Matapos ang lahat ay pilit kong itinutuloy ang buhay. Naiuwi na ni Tita Indah si Mommy sa Cebu. Nang huli kong nakausap si Mommy ay unti-unti nang bumalik ang sigla sa boses niya kaya nabawasan na rin ng konti ang mga dinadala ko. Sa bahay narin ni Ate Carla ako umuuwi. Very supportive naman iyong best friend kong si Angie dahil hinding-hindi niya ako iniiwan. Bumalik naman sa dati ang takbo ng buhay ko sa school. Balak kong tapusin lang itong year na ito at susunod na ako kay Mommy sa Cebu. Lagi din akong tinatawagan ng Daddy ko pero ni minsan ay di ko siya sinasagot. Masyado pang fresh iyong iniwan niyang sugat sa puso kaya ayaw ko muna siyang kausapin. Sinaktan niya kami ni Mommy at nasaktan ko rin siya hindi lang verbally kundi pati physically. Pinagsisihan ko iyon pero tuwin