Chapter 13

1916 Words
KHENDREY'S POV Matapos kong makita si Izyll sa ibaba ay nagdadalawang-isip akong puntahan siya. Ngunit sa bandang huli ay pinuntahan ko na lang siya at nakita ko pang paalis na siya. Nang mapansin niya ako ay nakita kong nagulat pa siya. Kaya bahagya ko siyang tinanong kung ano ang ginagawa niya dito. Subalit hindi siya sumagot agad at nanating nakatingin lang sa akin. "Wala ka bang balak magsalita?" muli kong tanong sa kanya at doon lang mukhang natauhan. "W-Well, napadaan lang ako kanina nang makita kita at nagtago lang ako sa ilalim ng puno para hindi mo ako makita," sagot niya sa akin. Mariin ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niyang iyon. Para bang hindi ako kontento sa narinig ko. Napakunot-noo akong napatingin sa kanya at tumingin sa paligid. "Bakit? Dito ka ba nakatira? Sa pagkakaalam ko, malayo dito ang tinitirhan niyo," sabi ko sa kanya. Hindi siya nakapagsalita at hindi alam kung ano ang sasabihin. Nasisiguro kong magsinungaling siya, halata naman sa mga kinikilos niya. Hindi ako ganoon ka tanga para hindi iyon mapansin. "Actually, galing ako sa pinsan ko doon sa kabilang kanto at medyo naligaw ako. Hindi ko na alam ang labasan dito, kaya naisipan ko na lang na maglibot muna," sabi niya. Napataas naman ang kilay ko. Akala niya ba talaga ay mapapaniwala niya ako. Napapailing akong nakatingin sa kanya. Bakit ba kasi nagsinungaling pa siya, kung pwedi naman niyang sabihin ang totoo. Hindi ako sigurado, kung ako ba ang dahilan kung bakit siya nandito. Ngunit ang magsalita nang ganoon ay hindi talaga kapani-paniwala. "Tsk, halika samahan na lang kita palabas," sabi ko sa kanya. Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko, kaya napaismid ako. "Ano?" sabi ko. "Oh, sige," tugon niya. "Sumunod ka sa akin," sabi ko sa kanya at tumango na lang siya sa akin. Tahimik kaming naglalakad dalawa, habang nakasunod siya sa akin. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking ito. Kaya nga ako lumabas kanina ay may naramdaman akong kakaiba at iyon nga nakita ko siyang nakatingin sa akin mula sa ibaba. Kahit anong sabihin niya ay alam kung narito siya dahil sa akin. "Ano ba talagang ginagawa mo dito?" mayamaya ay tanong ko sa kanya. "Huh? Sinabi ko na naman saiyo di ba?" tugon niya at napatingin sa akin. Napairap lang ako. Bahala na nga siya kung hindi niya sasabihin. Hinayaan ko na lang kung ano talaga ang gusto niya at tahimik pa rin kaming dalawang naglalakad. Nang malapit na kami sa gate ay napalingon ako sa kanya, nang mapansin ang tingin niya sa akin. Ngunit agad lang rin siyang umiwas nang tingin. Napairap na lang ako sa kanya. Paglabas namin sa gate ng subdivision ay huminto ako at bumaling sa kanya. "Siguro naman pwedi na kitang iwan dito?" sabi ko sa kanya. "Uhm," tanging tugon niya sa akin. Napataas-kilay akong nakatingin sa kanya dahil para bang may gusto pa siyang sabibin sa akin, pero hindi niya masabi. "Can I invite you some drinks?" mayamaya ay sabi niya sa akin. Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabing niyang iyon. Drinks? Hmmm, may problema ba ang lalaking ito, kaya wala siya sa sarili ngayon? Sabagay mukhang masarap uminom ngayon. "Kaso, wala pala akong dalang pera, saiyo na lang muna," sabi niya sa akin at tila nahihiyang umiwas nang tingin sa akin. Seriously? Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Grabe! Siya na nga itong iniimbita ako, tapos wala palang pera? Tsk! "Ibang klase ka rin ah? Sige na nga," sabi ko na lang. Pinara ko ang paparating na taxi at huminto naman ako. "Huwag nang pangarapin na magdadala ako ng kotse, dahil tinatamad akong magmaneho," sabi ko sa kanya at naunang pumasok sa taxi. Nang makapasok ako ay sumunod naman siya. Kaya magkatabi kaming nakaupo sa likod. Sinabi ko sa driver kung saan kami pupunta, saka ito pinaandar paalis. "May problema ka ba kaya ka nagkakaganyan?" mayamaya ay tanong ko sa kanya. Napalingon siya sa akin. Natigilan ako nang makita ang malungkot na pagngiti niya sa akin. Hindi siya nagsalita at bahagyang umiwas nang tingin. "Obviously, yes I have," sagot niya at tumingin sa labas ng bintana. Sinundan ko lang siya nang tingin at hindi na siya nagsalita pa matapos niya iyong sabihin. Kaya hinayaan ko na lang. Siguro nga ay may pinagdadaan siya. Kamakailan lang naman kami nagkakilala pero pakiramdam ko ay magaan ang loob ko sa kanya. May nararamdaman din ako, na ganoon rin ako sa kanya. Ngunit ayokong mag isip na higit pa doon, dahil bukod sa ganoon ang nararamdaman ko sa kanya ay may dahilan din ako kung bakit ako sumama sa kanya ngayon. Dahil nga gusto kong may malaman mula sa kanya. Hindi siya ordinaryong tao, kaya gusto kong malaman kung ano ang tinatago niyang sekreto. Nang makarating kami sa isang Bar ay lumabas na kami sa taxi at sabay na pumasok sa loob ng Bar. Nakita kong maraming tao sa loob ng bar. May nagsasayawan sa gitna at mga nag iinuman. Inaya ko siyang pumunta sa Bar Counter at nag order ng maiinom namin ni Izyll. Nang bigyan kami ng bartender ay uminom na kaming dalawa. "Can I ask something?" mayamaya ay narinig kong tanong niya sa akin. "Hmm?" tugon ko at tumingin sa kanya. "Why are you living in korea?" tanong niya sa akin. "Dahil naroon ang ama ko at mga negosyo namin. Ako lang naman ang nag iisang anak ng ama ko at si Heart lang naman ang pinsan ko. Umuwi ako dito dahil walang kasama si Heart, kaya ako nandito," sagot ko sa kanya. Uminom ako ng alak habang nakatingin sa kanya. Napatango naman siya at tulad ko uminom rin siya sa alak na hawak nito. "Ikaw, bakit kayo nandito kung sa ibang bansa kayo nakatira?" tanong ko sa kanya kahit alam ko kung saan sila galing . Hindi ko alam pero nasisiguro akong hindi talaga sila galing sa mundong ito. "For some reason, sorry I can't tell you about it," tanging sabi niya sa akin at umiwas nang tingin. Napatango ako sa sagot niyang iyon. Alam ko naman talagang hindi siya magsasalita tungkol doon. Muli akong uminom at hindi na nagsalita. Napapatingin ako sa paligid, lalo na sa gitna kung saan maraming nagsasayawan. Sa kakatingin ko ay may napansin akong grupo ng mga babae na sumasayaw at nagsisigawan sa gitna. Nakilala ko ang isa sa mga babaeng naroon at iyon ang babaeng nakasagutan namin nina Heart sa Cafeteria. Tsk! So, this is her night life? Mayamaya ay nakita kong umupo na sila kung saan sila naka-pwesto. Nakita kong mabilis siyang uminom ng hawak nitong alak at sumasayaw pa rin. Mayamaya ay bigla siyang napasulyap sa Bar counter, kung nasaan kami ni Izyll. Mariin siyang napatitig sa amin at para bang kinikilala kami. Napangisi ako at inalis na ang tingin sa kanya. "Nandito rin pala ang babaeng iyon?" narinig kong sabi ni Izyll. Hindi ko napansin na nakatingin rin pala siya doon. "Well, maybe that's her life," sagot ko sa kanya. "They're coming," sabi niya. Napatango lang ako sa sinabi niyang iyon. Nasisiguro akong manggugulo na naman ito sa amin. Mukhang takaw sa gulo pa naman ang babaeng iyon. "Huwag mo nang patulan," sabi sa akin ni Izyll. Napadukmo ako at bahagyang lumapit sa kanya. Nakita kong natigilan siya sa ginawa ko at napaatras. "Pinatulan nga kita, siya pa ba?" nakangisi kong sabi sa kanya. Hindi agad siya nakasagot sa sinabi ko at napatitig lang sa akin. "Oh! Looks who's here? What a b*tch!" narinig kong sabi nito. Hindi ko siya pinansin at na kay Izyll lang ang tingin ko. Pareho kaming napatitig sa isa't isa. "Are you a deaf?!" sabi nito at bigla akong hinila palayo kay Izyll. Kaya naalis ko ang tingin kay Izyll at napatingin dito. Napansin kong lasing na ito at may hawak pang beer. Tiningnan ko lang siya. "Who are you?" sa halip na tanong ko sa kanya. Nakita kong napataas ang kilay niya, nang nakatingin sa akin. Napasinghal siya at napatingin sa kasama niya. "Huh! Are you serious? You don't know me?" hindi makapaniwalang sabi niya at natawa. "Obviously, hindi ako magtatanong kung kilala kita. Bakit importante bang makilala kita?" nakataas-kilay kong sabi sa kanya. Nakita kong mas nainis siya sa sinabi ko at talagang itinuro pa ako. "Oo! Dapat na makilala mo ako! I'm a rich kid! I can buy you anytime! You b*tch!" sigaw niya sa akin at akmang hahawakan ako, nang maunahan ko siyang hawakan. "You're getting into my nerves. Hey you!" sabi ko at tinuro ang kasama niyang hindi pa bangag. "Igapos niyo ito at baka sa hospital ito pulutin," sabi ko sa mga ito at tinulak papunta sa kanila ang babae. Agad naman nila itong nahawakan at pilit na inalis sa harapan namin. Napapailing na lang ako at inayos ang aking pagkakaupo. Ako? Bibilhin niya? Nababaliw na ba siya? Baka nga siya pa ang bibilhin ko eh! Inubos ko ang alak na hawak ko at nag order ulit. Bumaling ako kay Izyll, nang mapansing hindi siya nagsasalita. Kaya nakita kong nakatingin lang pala siya sa akin. "Ngayon ko lang talagang napatunayan na matapang ka nga talaga," nakangiti niyang sabi. Napakunot-noo akong nakatingin sa kanya. Dahil sa sinabi niyang iyon. "Tsss, talagang iyon ang napansin mo?" sabi ko at napaismid. Natawa siya at napadukmo naman paharap sa akin. Sa posisyon niyang iyon ay mas natitigan niya ako. Hinayaan ko lang sa ginagawa niya. "And of course, you're beautiful," dagdag niya sa sinabi niya. Natigilan naman ako at napaiwas nang tingin sa kanya. Tsk! Talagang kailangan niya pang sabihin iyon? "Tsss, umayos ka nga," tanging sabi ko sa kanya at nagpatuloy sa pag inum. "By the way, did you already know about your friend Zhennie and Yuan?" mayamaya ay tanong niya. Umayos na rin siya nang pwesto, nang tumingin ako sa kanya. Tungkol kay Zhennie at Yuan? Oh right! They made a secret relationship before. Hindi ko aakalain na naging magkakilala ang dalawang iyon at nagkaroon pa ng relasyon. "Yes, Zhennie told me about it," sagot ko sa kanya. "Sinabi niya ba sainyo ang lahat?" muli niyang tanong sa akin. Umiling ako. "Hindi niya sinabi ang lahat sa amin. Ang sinabi lang niya ay nagkakilala sila at nagkaroon ng relasyon. They had a one-night stand and that's how they start to know each other. He courted her, but the rest she didn't tell us," tanging sabi ko sa kanya. Napatango-tango siya sa sinabi ko. "Ganoon ba? Nakakagulat di ba? Maging kami ay hindi makapaniwala sa aming nalaman," sabi niya sa akin. Sumang ayon ako sa sinabi niya. Talaga namang nakakagulat ang tungkol sa naging relasyon nila. Matagal ko ng kaibigan si Zhennie pero hindi ko man lang nalaman ang tungkol doon. Ngunit sigurado akong kaya niya hindi sinabi ay para maging lihim lang ang lahat, maging sa kung ano ang natuklasan niya kay Yuan. Napatingin ako sa kanya dahil pakiramdam ko, ay may dahilan kung bakit niya iyon natanong sa akin. "Yeah, that's also what we feel," sabi ko rin sa kanya. Nagpatuloy kami sa pag inum habang nag uusap tungkol sa nangyari kina Zhennie at Yuan. Nang medyo manpansin kong malalim na ang gabi ay nagpasiya na akong umuwi. Inaya ko na siyang umalis at medyo nahihilo na rin ako. Kaya gusto ko nang matulog. Sumakay kami sa taxi at ako ang una niyang pinahid bago siya. Habang magkasama kami ng gabing iyon ay wala akong kahit anong naramdamang kaba o ano man. Magaan ang loob ko sa kanya, kaya hindi ko maramdamang mabahala sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD