Chapter 6

2009 Words
IZYLL POV "Wow! Nakabalik rin ulit tayo sa wakas sa school na ito," saad ni Yuan, nang makalabas sa kotse. "Oonga, mabuti na lang at makakapasok tayo dito dahil na rin sa misyon natin," sabi naman ni Jarryl at umakbay pa kay Yuan. Hindi na lang ako nagsalita, maging ako ay natutuwa rin. Paminsan-minsan lang kasi kami nakakalabas at nakakapunta dito, dahil nga ayaw ni Tita Jewelle na magtagal kami dito sa mundo ng mga Mortal. Sabay kaming naglakad papasok sa campus. Naoansin kong may ilan na napapatingin sa amin pero deretso lang ang tingin ko. Samantalang ang dalawa ay pinapansin ang mga ito. Sa tantiya ko ay dalawang taon kaming hindi nakapasok sa school na ito at siguradong hindi na kami kilala ng mga studyante dito, lalo na sa mga bago. Tahimik lang ako na naglalakad, habang dalawa ay panay pansin sa mga babaeng nasa tabi o nakakasalubong namin. Tsk! Kahit kailan talaga, mapa-dito man o doon sa kaharian namin ay ganito ang dalawang ito. Natigilan ako. Nang mapansing umilaw saglit ang kwentas na suot ko. Napatingin ako kay Jarryl, maging siya napatingin sa akin. "Umilaw ang kwentas ko," mahina niyang sabi sa akin. Natigilan naman ako sa sinabing niyang iyon. Ibig sabihin, nandito sa school na ito ang dalawang bagong tagapagmana ng pixie dust? Nakakagulat naman ata ito. Kung ganoon, nasa paligid lang naming ang dalawang tagapagmana! "This is going to be exciting," nakangisi kong sabi maging sila nag apiran pa. Muli kaming naglakad at pagdating namin sa lobby. Napahinto ako sa nakita ko. Nang matanaw ang isang babaeng nakatingin sa bulletin board. Hindi ko maiwasang mapangisi sa nakikita ko ngayon. She's really here! Nakatingin siya sa isang bulletin board, kasama ang isang babae. Napalingon ako kay Jarryl nang siniko niya ako. Napansin kong umiilaw ang kwentas niya, katulad ko. Dahan-dahan kaming naglakad palapit sa mga ito. Wait! Huwag mong sabihin na magkakilala ang bagong tagapagmana ng pixie dust? "Ah!" Napahinto kami at napatingin ako sa babaeng nasa harapan namin. Napansin ko ang kasama niya na nakahawak sa dibdib at napansin ko ang bahagyang pag ilaw ng dibdib nito. Ibig sabihin, siya ang isa sa kambal na pixie dust? Ang white pixie dust, na katulad ni tita Jewelle? Nagkatinginan kaming tatlo at pareho kaminh hindi makapaniwala sa nalaman at nakikita namin "Heart," tawag no'ng babaeng nakilala namin at hinawakan niya ang kasama niyang babae. So, ibig sabihin nito, magkakilala nga sila. Napangiti ako at mayamaya ay napangisi. Pagkakataon nga naman, talagang sinuswerte kami. "Akala ko, 'yun na ang huli nating pagkikita," mayamaya ay sabi ko sa kanila. Napalingon siya sa amin at bakas ang pagkagulat sa kanyang mga mata nang makita kami. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa reaksyon niya. Napansin kong tumingin sa kanya ang kasama niya bago sa amin. Hindi niya maalis ang tingin sa amin o sa madaling salita, sa akin mismo. "Kilala mo ba sila, insan?" tanong nito sa kanya. Hindi siya umimik sa tanong ng kasama niya. Natigilan naman ako, nang mapagtanto ko ang huling sinabi nito. Insan? Ibig sabihin mag pinsan sila. Napatingin ako kina Jarryl, nakikita ko ang kakaibang tingin nila. Kaya hindi ko rin maiwasang hindi mag isip nang kung ano. Nasa harapan namin ang bagong tagapagmana ng kambal na pixie dust. Higit sa lahat magpinsan pa. Kung sinuswerte ka nga naman. "Hindi ko sila kilala, tara na baka ma-late pa tayo," mayamaya ay narinig naming sabi nito at inaya ang pinsan niyang umalis. Hinayaan kong makaalis sila. Nanatili akong nakatingin sa kanila maging sina Jarryl. Napansin niya ata na nakatingin kami sa kanila dahil bahagya siyang lumingon sa amin ngunit agad din iniwas. Napangisi na lang ako sa ginawa niyang iyon. "Akalain mo nga naman, magpinsan pala ang bagong tagapagmana." narinig kong sabi ni Yuan. "Anong balak natin ngayon, Izyll?" tanong sa akin ni Jarryl. Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Ano nga ba ang gagawin namin? Nasisiguro ko kasing mahirap paamuhin ang babaeng iyon. Sa dating palang niya ay tila ma-otoridad kung makatingin. "Dadahan-dahanin natin sila, mahirap nang biglain. Kailangan muna nating makuha ang loob nila," suhesyon ko sa kanila. "Kung ganoon k-kaibiganin natin sila?" saad ni Jarryl. Napatango ako "Oo, dahil sa tingin ko mahihirapan tayo sa kanila. Kaya kailangan nating kaibiganin sila at gagawin natin lahat nang paraan para mapalapit sa kanila," nakangising sabi ko. "Okay! This is really exciting, haha!" Nag apiran pa silang dalawa, mukhang magugustuhan namin ang mission na ito. Lalo na at medyo mahirap paamuhin ang mga ito. Nagpatuloy na kami sa paglakad, upang pumunta sa dean's office. Para makuha namin ang schedule at room namin. Matapos naming makuha iyon, pumunta na kami sa room namin. Nang makarating kami, biglang natahimik ang maingay na Classroom. Bahagya akong napailing, parang sa Academy lang din namin. Ganitong-ganito ang eksena sa tuwing papasok kami. Biglang tatahimik pero mayamaya biglang magsisigawan. Ewan ko lang ngayon. Nagpatuloy kami sa pagpasok at napili naming sa dulo uupo. Ngunit, napahinto ako nang makita ulit siya. Nagkatitigan kami saglit, bago ako ngumiti sa kanya na siyang ikinaiwas niya nang tingin. Hindi ko rin aakalain na magiging magkaklase pa kami ngayon. I smirked. Mukhang pinaglalapit kaming lahat. Mayamaya ay may pumasok na guro at siguradong siya ang magiging adviser namin dahil sa dami niyang dalang folder. "Okay, class we have a new student in this semester. To those new students, please introduce yourselves," sabi nito. Napansin kong natahimik ang mga ito at bahagyang lumingon ang mga ito sa gawi namin. Akmang tatayo na ako, nang biglang may tumayong isang babae sa unahan namin. It's her! Ibig sabibin, new student din siya? "I'm one of the new students. I want to introduce myself. I'm Khendrey Marthelle, 20 year's old. I'm from korea and of course, I'm Hearthelle's cousin. That's all," pakilala niya sa aming lahat. Ohh? So, she's Khendrey huh? Napansin ko naman ang bulungan sa paligid, habang napapatingin ang mga ito sa kanya. Hmmm. "How about you, boys at the back?" narinig kong sabi ng aming guro at ang tinutukoy niya ay kami. Kaya naman naunang tumayo si Yuan. Narinig ko ang impit na sigaw ng mga babae, habang nakatingin kay Yuan. Napapailing na lang ako. "Well, I'm Yuan Fenglan, 22 years old. Nice to meet you all," nakangiting sabi ni Yuan at kumindat pa sa mga babae. Mayamaya ay si Jarryl naman ang tumayo at upang magpakilala. "Hello? By the way, I'm Jarryl Disu, 22 years old. I hope, we can be friends," nakangiting sabi ni Jarryl. Naririnig ko pa rin ang impit na sigaw ng mga babae, matapos magpakilala ni Jarryl. Kaya pagkatapos niya ay ako na ang sunod na tumayo. Napatingin ako sa kanya at bahagya siyang sumulyap sa kinaroroonan namin, lalo na sa akin. Palihim na lang akong napangiti, bago nagpakilala. "I'm Izyll ryo French, 22 years old," tanging sabi ko at muling umupo. Hindi ko na pinansin ang mahihinang sigaw na naririnig ko at sa kanya lang nakatuon ang paningin ko. Kaya naman napansin kong bumaling siya sa akin, kaya napangisi ako. "Oh my ghad! Is this real? They're back?! Omo!" "I've heard them before when I was freshmen in this school. Oh my ghad! Nandito na pala ulit sila!" "Talaga? Dito rin sila?" "Oo, pero nakakapagtaka dapat graduate na sila. Kaya bakit narito pa sila?" "Dalawang taon na, noong bigla silang nawala. Walang kahit sino ang may alam kung nasaan sila. Tapos ngayon heto sila, oh my ghad talaga!" Kahit hindi ko pansinin ang mga sinasabi nila ay talagang naririnig ko pa rin. Kahit bulong lang iyon ay malakas ko pa ring naririnig. Oo, nandito kami 2 years ago. Nag aral at nakikisabay sa mga studyante dito at kilala ng lahat. Subalit nandito lang kami noon dahil lang rin sa isang misyon. Pagkatapos ay umalis lang rin kami, dahil tapos na ang aming misyon. Ganito rin ang gagawin namin ngayon at dahil kilala na namin ang bagong tagapagmana. Kailangan na lang naming gawin ay makipaglapit sa kanila, bago sabihin ang totoo naming motibo. Hindi namin pweding pwersahin na dalhin sila, dahil baka magka-problema pa. "Mabuti naman at bumalik kayo dito, Jarryl," sabi sa amin ng aming guro. Napatingin naman ako kay Jarryl at napatingin din siya sa akin. Magkakilala ba sila? "Well, I think you didn't know at all. Let's talk later, by the way class, I'm here to give you an assignment. At dahil bago lang silang apat ay wala muna silang gagawin sa assignment at magiging watcher niyo lang sila. I have an important to do this day. Kaya magkita-kita na lang tayo bukas. Ms. Mallari? Give this sheets to everyone," sabi nito. Nakita kong may tumayong babae at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang mga papel at binigyan isa-isa ang lahat, maliban sa aming apat na bago. Pagkatapos no'n ay umalis na rin ito at iniwan kami. Nakita ko namang nagsimula na silang gawin ang iniwan sa kanila. Samantalang kami ay nakatingin lang. "Kilala mo ba ang guro na iyon, Jarryl?" mayamaya ay narinig kong tanong ni Yuan, kaya napatingin ako sa kanila. "Hindi ko alam pero parang pamilyar siya sa akin. Baka isa rin siya sa mga naging guro natin dati, kaya kilala tayo," sagot ni Jarryl sa kanya. "Hmm, sabagay," tugon ni Yuan. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila at muli akong napasulyap kay Khendrey. Nahuli ko na namang nakatingin siya sa amin at agad umiwas nang lumingon ako. Napapailing na lang ako at may naisip na kalokohan. Pasimple kong pinalabas ang kapangyarihan ko at pinalipad ang papel na nasa desk nila ng kanyang pinsan. Dahil nga abala ang pinsan niya ay siya ang pumulot sa papel na nahulog sa sahig. Nang mapulot niya ay binalik niya ito, kung saan ito nilagay ng pinsan niya at muling tiningnan ang ginagawa nito. Ngunit hindi doon natapos ang kalokohan ko. Muli ko na namang pinalabas ang kapangyarihan ko at inihulog ang bag niya na nasa likuran niya. Napansin niyang nahulog ito, kaya pinulot niya. Muli kong ginalaw ang kamay ko at pinaatras ang upuan niya nang akmang uupo na siya. Kaya naman, bigla siyang bumagsak sa sahig dahil sa nangyari. "Omo! Ayos ka lang ba?" agad na sabi ng kanyang pinsan at dinaluhan ito. "Yeah, it's okay," narinig kong sagot niya at bahagyang napasulyap sa akin. Iniwas ko naman ang tingin ko, upang hindi niya mapansin na ako ang may gawa no'n. "Hindi naman masyadong mahangin at aircon naman ang classroom natin. Siguro dahil may nakikipaglaro sa akin," mayamaya ay narinig kong sabi niya. "Huh? Anong nakikipaglaro?" "Nothing. Just continue what you are doing," sabi niya. Muli akong napatingin sa kanya at nakita kong nakatagilid siya na nanonood sa ginagawa ng kanyang pinsan. Sakto rin iyon at madali lang niya akong tingnan. Alam ko namang may alam siya sa amin, kaya masarap mang asar lalo na kapag may alam. "Hoy!" Napatingin ako kina Jarryl, nang bigla nila akong siniko at nakita ko ang mapang asar na tingin sa kanilang mga mata. "Anong ginagawa mo? Mukhang nai-enjoy ka ah?" puna sa akin ni Jarryl at napasulyap kay Khendrey, na paminsan-minsang napapatingin sa amin. "Hmm, mukhang may naaamoy kaming kakaiba ah," pang aasar pa ni Yuan. Napasinghal lang ako sa sinasabi nito at napangisi. "Sabi nga niya di ba? Na wala siyang pakialam kung sino tayo. Pwes, ipaparamdam ko sa kanya kung ano talaga tayo," nakangisi kong sabi sa kanila at muling tumingin kay Khendrey na nakatingin sa akin. Wala sa sariling kinindatan ko siya, kaya mabilis niyang iniwas ang kanyang tingin sa akin. Kaya bahagya akong natawa sa naging reaksyon niya sa ginawa ko. "Hmm, mukhang iba ang napapansin namin eh, di ba, Yuan?" narinig kong sabi ni Jarryl. "Oonga eh, pakiramdam ko na love at first sight ka sa kanya," deretsong sabi ni Yuan sa akin. Kaya napatingin ako sa. "Gago!" sabi ko sinuntok ko siya sa kanyang balikat pero tinawanan lang ako nito. Napapasinghal na lang ako at hinayaan kung ano man ang sinasabi nila. Wala naman akong pakialam, dahil alam ko namang inaasar lang nila ako. Nanahimik naman sila at hindi ko na rin binigyang pansin si Khendrey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD