MAKALIPAS ang labing limang minuto nasa harap na uli ng library door si Alaina. May bitbit na siyang tray ng umuusok na kape. Sumulyap muna siya sa dalawang lalaking nakatayo pa rin sa magkabilang gilid ng pinto bago siya kumatok.
“Enter.”
Huminga ng malalim si Alaina bago pinihit pabukas ang pinto at pumasok sa library. Agad na nakita niya si Randall na tutok na ang atensiyon sa laptop na nasa lamesa. Ni hindi bumaling sa kaniya ang lalaki. Maingat na naglakad siya palapit bitbit ang tray at saka tumikhim nang isang metro na lang ang layo niya mula sa binata.
“Your coffee,” sabi niya at maingat na inilapag ang tasa ng kape sa lamesa.
Nag-angat ng tingin si Randall at nagtama ang kanilang mga mata. “You are part of the kitchen staff. What were you doing in the second floor this morning?” biglang tanong nito.
Umawang ang mga labi ni Alaina sa pagkabigla bago nahamig ang sarili at muling tumikhim. “Ahm… morning walk,” palusot niya.
Bahagyang umangat ang mga kilay ni Randall subalit bukod doon wala nang nagbago sa ekspresyon nito. “Try again.”
Napangiwi si Alaina at niyakap sa dibdib niya ang tray. “You’re not going to get angry?” maingat na tanong niya. Naging matiim ang titig ni Randall sa kaniya at nakaramdam siya ng takot. Napaiwas siya ng tingin. “Magagalit ka eh,” bulong niya sa sarili. May palagay siya na sobrang nakakatakot ang lalaki kapag nagalit. “Baka tanggalin niya si papa sa trabaho dahil sa akin,” nakangiwing bulong pa rin niya.
“That will depend on your answer,” biglang sabi ni Randall.
Nanlaki ang mga mata niya at muling napatingin sa lalaki. Nakasandal na ito sa leather couch at nakahalukipkip habang seryosong nakatingin sa kaniya. “N-nakakaintindi ka ng tagalog?” alanganing tanong niya.
Tumiim ang mga bagang ni Randall at biglang tumayo. He looked down at her arrogantly. “I am the master and you are my servant. You only have to say what I want to hear. You don’t have the right to ask me any question. Do you understand?”
Tumiim ang mga labi ni Alaina dahil walang kahirap-hirap na nailagay siya nito sa lugar niya. Sabagay totoo naman. Masyado lang siyang nasabik na malamang nakakaintindi ng tagalog ang lalaki. Humakbang siya paatras at umayos ng tayo. “Yes, Master Randall,” sagot na lang niya.
Hindi tuminag ang lalaki sa pagkakatayo at sa pagkakatitig sa kaniya na parang may hinihintay. Napakurap si Alaina nang maalala ang tinatanong nito sa kaniya. “I just want to look around inside the mansion before everyone wakes up. Kaya ako nasa ikalawang palapag. But I swear I didn’t touch anything!”
Sinalubong niya ang titig ni Randall upang ipakita rito na nagsasabi siya ng totoo. Ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin at bumalik sa pagkakaupo. Ni hindi man lang sinabi kung naniwala ito sa kaniya o hindi, basta na lang itinutok ang atensiyon sa kung ano mang ginagawa nito sa laptop bago dumating si Alaina dala ang tasa ng kape. Muli siyang tumikhim. “Then I’ll go now.”
“Stay until I finish drinking the coffee,” hindi tumitinging pigil sa kaniya ni Randall.
Napamaang si Alaina sa binata at nanatili na lamang sa kinatatayuan niya. “Okay.” Sandaling tumipa sa laptop ang lalaki bago inabot ang tasa at sumimsim ng kape. Umalerto siya nang mapansing natigilan si Randall at napatingin sa tasa matapos matikman iyon. Nakaramdam siya ng antisipasyon at bahagyang humilig paharap upang lalong matingnan ang mukha nito. “Masarap?” tanong niya.
Napatingin sa kaniya si Randall. Sa pagkakataong iyon ay nakita ni Alaina na hindi na kasing lamig ang mga mata nito kaysa kanina. Hindi nga lang din mainit. Ngumiti siya at hinintay ang sagot ng lalaki. Inalis nito ang tingin sa kaniya at muling sumimsim bago inilapag ang tasa at nagsalita, “It will do.”
Tumamis ang ngiti ni Alaina. Ayos na sa kaniya ang sagot na iyon. Tahimik na pinagmasdan na lamang niya si Randall habang abala sa ginagawa nito. School assignments ba ang mga iyon? Ang kakapal ng mga papeles at folder sa lamesa. Grabe naman magbigay ng assignment ang pinapasukang eskuwelahan ng lalaki. Kolehiyo na kaya si Randall o senior high school? Sa pinapasukan kasi niya may mga kaklase siya na mukha nang mga matatanda pero teenager pa rin. Iba-iba kasing mga lahi at likas na maliit kaysa sa mga iyon si Alaina. Ganoon din kaya ang lalaki?
Napagtanto niya na masyado siyang curious tungkol kay Randall. Hindi lang dahil ang lalaki ang “master” sa mansiyon na iyon. Hindi lang dahil ito ang pinaka-magandang lalaki na nakita niya sa buong buhay niya. Hindi masyado maipaliwanag ni Alaina, subalit may kung ano kay Randall na humahatak sa kaniya. Gusto niyang makitang magkaroon ng emosyon ang mukha nito. Gusto niyang makitang ngumiti ang lalaki. But she also knew that she must not cross the line of their employer-employee relationship. Hindi siya ganoon ka-naïve para isipin na posibleng matibag ang relasyon na iyon.
Napakurap si Alaina nang muling ilapag ni Randall ang tasa sa lamesa. Wala ng laman iyon. Kinuha niya iyon at ibinalik sa hawak niyang tray. “Then, I will go now, Master Randall,” paalam niya.
Hindi tumitingin na tumango si Randall. Pasimpleng huminga ng malalim si Alaina bago tumalikod at lumapit sa pinto. Napihit na niya iyon pabukas at lalabas na nang hindi siya makatiis at muling lumingon. Sumikdo ang puso niya at muntik na mabitawan ang tray na hawak niya nang makitang nakatingin sa kaniya si Randall. Saglit na nakita niyang kumislap din sa pagkagulat ang mga mata ng lalaki subalit agad ding nawala iyon. Kumunot ang noo nito.
“What are you still doing there? Get out,” yamot na sabi ng lalaki.
Napakurap si Alaina at mabilis na binawi ang tingin. “Sorry,” usal niya bago tuluyang lumabas ng library. Pagkapinid ng pinto napasandal siya roon at napabuga ng hangin. Bakit ang bilis ng t***k ng puso niya? Sigurado siya na hindi iyon dahil sa takot. Pero hindi rin naman niya maipaliwanag kung para saan iyon.
Ilang sandali pa siya nanatili roon bago siya nakarinig ng tikhim. Nang tumingala si Alaina napansin niya na nakatingin na sa kaniya ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid ng pinto. Napaderetso siya ng tayo at ngumiti. “I’m going now. You two… do you want anything to drink?” alok niya.
Nagkatinginan ang dalawa bago muling tumingin sa kaniya at sabay na umiling. “Why are you standing outside the door?” takang tanong niya dahil kanina pa niya iyon gusto malaman.
“We are Master Randall’s bodyguard,” sabi ng isa sa matigas na accent.
Kumunot ang noon ni Alaina. “You still need to guard him even if he’s inside his own house?”
Bago pa may makasagot sa dalawa napaigtad na siya sa boses na nagmula sa loob ng pinto. “Salem, tell the girl outside to go away.”
Tumikhim ang lalaki na mukhang si Salem. “Yes, Master.” Pagkatapos sumenyas sa kaniya ang bodyguard na umalis na.
“Fine,” pasukong sagot ni Alaina at naglakad na palayo.