Chapter 9: Lola Sasing

1826 Words
"Oh my gosh! Rose, your ring is so beautiful, where did you get it?" tanong ni Tanya na isa sa mga kaklase ko sa subject ni Uncle Wade. "Bigay ng manliligaw ko," mayabang kong saad sa kanya. "Wow ang swerte mo naman dyan sa manliligaw mo," saad ni Tanya. "I know, right! akala ko nga magpo-propose na siya sa akin eh, pero promise ring pa lang daw muna ito at saka hindi pa kasi ako ready, you know, study first diba?" maarteng saad ko kay Tanya, sinasadya ko iyon para maasar pa lalo si Uncle Wade at hayan na nga at nakatingin na ng masama sa direksyon ko. Nagpalumbaba ako kung saan kitang kita niya ang sing-sing habang nagtururo siya, bagama't naaasar ay pinipilit niyang magturo ng maayos habang ako ay nakangiti lang. "Give me back the ring or pay me one million, Rosenda!" pagbabanta niya. Nasa parking lot na kami ngayon ng school at pa-uwi na sana ako ng harangin ako ni Uncle Wade. "Eh ayaw nga maalis Uncle, at saka wala akong one million," saad ko sa kanya na kunyaring namo-mroblema "Damn it, sige kung hindi mo aalisin iyan, sumama ka sa akin. I'm f*****g desperate because of that Rosenda," saad ni Uncle Wade. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. "Basta, pumasok ka sa loob ng kotse ko," saad niya na ginawa ko naman. Pagpasok ko ay lumingon-lingon ako sa paligid. It was my first time inside Uncle Wade's car at napakalinis niya sa gamit hindi katulad ko na burara at kung saan-saan na lang inilalagay ang mga gamit at napaka bango sa loob ng kotse niya. Uminom siya ng mineral water habang nagmamaneho na palayo sa school. "Magho-hotel ba tayo Uncle? Alam mo naman, I'm always ready. I don't have panties now," saad ko na siyang kinagulat niya at naibuga niya ang iniinom niyang tubig. "Tangina," pagmumura niya kung kaya't hinagod-hagod ko ang likod niya upang hindi na siya masamid ngunit inalis niya ang kamay ko. "Tigilan mo nga ako Rosenda," saad niya na naiinis. "Eh saan ba kasi tayo pupunta?" pangungulit ko pa sa kanya. "Pretend that you're my girlfriend, ngayong gabi lang. Please? this night is very special to me," mahinahong saad niya sa akin. "Okay," seryosong saad ko dahil mukhang hindi siya nagbibiro. "Kay Halle kasi yan dapat eh, pakialamera ka kasi eh," saad niya na naiinis ulit. "Sino ba kasi yang Halle na iyan? Nakakapang selos!" tanong ko sa kanya. "My longtime girlfriend," saad ni Uncle Wade. "Tibay mo rin eh noh, iba-iba dinadala mo sa Bar ko pero mayroon ka pa lang long time girlfriend, buti hindi ka nahuhuling damuho ka," saad ko sa kanya. "Eh sino kasi may sabi sayong isuot mo iyan?! Edi sana kung nabigay ko sa kanya yan ngayong gabi, siya sana ang kasama ko at hindi ikaw, ginusto mo iyan eh kaya sasama ka sa akin sa ayaw at sa gusto mo!" saad niya na naiinis at humihigpit ang hawak sa manibela. "Susumbong kita kay Daddy," saad ko sa kanya. "Samahan pa kita eh," saad niya sabay irap. Napaka suplado talaga. Habang nagmamaneho si Uncle Wade ay inobserbahan ko ang lugar, papasok kami sa isang squatters area. "Oh my god, Uncle, nasaan na tayo?! Natatakot ako, baka ipa-salvage mo ako, saang lugar ito? Nakakatakot yung mga tambay," saad ko dahil nakakatakot talaga at ang daming batang gusgusin na nagkalat sa kalsada. "Rosenda, relax, hindi ko naman alam na ngayon ka pa lang makakapunta dito sa Tondo, ganyan talaga ang mga tao dito," saad ni Uncle Wade. "Uncle, uwi na tayo ayoko na wag mo ako ipapa-salvage! parang awa mo na! Ayoko pang mamatay, hindi pa ako nagkaka-boyfriend, virgin pa ako, ang mahal mahal pa ng mga skincare ko at mga designer clothes ko at spoiled na spoiled pa ako kay Daddy," saad ko sa kanya. "Shut up you crazy woman, ang dami dami mong sinasabi, bumaba ka na, nandito na tayo," utos niya ngunit hindi ko siya sinusunod. "Ayoko!" pagpupumilit ko ngunit bumaba na siya ng kotse at binuksan ang pinto kung saan ako naka-upo. "Bababa ka o iiwan kita dito?! sige ka, maraming sira ulo dito," saad niya na para bang nananakot. "Boss, ganda niyang kasama mo ah," saad ng isang tambay na lalaki na walang t-shirt at maraming tattoo sa katawan. "Oo, girlfriend ko nga pala," saad ni Uncle Wade doon sa kakilala niyang tambay. Natakot ako sa tingin nung tambay sa akin kung kaya't sumama na ako kay Uncle Wade. Hinigit niya naman ako sa baywang ngunit inalis ko ang kamay niya, nahalata niya namang nailang ako kung kaya't hinawakan niya na lang ang kamay ko. "Do not let go of my hand, alright?" saad niya sa akin at tumango na lang ako. "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang dumadaan kami sa isang masikip na eskinita. "Basta, sumunod ka lang sa akin," saad niya. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay habang nakayuko dahil pinagtitinginan kami ng mga nakatambay sa paligid. The usual squatters area ang makikita sa buong lugar. Mga batang madudungis na naghahabulan at masayang naglalaro, mga housewife na naglalaba at nagluluto, at mga padre de pamilya na ang iba ay tambay habang ang iba naman ay nangangarpintero at nag-aayos ng kani-kanilang bahay. Payak na pamumuhay ang naroon. Habang naglalakad kami ay nadaanan namin ang mga grupo ng kalalakihan na umiinom sa gilid ng kalsada. "Boss, shot muna!" saad nung isang tambay na lasing kay Uncle Wade habang inaabutan ito ng alak. Mukhang kilala ni Uncle Wade ang mga tao dito. Inabot ni Uncle Wade ang tagay at nilagok ng straight at saka nagtanong, "Si Lola Sasing nandyan?" "Ah, Oo kanina ka pa hinihintay, uy, ganda ng chicka babes mo ah," saad nung tambay sabag tingin sa akin, nahiya ako kung kaya't yumuko lang ako. "Syempre naman Marco, ako pa ba?" mayabang na saad ni Uncle doon sa Marco daw na nag abot sa kanya ng tagay. "Kaya idol kita Boss eh," saad nito sabay tapik sa balikat ni Uncle. Iyon lang at dumiretso na kami sa paglakad at huminto sa isang maliit na bahay na naroon, inalalayan ako ni Uncle Wade sa pagpasok. "Oh Apo, kaawaan ka ng Diyos," saad ng isang matanda na lumapit sa amin, medyo kamukha siya ni Uncle Wade. Lola niya sigurong tunay ito. Nagmano siya rito at niyakap ng mahigpit ang matanda. "Siya nga pala Lola, this is Rosenda, nobya ko ho," saad ni Uncle Wade sa lola niya na siyang kina-kilig ng p***y ko dahil pinakilala niya akong nobya niya daw, "Rosenda, si Lola Sasing ko nga pala," "Kinagagalak ko ho kayong makilala Lola Sasing," saad ko sabay mano. "Aba'y siya na ba ang papakasalan mo Apo? napaka gandang dalaga," saad ni Lola Sasing. "Salamat po Lola," saad ko sabay ngiti. "Are pasok kayo mga Apo at umupo, pagpasensyahan niyo na ang bahay ko at maliit lamang at napaka-sikip, ako na lang kasi ang nakatira dito," saad ni Lola Sasing. "Kailan ang kasal?" tanong ni Lola Sasing, napalunok naman ako sa taning na iyon. Damn it. This ring is really an engagement ring. "Hindi pa po namin napag-uusapan Lola ngunit sinisigurado ko ho na nandoon kayo sa espesyal na araw na iyon," saad ni Uncle Wade. "Are na ang hapunan mga Apo, nagluto ako ng sinigang na ribs yung paborito mo," saad ni Lola Sasing kay Uncle Wade sabay handa ng kanin at ulam na sinigang sa hapag kainan. "Oh Hija, kumakain ka ba ng sinigang?" tanong nito sa akin. "Opo Lola nagutom nga po ako sa amoy," saad ko na nakangiti pa rin. Hindi ako nagbibiro this time dahil bukod sa gutom na ako ay hindi ko naman akalain na dito pala ako dadalhin ni Uncle Wade, wala naman kasi siyang pasabi na meet the relatives na pala ito, jusmiyo, pakiramdam ko ay inilagay ko ang sarili ko sa alanganin. Kumain kami ng tahimik. "Oh, kain ng kain ah, maraming kanin," saad ni Lola Sasing. "Sige ho, kanin pa po ako Lola, ang sarap po ng luto ninyo" masayang saad ko sabay abot ng plato ko kay lola Sasing. Pinandilatan naman ako ng mata ni Uncle Wade. "Hoy ang kapal ng mukha mo, patay gutom ka ba? Lola ko iyan," saad niya sa akin ng pabulong. "Eh bakit ba? gutom ako Uncle!" saad ko rin sa kanya ng pabulong ngunit paangil. "Salamat naman at nagustuhan mo ang luto ko Hija, nakakatuwa ka naman," saad ni Lola Sasing na nakangiti kung kaya't ngumiti din ako ng ilagay niya na ang kanin sa plato at sinimulan ko na ulit kumain. Pagkatapos non ay na-upo kami ni Lola Sasing sa maliit na sofa at kinuha niya ang isang photo album. Ipinakita niya sa akin ang mga lumang pictures ni Uncle Wade noong maliit pa ito. Habang si Uncle Wade naman ay naiinis lang sa gilid at sinasamaan ako ng tingin. Dinilaan ko lang siya habang nagtatawanan kami ni Lola Sasing sa mga lumang pictures niya. "Mauuna na ho kami Lola, siya nga pala ito po oh, kaunting tulong, bumili kayo ng gamot ninyo at iba pang kailangan ninyo dito sa bahay," saad ni Uncle Wade kay Lola Sasing sabay abot ng isang makapal na kulay puting parihaba na envelope. "Naku, sobra-sobra na ito Apo, hindi pa nga ubos yung binigay mo sa akin ng nakaraan," saad ni Lola Sasing na akmang ibabalik ang envelope ngunit hinawakan ko ang kanyang magkabilang kamay. "Tanggapin niyo ho iyan Lola, pinaghirapan po iyan ni Wade, para sa inyo po mahal na mahal po kayo ni Wade," saad ko sabay ngiti. Maluha-luhang niyakap ako ni Lola Sasing. "Maraming salamat sa inyo mga Apo," saad niya sa amin. "Una na ho kami Lola, salamat po sa hapunan," saad ni Uncle Wade at nagpaalam na. Nang makabalik kami sa kotse ay tahimik na nagmaneho si Uncle Wade. "Uncle, bakit nandoon si Lola Sasing? Bakit hindi mo na lang siya ikuha ng mas maayos na apartment, hindi ba't may iba ka pang negosyo? kawawa naman kasi si Lola doon," tanong ko kay Uncle Wade. "Ilang beses ko na siyang inalok, ayaw niya eh kumportable daw siya doon, buti nga pumapayag siya na dumalaw lang ako at mag-abot ng pera sa kanya, katuwiran niya ay hindi daw siya malungkot dahil naroon ang ala-ala ng lolo ko," saad ni Uncle. "Teka, tangina, bakit ba ako nagpapaliwanag sayo?" saad niya ulit ng ma-realize niya ang pinagsasasabi. "Awts, true love iyon, kahit wala na ang isang tao, basta maalala mo siya, gumagaan ang pakiramdam mo, kailan kaya ako makakatagpo ng ganoong klase ng pagmamahal?" tanong ko sa sarili ko. "Walang magmamahal sayo ng ganoon Rosenda. Asa ka pa, sa arte mong iyan!" saad niya. "Letse ka, pag itong sing-sing natanggal ko sa daliri ko ipapakain ko to sayo!" saad ko sa kanya. "About this Rosenda, wag mo na lang sabihin kay Kuya ang mga nangyaring ito. Wala kang pakialam sa buhay ko. Tandaan mo iyan," saad niya sa akin sa seryosong tono.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD