KABANATA 1: Pamilya Aragon

1834 Words
KABANATA 1 Angeline’s Point of View NAPABUNTONGHININGA ang ginang na kilala ng buong bayan bilang Senyora Melida nang matapos marinig ang ilan sa mga huling habilin ng mayaman na asawa, nakaratay na ito sa malawak nitong kama at halos hindi na makahinga nang maayos dulot ng malubhang karamdaman, na kahit anong yaman nila ay hindi na masolusyunan. “Huwag ka munang mamaalam, malalagpasan natin ito...” pinunasan ng Senyora ang kaniyang maluha-luhang mata gamit ang puting panyo saka dahan-dahang naupo sa tabi ng Senyor para hawakan ang kamay nito. “Pero kung kukunin ka na ng mahal na Panginoon, huwag mo naman kalimutan ang mga anak mo... alam mo na, detalyadong last will of testament. Properties, assets, lands. Pati ako, asawa mo ‘ko na nag-aruga at totoong nagmahal sa ‘yo...” “Lumabas ka na, pakiramdam ko lalong napapadali ang buhay ko kapag naririnig ko kung gaano ka kaganid sa pera at ari-arian ko.” Nanghihina nitong litanya sa kaniya. Napadiretso ng linya ang mga labi ng Senyora saka nahihiyang napasulyap sa mga kasambahay nilang kasama sa loob ng parehong silid, kasama ako, nakatayo sa gilid at may hawak na mga tray ng gamot at pagkain para sa Senyor. “Alam mong hindi totoo ‘yan, Philip.” “Papasukin mo rito si—“ “Presley? Nariyan siya sa labas, tatawagin ko!” Nagmamadali ang Senyora sa pagtungo sa pintuan pero agad na nagsalita muli ang matanda. “Hindi si Presley.” Nilingon siya ng Senyora. “Si Raphael ang gusto ko makausap.” Nanghihina nitong dugtong saka naubo. Natigilan ang Senyora nang marinig ang pangalan ng ‘hindi paboritong’ anak niya sa asawa. Hindi man gustong ipahalata ang pagkadismaya ngunit naipinta naman sa kaniyang reaksyon at pekeng ngiti saka tumango na lang at dahan-dahang tumalikod na para lumabas ng silid. Sumunod kami ng ilan sa mga kasambahay para i-assist ito sa mga kailangan niya. “Tawagin ninyo si Raphael.” Bakas na bakas ang dismayadong ekspresyon nang sabihin niya iyon sa mga ilan sa aming kasambahay nila sa mansyon. “Nakarating na ba siya rito o wala pa rin? Baka naman ginagalit talaga ako ng lalaking ‘yon at pinaaasa na naman na magpupunta siya rito?” Lumapit ang mayordoma sa mansyon at bahagyang nakayuko na nakipag-usap sa striktang Senyora. “Nagsabi siya ilang minuto pa lang ang nakakaraan, naroon na raw sa tulay ang sinasakyan niyang kotse.” Napairap ang Senyora at inis na inagaw ang pamaypay na hawak ng kasambahay na palaging nakasunod sa kaniyang likuran saka pinaypayan ang sarili. “Kung pwede lang na huwag na siyang magpunta rito, hindi ko talaga maunawaan kung bakit hindi nahihiya si Philip na bigyan pa ng mana ang anak niyang ‘yan at pilit pang pinatitira rito sa mansyon! Kahit para na lang sana sa pangalan ng pamilya namin dito!” Ang tinginan ng mga kasama kong kasambahay dito sa mansyon ay awtomatikong nagtama sa narinig na misteryosong pahaging ng Senyora tungkol sa isa pa nitong anak. Pasimpleng tumikhim ang mayordoma saka nagsalita. “Baka ho dahil si Senyorito Raphael ang sumalba at nagpaangat ng mga naluluging negosyo natin kaysa ho noong kayo ni Senyorito Presley ang nagpapatakbo noon...” “Ha!” Malakas na sigaw nito saka inambaan ng pamaypay ang mayordoma. “Ikaw, malapit na kitang palitan sa serbisyo mo rito, kapag hindi mo pa kinontrol ‘yang dila mo! Wala akong pakialam kahit magte-trentang taon ka na rito!” “23 years lang, Senyora, wala pang trenta...” Pinandilatan siya ng mga mata ng Senyora kaya nang marinig ang malakas na busina ng sasakyang bagong dating sa labas ng mansyon ay kinuha na niyang dahilan para magpaalam na tumalikod na at lumabas. “Kahit huwag ka ng bumalik dito, animal ka!” Nanggagalaiting bulyaw ng Senyora kaya natatawang nagpatuloy sa mabilis na paglalakad ang mayordoma palabas. Kasambahay ako ng pamilyang Aragon, pinakamayaman at maimpluwensyang pamilya sa bayan ng Hermosa, pero tuwing Huwebes hanggang Sabado lamang. Mga araw na gusto ng Senyora ay maraming gumagalaw na tao sa malaki at magarang mansyon nila para matapos agad ang mga dapat trabahuhin. Sa ibang araw naman ay nasa freshwater pearl farm nila ako. Nagtatrabaho pa rin. PAGKAPASOK ng magarang kotse sa malaking-malaking garahe ng mansyon ay agad na pinatay ng nakasakay ang makina ng sasakyan at dire-diretsong nagtungo papasok ng mansyon. Sinalubong namin siya, mga nakahilerang kasambahay sa loob na nasa walo pataas ang bilang, mga seryoso at nakayuko bilang paggalang ngunit kaniya-kaniyang pag-akto ng pagkahimatay at mahihinang hagikhik pagkadaan niya lagpas sa amin. “Ang gwapo talaga ng Senyorito!” Impit nilang bulalas nang makalayo na ito at kasalukuyang seryosong umaakyat sa enggrande at malawak na hagdan ng mansyon. Totoo iyon. Napakagwapo niya ngang tunay... kayumanggi ang kulay ng balat at itim na itim naman ang buhok, matipuno ang katawan, lalaking-lalaki sa porma nito, singkit ang mga mata na lalong nagdagdag sa strikto niyang hitsura, hindi ngumingiti. Siguro ay kasing ugali ang kaniyang ina. Sumunod ang ilan sa amin sa kaniyang likuran, kung sakali mang may iuutos ito. Natapilok pa ako sa hagdan at impit na napasigaw, nakakahiyang lumingon ang Senyorito sa akin at mabilis na nasalo ang akong beywang. Natigilan kami pareho, lalo na ako! "Careful." "S-Salamat po..." Saglit pa siyang tumitig sa akin saka nagbaba ng tingin sa aking mga labi bago nag-angat ng mga kilay at maingat na bumitaw. Matapos iyon ay walang pakialam na nagpatuloy na ito sa paglalakad. Tinukso ako ng mga katrabaho ko ngunit kunwa’y wala lang sa akin. Ngunit pagkatapos ng pagkakataon na iyon ay hindi ko na napigilang sumulyap nang sumulyap sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit. Iniling ko ang aking ulo at pinigilan ang sarili, normal lang ’to sigurado ako... “Raphael! Hijo!” Masayang bungad ng mayordoma sa kaniya saka nagbukas ng mga bisig para yumakap. “Manang Doring. Daig niyo pa ho ang nakakita ng bagong dating mula abroad na anak.” Walang ekspresyon na sambit ng binata saka tinanggap ang alok na yakap ng mayordoma. “Mas malala pa roon. Intindihin mo ang matandang daig pa ang may anak na isang beses lang nakikita kada taon.” Nagbibirong segunda ng mayordoma habang humihiwalay sa mahigpit na yakap niya rito. “What can I do, this place screams dullness. Boring.” Napapalatak ang matanda. “Pero nandito ka ngayon, nagbago na ba ang isip mo? Kailangan ka ng Senyor, lalo na ngayon... ikaw ang hanap niya palagi.” Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa sentro ng ikalawang palapag kung saan naroroon ang malalaking mga silid ng buong pamilya ng Senyor at Senyora. Nakasalubong pa nila ang Senyora na kasalukuyang nakasimangot at inaaway ang mga kasunod nitong kasambahay na pinapaypayan siya sa magkabilang gilid habang naglalakad. “Oh! Nandito ka na pala!” Nakataas ang parehong mga kilay na sita nito kay Senyorito Raphael. “Pagkatapos ng usapan ninyo ng tatay mo, magpunta ka sa silid ko at sabihin sa ‘kin lahat ng mapag-uusapan ninyo.” Bahagyang tumango si Senyorito Raphael kaya tumalikod na ang Senyora at umalis doon. “Yes, Manang, nagbago na ang isip ko. May mas magandang ideya at rason na ako para bumalik sa bayan na ‘to.” Pagsagot nito sa tanong ng mayordoma sa kaniya kanina. Napaangat ng noo ang mayordoma, kasabay ko, saka nilingon ang kasabay maglakad na Senyorito pagkarinig ng sinabi nito, naabutan ko ng tingin ang pilyo nitong ngisi, nakaangat ang sulok ng mga labi. Nag-iwas ng tingin ang mayordoma at bumuntonghininga. PUMASOK si Senyorito Raphael sa silid ng kaniyang ama saka pinalabas ang ilan sa mga kasambahay na nakabantay rito sa loob. “Ang gwapo niya, walang duda!” Sambit ng ilan sa amin. “Makinig at sumilip tayo...” idinikit nila ang kanilang mga tainga sa pinto habang sinisilip ang maliit na butas ng pinto. Natatarantang sinaway ko sila. “Baka mahuli kayo ng Senyora! Sabay-sabay tayong mawawalan ng trabaho, ano ba...” “Huwag ka nga, Angeline!” Segunda nito saka hinila ako para makisali. “Raphael! Masaya akong makita ka, anak...” bungad ng Senyor Philip sa kaniyang anak. Nanghihinang itinaas pa nito ang braso at kamay upang palapitin ang kausap sa kaniyang kinalalagyan. “Tignan mo nga naman... wala akong ibang nakikita sa ‘yo kundi perfection. Kahusayan. ‘Yan ang pinaghirapan ko sa pagpapalaki sa ‘yo...” naubo ito at nahirapang huminga ng ilang segundo. Dahan-dahang lumapit si Senyorito Raphael sa kinahihigaan ng ama at nanatiling blangko ang ekspresyon ng mga mata. “Look at you now, weak and useless.” Nawala ang ngiti ng matanda sa kaniyang mga labi. Ganoon din kami rito, nabigla ang lahat. “Alam ko kung bakit mo ‘ko pinapunta, alam ko rin na ako ang pinaka kailangan mong utuin sa sandaling oras na lang ng buhay mo.” Pumalatak si Raphael at nang-uuyam na nginisihan ang nanghihinang matanda. “Not to mention na nakakatawang tinatawag mo na akong anak ngayon.” “What are you talking about—“ “You want to secure an heir from me before you die, right?” “Raphael.” Mabilis na lumayo ako. “Hindi tamang makinig tayo riyan, kung ayaw niyong maniwala sa ‘kin bahala kayong mahuli.” Pinandilatan ko ng mga mata ang mga katrabaho ko at nagmartsa palayo. Mga siraulo talaga, ang hirap pa naman humanap ng trabaho rito sa bayan, mahirap na matanggal! Ngunit sa paglayo ko... hindi naalis ang kuryosidad ko sa kung ano at saan pa tutungo ang usapan na iyon. “Gusto mong magpatuloy ang pangalan at dugo ng pamilya dahil kahit bastardo man ako sa pamilya Aragon... hinding-hindi mo naman maaasahan si Presley sa ganitong bagay,” sarkastikong napabuga ng pagtawa si Raphael at nailing. “dahil una sa lahat, hindi ka naman sigurado kung anak mo ba talaga siya kay Melida, kung talaga bang may dugo siyang Aragon dahil sa tuso at hayok sa pera na asawa mo. Poor soul.” “Raphael! Kailan ka ba matututong gumalang!” “Para lang matapos na ang palabas na ‘to, uunahan na kita, Senyor.” Aniya sa sariling ama saka namulsa ang mga kamay at nang-uuyam na pinagmasdan ang nanghihina na kalagayan ng Senyor. “Wala ka naman ng magagawa ngayon kung hindi ko gustuhing mag-asawa at magkaroon ng anak.” Nag-hyperventilate ang matanda sa narinig at habol-habol ang paghinga na umungol habang sapo ang kaniyang naninikip na dibdib. “Narito lang ako para panoorin kang mawalan ng pag-asa sa kama na ‘to at hintayin kung kailan ang huling hantungan mo. Adios, Papa.” Madilim ang ekspresyon na ngumisi siya sa Senyor at paatras na humakbang patungong pintuan. “Wala kang kwenta... wala kang utang na loob... hangga’t nabubuhay ako... susunod ka sa mga gusto ko!” Umiling lang si Raphael at binuksan ang pinto para lumisan sa silid. Saktong natatarantang pumasok ang mga kasambahay ng Senyor nang marinig ang nahihirapang ungol ng matanda dulot ng paninikip ng dibdib saka kinalma ito at binigyan ng mga gamot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD