Chapter 12

1645 Words
IZYLL'S POV Nakita kong tumayo si Yuan at naglakad palabas ng mansion. Dahil nga nandito sina Flare at Cindy ay naging maingay ang mansion. Kasalukuyang naglalaro kami ng billiards, nang makita ko siyang lumabas. Kaya naman hinayaan ko munang maglaro sina Jarryl at sinundan ko si Yuan. Nang makalabas ako ay nakita ko siyang nakatayo at nakatingin sa maliwanag na buwan. Madilim na ang paligid at ito ang naging dahilan kung bakit naging maliwanag ang paligid. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Napansin niya ako, ngunit hindi naman siya lumingon sa akin. "Wala ka ba talagang planong sabihin, kung anong mayroon sainyo ni Zhennie? Nasisiguro ko namang siya ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan," sabi ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya at napayuko. Hinintay ko kung magsasalita nga ba siya, tungkol sa kanila ni Zhennie. Nasisiguro talaga akong may nangyari, kaya hindi niya masabi. Hindi naman kami manhid para hindi mahalata ang mga kilos niya, lalo na kanina no'ng magkasama kaming kumakain sa Cafeteria. "She was..," Napatingin ako sa kanya, nang magsalita siya. Nag angat siya nang tingin at muling tumingin sa itaas, kung saan naroon ang malaking buwan. "She was the reason, why I want to be here. Paminsan-minsan ay tumatakas ako at pumupunta dito sa mundo ng mga mortal para makita siya," sabi niya. Natigilan naman ako sa sinabi niyang iyon. Seryoso ba siya? Tumatakas siya at pumupunta dito? "Wait, kailan nagsimula? Kailan mo siya nakilala at bakit wala kaming alam tungkol doon?" nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi agad siya nakasagot at tila inaalala ang mga araw kung paano nga ba sila nagkakilala. Mayamaya ay nakita kong ngumiti siya. "Well, it's start 2 years ago when we have a mission here. Is just, we accidentally meet. We had a one-night stand before and after that, we meet often," pag amin niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa kanyang sinabi. Seriously? A one-night stand, before? Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Grabe, nakakagulat para sa akin ang malaman ang tungkol dito. "I don't know what to say," tanging sabi ko sa kanya. Narinig kong natawa siya sa naging reaksyon ko. "I started to court her, but suddenly, she found out about my secret. Nalaman niyang may nakatago akong kakayahan at kapangyarihan. Hindi siya makapaniwala noon at natakot sa akin. Matapos mangyari iyon ay hindi ko na siya nakita. Talagang iniwasan na niya ako at para bang wala na siyang plano pang magpakita sa akin. Kahit noong nakabalik na tayo sa mundo natin ay lagi pa rin akong pumupunta dito para hanapin siya. Ngunit nabigo akong mahanap siya, kaya kahit masakit ay pilit ko siyang kinalimutan. Ngunit ngayon ay talagang nagulat ako. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya at magiging kaibigan pa ng mga taong misyon natin," mahabang sabi niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya matapos iyong sabihin at nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Para bang naroon pa rin ang sakit na minsan na niyang naramdaman noon. Pati ako ay nakaramdam ng sakit sa sinabi niya. Ngunit ang sinabi niyang may alam ito sa kapangyarihan niya ay siyang ikinabahala ko. Paano na lang kung sabihin iyon kina Khendrey? Ano na lang ang mangyayari sa misyon namin. "Ang sabi mo, may alam siya sa kapangyarihan mo. Paano kung sabihin niya iyon kina Khendrey?" sa halip na sabi ko. Napabuntong-hininga siya. "Nasa kanya na iyon kung sasabihin niya o hindi. Ngunit mas mabuting huwag sana niyang sabihin, para walang maging problema," tugon niya sa akin. Napatango ako sa sinabi niyang iyon. Subalit nag aalala pa rin ako sa maaaring mangyari. Ayokong iba ang makalaam sa sekreto namin. Gusto kong ako ang magsabi kay Khendrey lahat, upang hindi siya makaiwas sa kung ano ang sasabihin ko sa kanya. I want to gain her trust first, before I will tell her everything. Siguro dapat gumawa rin ako ng sariling paraan, upang mapalapit sa kanya. "I'm sure, magiging maaayos rin ang sainyo ni Zhennie. Ngayon nakita mo na ba siya, may nararamdaman ka parin ba sa kanya?" mayamaya ay tanong ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya at bahagyang napayuko. "Hindi ko alam, hindi ko masasabi sa ngayon kung naroon pa rin ba ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong magsalita nang tapos," sabi niya at ngumiti lang sa akin. Napabuntong-hininga ako at napatango sa sinabi niya. Naiintindihan ko kung ganoon ang sinabi niya. Tinapik ko siya sa balikat at nagsalita. "Huwag kang mag alala, magiging maayos rin kung ano man iyong iniisip mo. Basta nandito lang kami para makinig saiyo," sabi ko sa kanya. Napatango naman siya sa sinabi kong iyon. "Dapat sinabi mo iyon na kasama kami. Masyado kayong makasarili sa mga nararamdaman niyo eh.." Natigilan kami Yuan at sabay na napalingon sa likod namin. Nakita namin silang tatlo na nakatayo sa likod namin at mukhang narinig nila ang pinag uusapan namin ni Yuan. "Ang daya niyo namang dalawa eh, dapat kasama niyo akong pinag uusapan 'yan. Para namang hindi niyo ako kaibigan niyan," sabi ni Jarryl at lumapit sa amin. Bahagya niya kaming sinuntok sa braso at napapailing sa aming dalawa ni Yuan. Lumapit naman sina Flare at Cindy sa amin, saka inabutan kami ng beer. "Hindi pa naman siguro huli ang lahat para sainyo nang babaeng iyon eh. Kung may nararamdaman ka pa sa kanya, idi iparamdam mo sa kanya," sabi ni Flare at uminom ng beer. "Oonga naman, Yuan. Malay mo, nagulat lang siya talaga noon, nang malaman kung sino at ano ka talaga. Normal na sa mga normal na tao ang magulat nang ganoon. Try to talk to her again," sabi naman ni Cindy at ginulo ang buhok ni Yuan. Umiwas naman si Yuan sa ginawang iyon ni Cindy at natawa lang dito. Napapailing na lang ako sa nakikita ko sa kanila. Nag usap pa kami kung ano ang dapat na gawin ni Yuan. Mayamaya ay nagpaalam na ako sa kanila upang magpahinga. Ngunit nasa kwarto na ako pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. Naisip ko bigla si Khendrey. Hindi ko alam pero para bang gusto ko siyang makita ngayon. Tsk! Nasapo ko na lang ang aking noo. Bakit ko naman siya gugustuhing makita ngayon, kung pwedi naman bukas? Hays! Muli kong ipinikit ang aking mga mata, ngunit talagang hindi ako dalawin ng antok. Napaupo ako sa kama at tiningnan kung anong oras na. Alas-nuebe na ng gabi, maaga pa naman pero gusto ko na talagang matulog. Ngunit hindi mawala sa isip ko, na gusto kong makita si Khendrey. Tsk! Napasabunot sa lang buhok ko at nagbihis ng damit. Bahala na nga, titingnan ko lang kung anong ginagawa niya ngayon. "Tsk! Hindi ko nga pala alam ang bahay nila," sambit ko at nasapo ko ang aking noo. Well, maybe my magic can help me to find her. Napabuga ako ng hangin at pumikit. Inipon ko sa aking katawan ang enerhiya upang mapalabas ko ang aking kapangyarihan. Mayamaya naramdaman ko ang paglabas nito at maging ang kapangyarihan na nasa suot kung kwentas ay umilaw. Itinuon ko ang aking konsentrasyon at hinayaan ang kapangyarihan ko na hanapin ang nagmamay ari nang kapangyarihan ng pixie dust. Ilang minuto akong ganoon, hanggang sa mahanap ko na ang kinaroroonan nina Khendrey. Idinilat ko ang aking mga at ginamit ang kapangyarihan ko, upang lumutang sa ere at mabilis na lumipad paitaas upang puntahan ang kinaroroonan ni Khendrey. Habang nasa himpapawid ako ay nakikita ko ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw sa ibaba. Maging ang paggalaw ng ilang mga sasakyan ay nakikita ko. Alas-nuebe pa kaya marami pang tao sa paligid. Hindi naman ganoon kalayo ang kinaroroonan ni Khendrey, kaya nakarating agad ako. Nagtago ako sa itaas ng isang puno, kaharap sa isang malaking mansion. Nakikita kong maliwanag pa ang paligid nito. Muli kong ginamit ang kapangyarihan ko, para matunton ang kinaroroonan ni Khendrey. Nakita kong patungo ito sa itaas ng isang kwarto. Nakabukas pa ang ilaw nito, kaya siguradong gising pa siya. Bumaba ako sa puno at umupo sa ilalim nito, habang nakatanaw sa kwarto kong nasaan si Khendrey. Mayamaya ay may napansin akong gumalaw mula sa terace nito. Hanggang sa matanaw ko si Khendrey, na nakatayo habang nakatingin sa itaas. Napagmasdan ko siya, nang ganoon ang kanyang postura. Kaya hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam ko ay nakatingin ako ngayon sa isang anghel. Ngunit napukaw kung ano man ang nasa isip ko, nang bigla niyang ibinaba ang kanyang tingin at nagtama ang paningin naming dalawa. Napatitig siya sa akin at bakas sa mga mata niya ang pagkagulat. Tila ba inaaninag niya ako, kaya naman tumayo ako at lumabas sa ilalim ng puno para makita niya ako nang tuluyan. Nakita ko pang napataas ang kilay habang nakatingin sa akin at bahagyang tumingin sa paligid. Muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa akin at naging seryoso ito. Mayamaya ay umalis siya sa kinatatayuan niya at nakita kong pinatay na nito ang ilaw sa kanyang kwarto. Napabuntong-hininga ako. Siguro iniisip niya kung bakit ako nandito, na sa halip na tanungin ay tinalikuran na lang ako. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at pumunta ako dito? Tsk! Nagsimula akong maglakad habang napapasulyap pa rin sa kwarto kung nasaan siya. Ngunit sa muling pagtingin ko dito ay may nakita akong tumalon mula sa kanyang kwarto. Tumalon ito sa isa pang terace at ganoon rin ang ginawa nito sa kasunod pang terace. Hanggang sa tuluyan na itong makababa. Mayamaya ay may nakita akong gumalaw sa pader nito at may tumalon. Natigilan ako, nang mapagtanto kung sino ang taong tumalon mula sa kinaroroonan ni Khendrey. Walang iba kundi siya. "Matapos mong pumunta dito, aalis ka kaagad? Bakit ka ba nandito?" tanong niya sa akin, nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil nagulat ako. Buong akala ko kasi ay matutulog na siya. Ngunit iyon pala, ay nagbihis lang siya saglit at bumaba upang lapitan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD