Chapter 19

2054 Words
Inaya na kami nina Flare na pumunta sa pool, kaya naman sumunod na kami sa kanila. Kaya naman naagaw namin ang atensyon ng mga naroon, higit doon ang mga lalaki. Kaya medyo naiilang ako lalo na sa suot ko. Paminsan-minsan lang kasi ako nagsusuot ng ganito, kapag maraming tao. Pumunta kami sa pool side, kung saan may table doon na naka-reserve na raw sa amin at kasama namin sina Flare doon. Nakikita kong may waiter na nags-serve ng mga inumin, lalo na ng mga pagkain. Kaya nang umupo kami sa table na iyon ay naglagay na rin ng mga pagkain ang mga waiter doon. Masayang tingnan ang paligid dahil sa tugtog ay may sumasayaw na rin, lalo na at may mini-stage na malapit din sa pool. "Ang saya naman," komento ni Heart habang napapatingin sa paligid. "Yeah, para na rin tayong nasa isang bar," sabi rin ni Zhennie. "Mabuti naman at nagustuhan niyo, sana mag enjoy kayo," nakangiting sabi ni Flare sa kanila. "Oo naman no!" masiglang sabi naman ni Zhennie at nakipag apiran kay Heart. Napapailing na lang akong nakatingin sa kanila. Kumuha ako ng pagkain at nagsimulang kumain. Ganoon rin sila Heart, habang patuloy pa rin sa kwentuhan ang mga ito. Tahimik lang akong kumakain habang nagmamasid. Mayamaya ay may umakyat sa mini-stage at kumanta ng rock song. Naging maingay ang paligid dahil sa pagkanta nito. May napapasayaw pa at naghihiyawan. Ngunit naging seryoso ang tingin ko, nang maramdaman ang kakaibang enerhiya sa paligid. Hinanap ko ito, ngunit hindi ko mahanap kung saan. Mayamaya ay nakita kong tumayo sina Heart at inaya akong pumunta malapit sa mini-stage. Ngunit hindi na ako sumama, kaya naiwan lang ako sa table at nanood lang. Nagbukas ako ng wine at nagsimulang uminom. "Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Napatingin ako sa taong bigla na lang umupo sa tabi ko. Kuno't noo akong napatingin kay Izyll. May hawak siyang alak at umiinom din tulad ko. Inalis ko na ang tingin sa kanya at nagpatuloy sa pag inum. "Hindi naman talaga ako mahilig sa ganito. Okay na akong nakatingin lang," sagot ko sa kanya habang nakatingin sa kinaroroonan nina Heart. Nakikisabay sila sa mga ito. Sumasayaw at sumisigaw sa tuwa. "You're really mysterious," tanging sabi niya sa akin. Napataas ang kilay kong muling tumingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin habang nakangiti. "Bakit mo naman nasabi iyan?" tanong ko sa kanya. "Because that's what I feel, when we first meet," sabi niya sa akin. Napatitig akong mabuti sa kanya, ganoon rin siya sa akin habang nakangisi siya. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya at mariin siyang tinitigan. Hindi naman siya nagpatinag at ginawa rin niya ang ginawa ko. "I know you want something from me, since we meet again. I can feel it, tell me. This party, is it for you or for us to get closer?" sabi ko sa kanya. Nakita ko sa mga mata niya, kung paano siya matigilan sa sinabi ko. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya, ganoon rin siya sa akin. "Do you really want me to answer that?" sa halip na tugon niya sa akin. "It's up to you, if you want to tell me," hamon ko sa kanya. Hindi agad siya nagsalita sa sinabi ko at ganoon pa rin kalapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Pinakiramdaman ko kung ano ang gagawin niya. Kung ano nga ba ang magiging kilos niya. "What's going on here?" Natigilan kaming dalawa at sabay na inalis ang tingin sa isa't isa. Napatingin ako sa biglang nagsalita at nakita namin sina Heart na nagugulat na nakatingin sa amin ni Izyll. Kasama na rin nila sina Jarryl at Yuan. Lumayo ako kay Izyll at agad na ininom ang wine na nasa harapan ko. "Anong mayroon?" nagtatakang tanong ni Zhennie sa aming dalawa. Hindi pa rin kami nagsalita at nakatingin lang rin sila sa amin. Tsk! Tumayo ako bigla. "Restroom lang ako," tanging sabi ko sa kanila at naglakad paalis. Hindi na nila ako napigilan kahit pa narinig ko pang tinawag nila ako. Dumaan ako sa gilid ng pool at napansin kong may napapasulyap sa akin. Hindi ko na sila tiningnan pa at deretso lang ang tingin ko. Ang kaso bigla na lang akong may naramdaman sa likod ko at huli na para mapigilan ko ang sunod na nangyari. May tumulak sa akin, kaya nahulog ako sa pool. Muntik pa akong makainum ng tubig dahil pagkabigla. Nang tumingin ako sa taong tumulak sa akin ay nakita ko si Clarise na nakangisi sa akin. Sinamaan ko siya nang tingin, bago niya ako tinalikuran. Ngunit mayamaya ay bigla na lang rin siya nahulog sa pool, kahit wala naman akong nakitang may tumulak sa kanya. Napakunot-noo ako at tumingin sa kinaroroonan nina Heart. Nakita kong nakatayo si Izyll at seryosong nakatingin sa gawi namin. Naramdaman ko ang kakaibang enerhiya na pinalabas niya. Kaya napatingin ulit ako kay Clarise na ngayon ay katulad nasa pool. "s**t! Who push me!" naiinis na sigaw nito. "Wala kaming ginawa!" sabay na sabi ng kanyang kasama. Bumaling naman sa akin si Clarise at masamang tingin ang kanyang ibinigay sa akin. "What are you looking at?" naiinis na sita nito sa akin. Napairap lang ako sa kanya. "You deserve it," tanging sabi ko at umahon sa pool. Naglakad na ako paalis at hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Nagtungo na ako sa loob ng Mansion at hinanap ang restroom. Medyo malaki ang mansion kaya nahirapan akong hanapin ito. Nang mahanap ko na ito ay pumasok ako. Napatingin ako sa harap ng salamin. Natanong ko na lang ang aking sarili, kung handa nga ba akong alamin ang dahilan nila. Napabuntong-hininga ako at napayuko na lang. "I think it's time for you to know everything.." Napaangat ako nang tingin, nang may nagsalita sa likod ko. Nagulat ako nang makita siya. Like what the F*ck? Bakit siya nandito? Di ba kasama pa siya nina Heart doon kanina? Kaya bakit siya nakapunta dito at saan siya dumaan? Napaatras ako. "B-Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok, Izyll?" nagugulat na tanong ko sa kanya. "Alam kong alam mo na ang sagot diyan. Kaya tatanungin ulit kita, handa ka bang malaman ang totoo?" saad niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin at sasagutin ko dahil sa subrang gulat na nararamdaman ko. Napaiwas ako nang tingin sa kanya. "Bakit ka ba nagsasalita ng ganyan?" sa halip na sabi ko sa kanya. Napansin kong naglakad siya palapit sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. "W-What are you doing? Don't come near me," banta ko sa kanya at sinamaan siya nang tingin. Napangisi lang siya at nagpatuloy sa paglapit sa akin. Iniharang ko ang kamay ko sa kanyang dibdib dahil sa subrang lapit na niya sa akin. "Ano ba!" naiinis ko nang sabi sa kanya. "I know, you also want something from us. May gusto ka ring malaman, kahit may sagot ka na sa tanong mo. Hindi ako ganoon ka tanga para hindi mahalata ang motibo mo sa akin," sabi niya habang nakatingin sa akin. Napaangat ang tingin ko sa kanya at sinamaan pa rin siya nang tingin. "Get off me," mariing sabi ko sa kanya. Subalit ibinaba niya lang ang mukha sa akin, kaya napaatras ang ulo ko palayo sa kanya. "Do you want me to show you something?" sabi niya sa akin. Hindi ako nagsalita at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Mayamaya ay nakita kong may inilabas siya sa kanyang leeg. Isang Kwentas at nakita kong may kung anong lumalabas dito na hindi ko alam kung ano. Bahagya rin itong umiilaw at na kulay ginto. Habang nakatingin ako dito ay may naramdaman akong init na nagmumula sa dibdib ko. Kaya naman tinulak ko palayo sa akin si Izyll at napahawak sa dibdib ko. "Ah!" daing ko. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman. Para bang may umuukit sa dibdib ko, na subrang init at sakit. "Ganyan ang magiging epekto saiyo, kapag subrang lapit mo sa kwentas na ito. Dahil parang hinihigop nito ang iyong enerhiya. That's your reaction because of this necklace," narinig kong sabi niya. Napatingin ako sa kanya, habang nahihirapan ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko at bahagyang napatingin sa harap ng salamin. Kaya naman nakita ko ang isang bagay na umuukit sa aking dibdib. "Ahhhh!" napasigaw ako sa subrang sakit. Hanggang sa nakita ko ang half moon na nasa dibdib ko. Mayamaya ay biglang nawala na ang sakit na naramdaman ko. Napapikit ako at bumaling kay Izyll. Nagagalit akong napatingin sa kanya. "You! What did you do too me! Bakit ganoon ang nararamdaman ko? Sino ka ba talaga!" galit kong sigaw sa kanya. Nanatili siyang nakatingin sa akin at napabuntong-hininga. "I'm sorry, for making yourself uncomfortable. But I will ask you again, do you really want to know everything?" muli niyang tanong sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya at nakaramdam ako nang kaba dahil doon. Napatingin ako sa kwentas na suot niya at napaisip sa posibleng mangyayari. Tama nga bang alamin ko ang lahat? Tama bang malaman ko ang bagay, na dapat hindi ko malaman? Napapikit ako at napabuntong-hininga. "Fine. Tell me everything," seryoso kong sabi sa kanya. Kaya naman napangiti siya at naglakad palapit sa akin. Hindi na ako umatras at umiwas nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos niya ito. "Sumama ka muna sa akin," sabi niya sa akin. Mayamaya ay nagulat ako sa sunod niyang ginawa, naging mabilis ang pangyayari at nagulat na lang ako ng nasa rooftop na kami ng Mansion. Nagugulat akong napatingin sa kanya at napatingin sa ibaba. Mula dito ay nakikita ko ang mga nagkakasiyahan sa may pool. Dahan-dahan akong napatingin sa kanya. "P-Paano mo nagawa iyon?" nagugulat kong tanong sa kanya. "That's one of my magic and it's called, teleportation," sagot niya sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. His magic? As in magic? Nasapo ko na lang ang aking noo, dahil talagang hindi ako makapaniwala. "Wait, let me think for a second. I was still shock and I can't believe what I witness," sabi ko sa kanya. Naglakad siya palapit sa gilid ng railings at tumingin sa mga nagkakasiyahan sa ibaba. "I know, and I can understand that. It's really unbelievable, but that's the truth. I have a magic power and we are here because you're our mission," pag amin niya sa akin. Natigilan naman ako sa huli niyang sinabi. Our mission? A mission? "W-What do you mean by that?" nagtatakang tanong ko sa kanya. "I don't know how to explain this, But, I need to tell you. Khendrey, you are the new heredem of the gold pixie dust. You are the heiress that we need to find. My mother.... My mother's need you," paliwanag niya sa akin at naramdaman ko ang lungkot sa kanyang huling sinabi. Hindi ko naman alam kung ano ang mararamdaman ko sa lahat ng sinabi niya. I'm the new heredem of the gold pixie dust? What was that anyway! Napapailing akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam kung paano paniniwalaan ang kanyang mga sinabi. "Izyll, I don't know what you say. What is gold pixie dust?" naguguluhang tanong ko sa kanya. "Gold pixie dust was a powerful magic in our world. That magic was already at your body when you born in this world. You are destined to be the new heiress of that magic and also, it's that also the only one who can cure my mother in the deepest illness," muling paliwanag niya sa akin. Napaiwas ako nang tingin sa kanya dahil hindi ko talaga alam, kung kaya ko nga bang tanggapin ang tungkol sa mga nalaman ko. Hindi ako nakapagsalita at para bang may kung ano sa loob ko na hindi ko rin maipaliwanag. "We are here because we want you to go with us in our world, to cure my mother. Only you can cure my mother's illness, Khendrey," malungkot niyang sabi sa akin. Hindi pa rin ako nakasagot sa kanyang mga sinabi. Ngunit mas lalo akong hindi nakapagsalita, sa kanyang sunod na sinabi sa akin. "Heart is also the new heredem with the magic power of white pixie dust. Both of you is destined to be the new heiress," sabi niya sa akin. Napaatras ako at hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya. Ano ba itong mga nalaman ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD