Chapter 7

1244 Words
NAPANGITI si Alaina nang pagdating niya sa staircase ay nakaupo na sa isang baitang si Randall at nakaunat ang mga binti. Iyon ang ikatlong umaga na nagkikita sila roon ng lalaki. Hindi tulad noong una ay may suot na itong open-collared shirt. Siya naman ay may bitbit nang kape pagpunta niya roon.             “Good morning,” masiglang bati niya at lumapit dito.             Napatingin sa kaniya si Randall. Hindi ngumiti ang lalaki pero tumango naman at bahagyang nagkabuhay ang mga mata. Kinuha nito mula sa kaniya ang inabot niyang tasa ng kape. Pagkatapos ay umupo siya sa tabi nito pero siniguro pa rin niya na malaki ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Nangako siya na hindi tatawirin ang distansyang iyon hangga’t hindi niya nakikita ang ngiti ni Randall. At sa totoo lang, ang araw-araw na pagtatangka niyang mapangiti ang lalaki ang nagbigay ng bagong kulay sa pananatili niya sa Jumeirah Islands. Kahit tuloy hindi naman siya lumalabas sa mansiyon ng mga Qasim hindi na siya naiinip.             “Weekend na. Ganitong bakasyon lang ba talaga ang ginagawa mo? Nasa bahay lang maghapon at gumagawa ng assignments sa library?” tanong ni Alaina.             Bahagyang umangat ang mga kilay ni Randall. Sa loob ng ilang araw iyon pa lamang at ang bahagyang buhay sa mga mata nito ang nakikita niyang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ng lalaki. “Do you really think what I am doing everyday are just school work?”             “Hindi ba?” takang tanong niya.             “No. I’m doing paperworks for the family business.”             Napaawang ang mga labi ni Alaina sa pagkamangha. “Tumutulong ka na sa negosyo ng pamilya mo kahit bata ka pa?”             “I have been exposed to the family business for as long as I can remember. I started my training when I was thirteen. It’s all for the future, when I am the head of my family’s Oil Empire.”   Kaya naman pala parang matanda na umakto at magsalita si Randall. Dahil mukhang hindi nito naranasan paano maging bata. Hindi ito binigyan ng pagkakataon ng mga magulang nito at ng katayuan nito sa buhay. Somehow, the realization made her sad. “You should have fun once in a while. Akala ko mas masuwerte ang mayayaman dahil puwede nilang gawin ang lahat ng bagay. Pero hindi pala,” nausal ni Alaina. Huminga siya ng malalim at nag-inat. “Mas masuwerte kaming mga simpleng tao. We can be happy through simple things. At para sa akin mas mahalaga kaysa sa kayamanan ang kaligayahan.” Pinakatitigan siya ni Randall. “Who said I don’t do anything for fun?” Sinalubong ni Alaina ng tingin ang mga mata ng lalaki. “Sige nga, ano ang mga ginawa mo to have fun? Pupusta ako na ni hindi mo pa nalilibot ang Jumeirah Islands. Sayang. Ang sabi pa naman sa mga magazine magaganda daw ang amenities dito.” “What I do for fun is not for an innocent young girl like you,” sagot ni Randall sa makahulugang tinig na nagpainit sa mukha niya. Parang nahuhulaan na niya ang fun na tinutukoy nito. “Hindi ganoong fun dapat ang ginagawa mo! Bata ka pa rin ‘no. D-dapat gawin mo iyan kapag mas matanda ka na,” sabi ni Alaina. Umangat ang mga kilay ni Randall. “What are you thinking exactly?” Lalong uminit ang mukha niya at hindi magawang makapagsalita. Paano niya isasatinig ang nasa isip niya ng basta-basta? Napaiwas na lang tuloy siya ng tingin. “Nothing.” Tahimik na silang dalawa pagkatapos niyon at pinanood na lamang ang sunrise. Nang tumayo si Randall nakaramdam ng pagkadismaya si Alaina. Alam kasi niya na tapos na ang sandali nilang magkasama. Hindi na naman niya makikita maghapon ang lalaki. Hindi naman niya puwedeng sabihin dito na manatili pa ng mas matagal dahil wala siyang karapatan. Pero kasi, sa lugar na iyon si Randall ang pinakamalapit sa edad niya kaya mas gusto niya itong kausap kaysa sa mga kapwa niya helpers doon. At least, iyon ang idinadahilan niya sa sarili kapag nakakaramdam siya ng lungkot kapag hindi niya nakikita ang lalaki ng matagal. “Do you really want to tour around Jumeirah Islands that badly?” biglang tanong ni Randall. Napatingala si Alaina rito at tumango. “Oo naman. Sayang ang pagkakataong malibot ang isa sa pinakamagandang residential location sa mundo. Pero alam ko na imposible kaya okay lang din naman. Bakit mo naitanong?” “Hmm,” tanging usal ni Randall bago tumango at tumalikod na sa kaniya. Takang napasunod na lang siya ng tingin sa lalaki.   KATATAPOS lamang ng almusal kinabukasan at nasa kusina si Ma’am Yolly dahil nagbibilin ito kina Alaina para sa ihahandang tanghalian at hapunan nang biglang sumulpot doon si Randall kasunod ang dalawang bodyguard nito. Nagulat ang lahat at natahimik. Si Alaina ay sumikdo ang puso at namilog ang mga mata habang nakatitig sa lalaki. “Master Randall, what a surprise. Why are you here in the kitchen?” gulat na basag ni Yolly sa katahimikan. “I’m going out. You don’t have to prepare lunch for me,” sabi ni Randall. Pagkatapos ay tumingin kay Alaina ang binata at itinuro siya. “I’ll bring that girl with me.” Napatingin sa kaniya ang papa niya, ang mayordoma at si Rosy. Nahigit niya ang paghinga at umawang ang mga labing napatitig kay Randall. “A-ako?” usal niya. Itinuro pa niya ang sarili dahil hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ng lalaki. “Let’s go,” sabi lang ni Randall at tumalikod na. Hindi pa rin natinag sa kinatatayuan niya si Alaina. “Ano pang ginagawa mo, Alaina? Sumunod ka na sa kaniya. Baka magalit siya kapag mabagal ka kumilos,” sabi ni Yolly kahit na naging matiim ang tingin nito sa kaniya. Malakas ang pakiramdam niya naghihinala na ang mayordoma sa biglang pagtawag sa kaniya ni Randall.  “Opo,” sabi na lang niya dahil hindi na niya kayang salubungin ang tingin na ipinupukol sa kaniya ng matandang babae. Mabilis siyang lumabas ng kusina upang sumunod kina Randall na nakita niyang lumabas ng front door. Nang makalabas na rin si Alaina sa front door ay napasinghap siya nang makitang nakabukas ang pinto ng limousine at nakatayo sa gilid niyon si Salem na tila hinihintay siya. Lumapit siya at sumilip sa loob ng sasakyan. Nakita niyang nakapuwesto na sa loob si Randall. “Get in,” utos sa kaniya ng lalaki. Nagtataka pa rin na tumalima si Alaina. “Saan tayo pupunta?” tanong niya nang nakaupo na siya sa tabi nito at naisara na ni Salem ang pinto. “Just around,” tipid na sagot ni Randall. Nagsimulang umandar ang sasakyan ngunit nakatitig pa rin siya sa mukha nito. “Just around? As in around Jumeirah Islands?” paniniyak ni Alaina. Hindi inalis ni Randall ang tingin sa mukha niya na para bang pinagmamasdan ang reaksiyon niya. “Yes. You said you want to tour around the Islands. So we’re going to do it.” Namilog ang mga mata niya. Pagkatapos ay natawa na siya sa labis na galak. “Talaga?” “Yes. I have free time today.” Muntik na niyang mayakap si Randall sa labis na tuwa pero napigilan niya ang sarili niya sa pamamagitan ng pagkapit sa backrest. “Salamat,” usal niya at ubod tamis na ngumiti.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD