang lalake na naka-amerikana. "Yes, I am, kid." Nakangiting sagot ng ginoo at binalik na ulit ang pansin sa bandang tumutugtog para sa party na dinadaos sa malawak na bakuran ng mga Sales. "I'm filing physical abuse and oral defamation against Thorne Salvatore." Itinuro niya ang sampung taong gulang na batang lalake na masayang nakikipaghabulan sa ibang mga bata. Tumawa lang ang matandang abogado at tuluyan siyang hinarap. "You're a smart kid, you know. Pero away bata lang yan, hindi pa tatanggapin ng korte, why don't you join those kids instead?" "But I'm serious!!!" nanggigigil na sagot ng bata at hinigpitan ang pagkakayakap sa teddy bear. "Of course you are." Pero wala na ang pansin ng matanda sa kanya kundi nasa banda na ulit at sinasabayan pa ang tugtog ng pagkumpas ng kamay. Kukulbitin sana niya ulit ito pero nakalapit na ang kanyang inang si Mrs. Shana Sales. "Kody! Oh, I'm sorry about my daughter Atty. Cruz, is she bothering you?" nakangiting tanong ni Shana Sales habang hinawakan sa kamay ang batang si Kody. "No, not at all." "Are you enjoying the party?" "Of course, of course." Hindi na pinakinggan ni Kody ang pag-uusap ng dalawa at mabilis na kumalas sa pagkakahawak ng ina. Tumakbo siya papunta sa likod ng mga halaman na pinagtataguan ni Thorne at sinabunutan ito. Nakaupo si Thorne kaya kahit matangkad ito ay naabot niya ang buhok nito. "Aaaahhh! Get off me, you pumpkin Kody!" sigaw nito habang kumakawala sa sabunot. "This is for bullying me at school! For throwing my toys! For always pinching my cheeks! And for insulting me, you troll!" Ang tenga naman nito ang hinila niya at mariing kinagat. "Aaaaahhh!" Hinagip ng batang si Thorne ang dalawang kamay ni Kody palayo sa ulo niya. "Okay, I'm sorry, little pumpkin." "I'm not a pumpkin!" "I'm sorry, little Kody." seryosong sabi ni Thorne pero hindi makakaila ang pilyong kislap sa mga mata. Natigil naman sa pagwawala si Kody at tiningala ang kababata. " T-talaga? Y-You're sorry na?" "Yes. I'm sorry. Bati na tayo?" Ngingiti na sana si Kody pero nakurot na agad siya ni Thorne sa dalawang pisngi nang madiin. Nangibabaw sa ginaganap na party ang tili ng batang si Kody at pilit na inaabot si Thorne. "Waaaaaaah!" "Cute Kody, cute as a pumpkin!" tumawa pa si Thorne at lalong diniinan ang pagkurot sa pisngi niya. "Mommy! Mommy! Waaaaaah!" Namumula na ang pisngi ni Kody nang bitiwan siya ni Thorne at mabilis na tumakbo palayo. Hinabol niya ito nang mabilis sa gitna ng maraming tao. Hindi alintana ang babaeng nabunggo at napatihaya sa lupa o ang waiter na nagse-serve ng drinks na nawalan ng balanse at tuluyang natapon ang daladala sa ilang guests. "Come and get me, pumpkin Kody!" sigaw ni Thorne at tumalon-talon sa mga nakapasong halaman. I'll do that then I'll crash your face, Salvatore! Humihingal na si Kody at dahil alam niyang hindi niya maabutan ang bilis ni Thorne ay hinubad niya ang isang sapatos niya at binato sa direksyon nito. Pero sa halip na masapol ay ang chocolate fountain na nasa gitna ng buffet table ang natamaan ng sapatos. Ilang guest ang napasigaw at tumigil na din sa pagtugtog ang banda. Nakita ni Kody na hinahabol na siya ng Mommy at ng Tito Ben niya kaya binilisan niya lalo ang pagtakbo. Hinubad niya ang isa pang sapatos at binato kay Thorne na mabilis na umilag. Ang sunod naman niyang binato ay ang paboritong teddy bear na pasalong niyakap ni Thorne. At bago pa siya makapunta sa kinatatayuan nito ay may bumuhat na sa kanya at nilayo sa party. ******************** Bumuntong-hininga ang batang si Kody at pinag-krus ang mga braso. Nakaupo siya sa gitna ng kama niya na kulay pink. At kanina pa tinitingnan ang ina na pabalik-balik na naglalakad sa harap niya. Alam naman niyang hindi siya papaluin nito at pagsasabihan lang siya nito sa pinaka-malumanay na tono na ang mommy niya lang ang makakagawa. Pero hanggang doon lang ang kabaitan ng mommy niya dahil alam niyang grounded siya sa bahay ng isang linggo, bawal manuod ng TV, mag-internet at maglaro. Bibliya lang ang kaharap niya dapat at kung papalag siya, pader ang ka-face-to-face niya maghapon. "Kody, bakit ba ganon na lang ang galit mo kay Thorne? Huh?" umupo si Shana sa harap ng anak para makapantay ito. "Mommy, I told you, he's a bully!" "Anak! Walang ganoong ka-gwapong bata na bully! And he's ten years old, old enough para hindi na patulan sa kakulitan mo." Pinigilan ng batang si Kody na iikot ang mata dahil baka madagdagan lalo ang araw ng pagka-grounded niya. " 'My, ayaw ka kasing maniwala sa 'kin." then she pouted. "I know that kid, he's aloof and silent most of the time kaya ka lang pinapatulan dahil ikaw ang nauuna." "Of course not!" "No argue, Nekoda Rose, you're grounded for the whole week. At matulog ka na at wag ka ng bumalik sa party." "But Mom---" "No buts. I'm going back to the party and you sleep now, okay?" binigyan siya ng mommy niya ng matunog na halik sa pisngi at lumabas ng kwarto niya. Mayamaya ay may narinig siyang kumaluskos sa labas ng bintana ng kwarto at nasundan iyon ng mahinang sipol. Mabilis siyang lumapit sa bintana, hinila ang bangko at inakyat ang maliit na katawan doon para makita ang nasa baba. "Hello, pumpkin!" Nasa ilalim ng puno si Thorne at nakangiting kumakaway sa kanya. Inirapan niya lang ito at aalis na sana sa bintana nang mapansin ang pabioritong teddy bear na nakatali ng pabaligtad sa puno. "Aaaaaaah! Thorne Salvatore!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD