Chapter 5

1422 Words
KHENDREY POV Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Nang makita kong maayos naman ang damit ko. Sinuot ko ang sandals saka kinuha ko na ang bag. Lumabas ako sa kwarto ko at saktong lumabas narin si Heart. Medyo napataas pa ang kilay ko sa suot niya na damit, kulay berde. Napapailing na lang ako sa itsura niya, ngunit kahit ano namang damit ang isuot sa kanya ay bagay naman dito. Matangkad na babae si Heart at nakikita kong marunong siyang magdala ng mga damit. Kahit na napakasimple lang nito o imported. "Omo? You look so gorgeous, insan!" puna sa akin ni Heart at tuwang-tuwa pa habang papalapit sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya, nang makalapit na siya sa akin. "You too, lets go," anyaya ko sa kanya. Tumango naman siya at sabay na kaming naglakad pababa ng hagdan. Habang pababa naman kami ay panay lang siyang nagsasalita, habang nakikinig lang ako sa kanya. Kahit kailan talaga ay hindi nauubusan ng kwento o sasabihin. Wala akong nagawa kundi hayaan na lamang siya sa gusto niya. Nang makababa na kami ay dumiretso na kami sa kotse. Pagkapasok namin sa kotse. Nakahanda naman ang isa pang kotse sa likod namin, kung saan naroon ang apat na bodyguard ni Heart. Ewan ko ba, masyadong protective si tito, but it's okay for me. Atleast, hindi lang ako ang nagbabantay sa kanya. Mahirap na at nakaaligid pa naman ang mga taong gustong makakuha nang tyempo para tambangan kami. Ayokong madamay si Heart sa buhay na mayroon kami, dahil gusto kong kung ano siya ay iyon lang. "Khen, alam kong magugustuhan mo ang school ko. I'm sure of that," naniniguro niyang sabi sa akin at naroon pa rin ang tuwa sa kanyang mga mata. Ngumiti ako. Kahit naman anong klaseng paaralan siya ay wala akong pakialam, basta ba kasama ko siya at nasa paligid lang niya ako. "I hope so," tanging sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin. Panay pa rin ang kwento niya habang nasa kotse kami. Kinu-kwento niya ang mga lagi niyang ginagawa noong nasa korea pa ako. Natatawa na lang ako sa mga kwento niya. Nang makarating kami sa university, kung saan siya nag aaral bumaba kami sa kotse. Nasa parking lot pa lang kami ay inarap ko muna ang bodyguards ni Heart. "You can stay here. Ako ng bahala kay heart," sabi ko sa mga ito. Tumabi naman sa akin si Heart, nang makababa na siya sa kotse. "Yes, siya na ang bahala sa akin. So stay here or you can go back to the mansion. We will call you, if anything happened," sabi naman ni Heart sa kanila. "Yes lady," sabay sabi ng mga ito. Tumango kami at sabay na kaming pumasok ni Heart sa campus. Habang naglalakad kami sa campus nilibot ko naman ito ang tingin dito. Hmmm, masasabi kong halos mayayaman ang nag aaral dito. Halos lahat ata may kapit sa school na ito. Sa ayos at pananamit pa lang ay halatang spoiled brat, katulad na lamang ni Heart. Napailing na lang ako sa naisip ko, sabagay ganoon naman talaga ang nakikita ko sa kanya. Ngunit kahit ganoon ay alam kong mabait naman siya. Nang makarating kami sa lobby may napapatingin sa amin ni Heart. 'Yong iba gumigilid tuwing nakakasalubong namin kaya napatingin ako kay Heart. Nagtataka ako sa naging kilos ng mga ito, kaya hindi ko napigilang tanungin ito. "Sikat ka ba dito?" tanong ko sa kanya. Malawak ang ngiti niya ng bumaling siya sa akin. Kaya doon pa lang ay alam ko ma ang magiging sagot niya. "I am the sweet princess here, insan. I'm popular and you see?" sabi niya at itinuro niya sa mga ito. "They are giving us a way. Alam kasi nila kung paano ako magbigay ng parusa," nakangiti niyang sabi at napansin ko ang kakaiba sa kanyang mga ngiti, matapos niya iyong sabihin. Napailing ako. Hindi niya ito sinabi sa akin. Kung ano-ano na ang nai-kwento niya, ngunit ang tungkol dito ay hindi man lang niya nasabi?Tsk! Panay pa rin ang kweto niya, tungkol sa school na ito habang ako naman nakiramdam sa paligid. Napansin kong huminto si Heart kaya napahinto din ako. "So Heart, may bago ka na pa lang alipores." Napatingin ako sa babaeng humarang sa amin ni Heart. Medyo napataas pa ang kilay ko nang pagmasdan ko siya. Kinulang sa damit ang babaeng ito. Naka longsleeve nga na black pero kita pa rin ang nakatago dito dahil manipis lang ang tela. Naka pekpek na short pa. Tssss! Hindi ko alam kong dito ba sa university na ito ang pasok niya o kung sa bar. Para kasi siyang pupunta sa party. "Excuse me, she's not my alipores. 'Wag mo nga akong itulad saiyo na mas alipores pang tingnan kaysa sa mga kasama mo. Hindi ka ba nilalamig sa suot mo? Umaga pa naman ah, sarado pa ang club ngayon. 'Yong suot mo kasi pang Pokpok," mataray na sabi ni Heart dito. Oh? May ganitong ugali din pala ito. Akala ko ay madaldal lang ito, subalit mukhang may malalaman pa ako sa magiging ugali nito. "How dare you!" narinig kong sigaw ng babaeng kaharap namin ni Heart. Tinampal ko bigla ang kamay niya nang akmang sasampalin niya si Heart. Kaya napadaing siya sa sakit dahil sa ginawa kong iyon. "You!" Itinuro niya ako at tiningnan nang masama. Tinaasan ko lang siya nang kilay. Pasalamat lang talaga ito, dahil wala ako sa mood para manakit. Tss! "Don't you dare to touch her, let's go Heart, " banta ko sa kanya at hinila na si Heart. Wala akong panahong makipag usap sa mga walang kwentang usapan, katulad ng babaeng iyon. "Hays insan, your still mataray!" puna niya sa akin habang pumalakpak pa. "But I like it! Haha! Mabuti nga sa kanya, nakakainis na rin iyon eh!" sabi niya at tumawa matapos iyong sabihin. Kaya hindi ko maiwasang magtanong kung sino ang babaeng iyon. Mas mabuti nang may alam, kaysa sa wala. "Who is she?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa lobby ng school. "She's the daughter of the owner of this school," sagot niya sa akin. Napatango ako. Kaya pala ganoon makapagsalita tsss! Habang naglalakad kami ni Heart. Wala sa sariling napahinto ako bigla sa isang bulletin board. Dahil sa dalawang picture na nasa loob nito. Napatitig ako bigla dito lalo na sa babae. Hindi ko maalis ang aking mga mata dito, dahil nasisiguro kong nakita ko na ito at hindi ako pweding magkamali. Siya iyong babaeng nasa portrait na nakita ko sa mansion ng mga lalaking iyon. Bakit ito nandito? Hindi kaya isa ito sa nagmamay ari ng school na ito? Ngunit impossible naman ata iyon! "Oh, bakit?" nagtatakang puna sa akin ni Heart. Tinuro ko bigla ang picture ng babae at wala sa sariling nagtanong sa kanya. "S-Sino siya?" "Oh siya si Ms.Sweetzhelle Marquessa, isa siya sa mga matatalino dito noong hindi pa tayo pinapanganak at iyang kasama niya ay si Bryent Nobel, bestfriend niya. Isa sa mahuhusay na basketball player pero alam mo insam, may bali-balita na nawala sila bigla noon," sabi niya sa akin. Natigilan ako at napataas ang kilay ko sa huli niyang sinabi. Nawala sila bigla noon? Nagtataka naman akong bumaling sa kanya. "Paanong nawala bigla?" nagtataka kong tanong. "Ewan ko, basta iyon ang sabi nila. Kaya idol ko si Ms. Sweetzhelle eh dahil matalino at popular siya dito sa school, hehe," tanging sabi niya. Napatango na lang ako saka muli itong tinitigan. Nakaramdam ulit ako nang kakaiba, na tila may pinapahiwatig ang mga mata niya, na malungkot ito. Ano kayang koneksyon niya sa mga lalaking iyon? "Kailangan ka niya.." Napalingon ako bigla sa gilid ko, nang may nagsalita pero wala naman akong nakitang tao o ano. Lumingon pa ako sa likod at kay Heart, baka siya ang nagsalita. Ngunit kilala ko naman ang boses ni Heart at ang nagsalitang iyon ay hindi ko naman kilala. Napapikit na lang ako. What's wrong with me? "Ah!" Napalingon ako bigla kay Heart, nang mapahawak siya sa kanyang dibdib. "What's wrong?" nag aalala kong tanong sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "I feel like there something burning inside me ah!" daing niya. Napahawak ako sa balikat niya, habang iniinda ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa kanya. "Heart," tawag ko sa kanya. "Akala ko, 'yun na ang huli nating pagkikita." Napalingon ako bigla sa nagsalita habang hawak ko si Heart. Ngunit natigilan ako, nang makilala ang mga ito. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat. The heck? Bakit sila nandito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD