Chapter 8: Diamond Ring

1188 Words
ROSENDA'S POV: Nagising ako sa kulog at kidlat na narinig ko, sobrang lakas ng ulan sa labas. Naiyak ako dahil ang dilim at parang walang ilaw, mukhang brown-out yata. Kinapa-kapa ko ang cellphone ko ngunit hindi ko iyon makita. Black-out talaga. Bad timing naman, kung kailan wala si Daddy saka pa nangyari ito. Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto ko. "Uncle Wade, tulong!" sigaw ko ngunit walang Uncle Wade na sumasagot sa akin kung kaya't gumapang ako palabas ng kwarto dahil takot na takot ako sa kulog at kidlat. "Tulong!" sigaw ko dahil napakadilim at hindi ko alam ang gagawin ko. Kumidlat ng malakas dahilan para makita ko ang daan papunta sa kwarto ni Uncle Wade, dali-dali kong sinundan ang liwanag kahit na nanginginig na ako sa takot. Nang makaabot ako sa kwarto niya ay tumayo ako at kinatok iyon ng malakas. Nang buksan niya ang pinto niya ay kaagad kong isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib at humagulgol ng iyak. "What is it? Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin. "Natatakot ako Uncle," saad ko sa kanya ng iangat ko ang ulo ko ngunit biglang kumidlat ng malakas kung kaya't napayakap ako ulit sa kanya. "Okay, fine, stay here tonight," saad niya sabay higit sa baywang ko at sarado ng pinto. Hindi ako sanay ng ganito ngunit gusto ko ang init ng katawan niyang iyon habang yakap-yakap niya ako. Pinahid ko na ang aking mga luha dahil ngayon ay kasama ko na si Uncle, hindi na ako natatakot. "Huminga ka na dyan, kukuha lang ako ng kandila. Brown-out pala," saad niya sabay takbo pababa ng hagdan. Halatang naalimpungatan siya sa pagkatok ko dahil kinukusot-kusot niya pa ang mga mata niya. Nang makapagsindi siya ng kandila ay tumingin ako sa paligid. Damn it, ang kwarto niya akala mo night club sa dami ng poster ng mga hubad na babae. FHM pa ang nais. "Uncle, ang dami mong bold dito sa kwarto mo, ang manyak mo talaga," saad ko habang nakatingin sa mga pictures. "Nagsalita ang hindi, tss," saad niya. "Kung pictures ko na lang ang idinikit mo dito edi sana natuwa ka pa," saad ko sa kanya. "Oo nga, good idea para mawala na ang mga daga dito sa kwarto ko at matakot sa pictures mo," saad niya sa akin. "Kapal mo naman!" kaagad ko siyang binato ng unan. "Teka, magaling ka na ba? wala ka na lagnat?" tanong niya sa akin at kaagad na sinapo ang noo ko. "Ah, sinat na lang," "Nilagnat ba ako?" tanong ko sa kanya. "Oo mukhang pinag-isipan mo mabuti yung exam eh, kaya ka nilagnat," saad niya. "Wait. Paano ako naka-uwi?" tanong ko sa kanya. "Malamang, ano pa nga ba?" saad niya sa akin. "Yiiieee, thank you Uncle Wade, sabi ko na nga ba mahal mo ako eh," saad ko sa kanya na akmang yayakap ulit ngunit inilagay niya ang kamay niya sa mukha ko. "Wag mo kong yakapin at humiga ka dyan. Tigil-tigilan mo ang pagpapantasya mo sa akin," saad niya. "KJ mo na naman eh, wala naman dito si Daddy, solo natin ang buong Hacienda Uncle, anong gusto mong gawin? Pwedeng pwede mong gawin ang gusto mong gawin sa akin ngayon Uncle," tanong ko at inilabas ang mapanukso kong ngiti. "Itatali kita sa kama," saad niya. "Oh yes, that's the spirit, Uncle, gusto ko yan, ayan na, ginaganahan na ako, mygod! tie me Baby, please!" saad ko sabay bigay sa kanya ng dalawa kong kamay. "Itatali kita tapos matutulog na ako, istorbo!" Bulyaw niya sa akin sabay higa sa sofa na katabi ng kama niya. "Ay, bwisit ka naman!" saad ko sabay irap. "Matulog ka dyan kung ayaw mong palabasin kita," saad niya sabay talakbong ng kumot. Padabog akong nahiga sa kama at nag talakbong na lang din ng kumot. KINABUKASAN nagising ako sa lagaslas ng tubig sa shower sa kwarto ni Uncle Wade. Naliligo siya. Palabas na ako ng kwarto niya ng mahagip ng mata ko ang isang black satin box na parang engagement ring. My goodness. Magpapakasal na si Uncle Wade? Lumapit ako sa table at binuksan iyon at tumambad sa akin ang napakagandang diamond ring. Ang laki ng bato na iyon at napakaganda, sinukat ko iyon at natuwa ako ng makita kong kasya sa akin. "Wow! ang ganda! Pero mukhang promise ring lang naman 'to, iyon din ang nakalagay sa packaging," saad ko ngunit nagulat ako ng kumalabog ang pinto ng shower at iniluwa iyon si Uncle Wade na naka tapis lang ng twalya sa baywang. Kitang kita ko ngayon ang mga pandesal niya at kulang na lang ay mag kape ako ngunit nakasimangot ang mukha niya at dali-daling lumapit sa akin ng makita niya ang kumikinang na bagay sa daliri ko. "Damn it Rosenda! Bakit pinakialaman mo iyan?! Kay Halle iyan! Amin na nga iyan!" saad niya habang hinahablot ang kamay ko kung saan naroon ang singsing. "Damot mo naman, sinukat ko lang naman eh, at saka pa-promise promise ring ka pa, kapal ng mukha mo, eh manloloko ka naman," saad ko sa kanya sabay alis nung singsing ngunit nang hugutin ko ay ayaw maalis. "Wala kang pakialam! Amin na!" saad niya sa akin habang sinusubukan kong tanggalin pa rin ang sing-sing. Ayaw talaga maalis. "Hala, ayaw maalis!" nagpanicna ako at hindi ko na alam ang gagawin dahil pilit ko siyang tinatanggal sa daliri ko ngunit ayaw. "Argh! Badtrip ka Rosenda, alam mo bang isang milyon yan?! Take it off right now!" saad niya sa galit na boses. "Eh, ayaw nga maalis eh," saad ko na naiinis na. "Amin na nga," saad niya sabay hablot ng kamay ko, pilit niyang tinatanggal ang sing-sing sa daliri ko ngunit ayaw talaga maalis. "Uncle tama na, ang sakit na ng daliri ko eh," saad ko sa kanya dahil totong masakit na at namumula na ang daliri ko. "Halika, doon tayo sa kusina," saad niya sa akin. "Ha?! Bakit?!" tanong ko habang napa-panic. "Puputulin ko yang daliri mo makuha ko lang iyang sing-sing!" saad niya na hinablot na naman ang kamay ko at pilit na tinatanggal iyon sa daliri ko. "Ayoko! Ayaw! wag mong putulin ang daliri ko Uncle! masakit iyon, ayaw!" nagpa-panic na ako dahil mukhang seryoso siya sa sinasabi niya. Ilang sandali pa kaming nag-agawan nang bigla siyang natigilan dahil natanggal sa pagkakatapis ang suot niyang twalya sa baywang. Napatingin ako sa malaki at mahaba niyang alaga at naitakip ang dalawa kong kamay sa aking bibig sa gulat. "Oh my gosh Uncle, ang laki, hindi iyan kasya sa ano ko," saad ko sa kanya. "Shut up! f**k!" dali-dali niyang kinuha ang nalaglag na twalya at itinakip sa kanyang p*********i. "Labas! Get out of here right now, you crazy woman!" saad niya na naiinis at nahihiya habang hinahawi ako palabas ng kwarto niya. Pabalibag niyang sinara ang pinto at nauntog pa ako. "Ah-ang sakit!" saad ko habang sinasapo ang ulo ko pero naalala kong nasa akin ang diamond ring na dapat sana ay ibibigay niya sa babae niya kung kaya't natawa ako. I'm wearing a one million peso diamond ring na binili ni Uncle Wade and I love it. Tumalon-talon ako sa tuwa habang ngingisi-ngising bumalik sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD