SINCO

2503 Words
LUNA | SINCO 10:21 A.M NAMELESS ASSAILANTS OF PROSECUTOR GARCIA AND OCAMPO Prosecutor Juanito Garcia was shot to death in his house by still unidentified assailants at around 06:06 p.m. on October 31, Saturday. The person he protects, Marcel Ocampo, also died. Three rounds of ammunition were buried in the heads of the two poor victims. The motive of unnamed assailants are still under investigation. Sa araw ng kaarawan ni Isabel, naging usapin sa lugar nila ang balita tungkol sa dalawang biktima na walang awang binaril at pinatay. Wala siyang narinig mula sa mga taong nadadaanan niya kundi ang balita tungkol sa dalawang homicide. Gamit ang kanyang bisikleta, patungo siya ngayon sa cake shop para kunin ang in-order nilang cake ng kanyang ina kahapon.  Her father insisted he would go and pick up her cake but she and her mom refused. Sinabi rin ng ina niya na baka imbis na sa cake shop dumiretso ang ama ay sa agency ito magtungo.  “Grabe ka naman, Ella.” turan ng kanyang ama nang marinig ang sinabi ng asawa. Sinimangutan ito ng kanyang ina at saka ito namaywang. “Mabuti na ‘yong sigurado, Ismael. Kaarawan ng anak mo at nangako ka sa kanyang hindi ka aalis.” Hindi maiwasang mapangiti ni Isabel nang maalala ang pagkampi sa kanya ng ina. Kunsabagay ay sinabi rin nito na ang mga pangako ay dapat tinutupad. Kailangan, ang isang tao ay may isang salita.  Sa pagliko niya sa kaliwa, nadaanan niya ang bus station kung saan lagi silang naghihintay ng kanyang ama tuwing weekdays. Kahit Linggo ay may nakita siyang mga pasahero na naghihintay ng bus.  Nang makarating si Isabel sa destinasyon niya, ipinark niya ang kanyang bisikleta sa bicycle rack na nasa tapat ng cake shop. Kinuha niya ang pitaka na nasa basket ng kanyang bisikleta at saka pumasok na ng establisimyento.  Binati siya ng dalawang staffs ng shop. Binigyan lang niya ang mga ito ng isang matipid na ngiti bago dumiretso sa cashier. Sinabi niya ang sadya niya at saka pinakita ang resibo. Nang makita ng cashier ang papel ay tinawag nito ang kasama at binigay doon ang resibo.  “Pakihintay na lang po, Ma’am.” Tumalikod ang kasama ng cashier at pumasok sa isang kwarto.  Habang hinihintay niya ang kanyang cake ay tinuon na muna niya ang kanyang atensyon sa mga cake at pastries na naka-display sa isang glassed cake cabinet. Her eyes sparkled in awe as she glanced over the delicious cakes and pastries one by one. Her tummy would rumble if she eat those mouth-watering sweets. Bumalik lang siya ulit sa counter nang lumabas na ang isang staff. Hawak-hawak nito ang isang purple with white stripes na box. Nang ilapag ng staff ang box sa counter, lumawak ang ngiti niya sa labi nang makita ang cake na pinili ng kanyang ina para kanya.  ‘Happy 18th Birthday, Isabel! We love you!  From Mama and Papa’ That is what written on her chocolate cake using a white icing. Walang masyadong palamuti ang kanyang cake. Simple lang pero sapat na ‘yon para matuwa siya.  Isinara na ng staff ang box at saka tinalian ito ng kulay pink na ribbon. Nilagay naman sa isang maliit na paper bag ang dalawang kandila niya na pormang numero ng uno at otso.  Bago siya lumabas ng cake shop ay nagpasalamat siya sa dalawang staff. Pinasok niya ang box sa basket. Saktong-sakto lang ang size ng box ng cake sa kwadradong basket ng kanyang bisikleta. Nang masiguradong hindi masisira ang pagkain, hinila na niya ang bisikleta sa bicycle rack at saka na siya nag-pedal pauwi.  Bago ulit siya makaliko sa kanan, nadaanan niya ulit ang eight - thirteen bus station. Sa mga oras na iyon, huminto na siya sa pagpepedal nang mapansin ang lalaking lagi niyang nakakasabay. Cent was in his usual get up; a gray hooded sweatshirt, faded jeans and his sandals. Nakatayo ito malapit sa poste ng waiting area ng istasyon. His hood was covering his head whilst his both hands were in his pocket. Hindi niya alam kung sadyang assuming lang siya o talagang nakatingin ito sa kanya. Mukha man siyang tanga ay itinaas niya ang kanang kamay saka ito kinawayan. Sampung metro lang ang layo nila sa isa’t isa kaya pansin niya ang bahagyang pagpiksi nito sa kinatatayuan at ang pag-angat ng magkabilang kilay nito. That confirmed her guts na sa kanya talaga ito nakatingin. “Eh? Bakit parang biglang-biglang siya?” bulong niya sa sarili. Ilang segundo rin ang lumipas bago ito tumalikod at saka malalaki ang mga hakbang na sumakay sa humintong bus sa tapat ng eight-thirteen waiting area. Her eyebrows furrowed in confusion. She tilted her head to the side, staring the spot where Cent standing seconds ago.  Kung hindi pa sumagi sa isip niya ang cake, baka nagtagal siya roon na tinatanong ang sarili kung bakit tila malungkot ang mga ibinigay na tingin sa kanya ni Cent.  Pagkauwi niya ng bahay, dumiretso siya sa kusina. Nadaanan pa niya ang kanyang ama na nasa sala, nakaupo sa mahabang kulay abong sofa at nakatutok ang mga mata sa telebisyon. Nadatnan naman niya sa kusina ang ina na niluluto ang caldereta.  “‘Ma,” ungot niya sa ina nang ilapag niya ang dalang box sa mesa.  Saglit siyang nilingon ng ina. Binalik din kaagad nito ang atensyon sa niluluto. “Bakit, anak?” “Nag-away ba kayo ni Papa habang wala ako?” tanong niya habang nagsasalin ng tubig sa baso.  Pagkuwa'y natigilan ang ina. Tila ba ay nag-isip ng maisasagot. “Hindi. Bakit mo naitanong?” “Eh, hindi kayo nag-uusap, eh.”  “Ano ba ang ginagawa ng Papa mo?” Nakanguso na tinuro niya ang direksyon ng kanilang sala. “‘Yon. Nanonood ng balita, Mama.” Bahagyang umangat sa pagkakatayo si Isabel nang marinig ang kalantog ng sandok sa kawali pati na rin ang pagpalatak ng kanyang ina. Sa paglingon niya sa direksyon ng ina, iyon naman ang paghakbang nito at paglabas ng kusina. “Hindi ba, sinabi ko na sa’yo na ituon mo ang atensyon mo sa kaarawan ng anak mo,” rinig niyang angil ng ina sa ama niya. Nang sundan niya ang ina sa sala, nadatnan niyang nakatayo ang kanyang ina sa harap nito, hinaharangan ang telebisyon at nakamaywang. Habang ang kanyang ama, pagkabigla ang nakarehistro sa mukha nito habang nakatingalang tiningnan ang asawa. “Ella—” “Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan niyo ni Juanito noong nagkita kayo pero,” bumuntong hininga muna ito bago nagsalita. “Pero pwede bang kahit ngayong araw lang, para na lang kay Isabel, iwaglit mo muna sa isip mo ‘yong nangyari sa kanya?” Tumayo si Ismael. Bahagyang nakakunot ang noo. “Sa tingin mo, kaya kong pumirmi rito sa bahay at huwag isipin na paggising ko kaninang umaga, pagpatay sa kanya ang mababasa ko sa dyaryo?” Isabel’s lips automatically parted and her brows raised as she heard the phrases from her father. Lalo na ang salitang ‘pagpatay’. Murder.  “Eh, paano kung pumunta ka sa ahensya niyo at ibalita ‘yong hawak mong ebidensya ngayon, sa tingin mo magiging ligtas pa kami ng anak mo?” Ito ang unang pagkakataon na mapanood ni Isabel na nag-aaway ang kanyang mga magulang. Hindi siya sanay. Hinding-hindi siya masasanay marahil na rin ay sa paggising niya sa umaga, ang pagsisilbi ni Ella kay Ismael ang palagi niyang nakikita. It felt so strange for her to see her parents fighting over some matters.  “Mama,” garagal na boses ang lumabas sa mga labi niya. “Papa.” Nahinto sa pagsasagutan ang dalawa at saka parehong napalingon sa kanya ang mga ito. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagsisisi nang makitang hilam na siya ng luha. Lumapit sa kanya ang ama at saka hinawakan ang magkabilang pisngi niya.  He immediately wiped the tears cascade down to her cheek. He shushed her, hugging her with quilt registered on his face. “Sorry, Isabel. I’m sorry,” her father whispered, softly patting her back.  She wrapped her arms around the waist of her father and could not help to let out a soft sobs. Ayaw niyang nag-aaway ang mga magulang niya, lalo na’t kaarawan niya.  ꧁꧂ MARAHIL na rin sa nangyari kanina, itinuon ni Ismael ang atensyon sa kaarawan ng kanyang anak. Sa loob-loob niya ay sinesermunan pa rin niya ang kanyang sarili sa sagutan na nangyari sa pagitan ng kanyang asawa at ang pagpapaiyak niya sa anak. That was the least he could do to her wife and daughter but he guess, he really messed up.  Bilang pagbawi ay kada nasasalubong niya ang kanyang mag-ina, binibigyan niya ito ng mga halik — isang halik sa pisngi para sa kanyang asawa at halik sa noo para sa kanyang anak.  Bago sumapit ang alas tres ay tinulungan niya ang asawa sa paghahanda sa mesa. Siya ang naglapag ng cake sa gitna ng kwadradong lamesa habang si Ella naman ay ang mga putaheng niluto nito ang hinapag. Inihanda na rin niya ang mga plato at kubyertos. Matapos masindihan ng kanyang asawa ang kandila ng cake ay tinawag na nito ang kanilang anak. Ilang sandali lang ay bumaba na si Isabel. Nakalugay ngunit maayos ang kulay pula nitong buhok at isang bestida na kakulay ng buhok nito ang suot nito.  Napaisip pa ng ilang segundo si Ismael kung ano ang tawag sa damit na suot ngayon ni Isabel. A thigh length off shoulder red dress. Masayang lumapit si Isabel sa ina nito at yumakap. Gano’n din ang ginawa nito sa kanya.  “Ang ganda ng anak ko. Dalaga na talaga,” puri niya. “Huwag muna magbo-boyfriend, ha?” Namula ang magkabilang pisngi nito na naging dahilan ng pagtawa niya at pagyakap ulit dito.  Kinantahan muna nilang mag-asawa ang anak ng birthday song. Humiling muna si Isabel bago nito hinipan ang kandila. Awtomatikong napapalakpak silang dalawa ni Ella nang hipan nito ang kandila. At bago nila pagsaluhan ang niluto ng kanyang asawa, pinadalhan muna ni Ella ang ilang kapitbahay ng mga pagkaing hinanda nito.  Sa pagbalik ng kanilang anak, may magandang ngiti itong nakapaskil sa labi. Nilapag nito ang dalang plato sa lababo saka na ito naupo sa bakanteng upuan.  They started their celebration in a prayer led by their daughter. Habang nakapikit si Ismael ay hindi niya maiwasang mapangiti habang naririnig ang munting hiling ng anak. Bahagya siyang nagulat nang maramdaman ang mahinang pagsipa ng kanyang asawa sa ilalim ng mesa.  His daughter might be on her legal age now, but she is still cute, pure, young, and innocent. Oh, how he hoped, she could stay like that forever. “Amen,” Matapos ang maiksing dasal ni Isabel, nag-umpisa na silang kumain. Unang nilantakan ng kanilang anak ay ang shanghai na niluto ni Ella. Hindi naman halatang paborito nito iyon.  They celebrated her day teasing her and showering her with unconditional love. An unconditional love she could keep even if they were gone.  ꧁꧂ 06:57 P.M Naging mabilis ang mga oras. At kahit na gano’n ay naging masaya si Isabel sa kanyang kaarawan, na kahit buong araw ay nasa loob lang  sila ng bahay. Hindi naman kasi nawala ang pagiging kwela ni Ismael. Kaya nang matapos silang kumain ay nagkaroon ng maliit na board game sa mesa nila — ‘yong snake and ladder ba. Tawa sila nang tawa ng kanyang ama nang laging natatapat ang counter ng ina sa mga ahas at bumabalik ito sa mas mababang row ng game board.  Nang matapos silang maglaro ay nanood na lamang sila ng pelikula.  Kasalukuyang nasa sala silang tatlo — nakatutok ang kanilang mga mata sa telebisyon at kasalukuyan nilang pinapanood ang pangatlong pelikula na isinalang niya pa kanina. There are some scenarios from the movie that made them laugh and giggle. Hindi natatapos ang araw niya kaya’t hindi pa rin nawawala ‘yong excitement na nararamdaman niya.  Lumipas ang sampung minuto, wala sa sariling napatingin si Isabel sa nakasarang front door ng kanilang bahay. Pero gano’n na lang ang pagkabigla niya nang may kumatok doon — teka, hindi katok iyon. That was not a knock but a bang.  Tulad niya, nawala na ang atensyon ng mag-asawa sa pinapanood at nalipat na rin ang tingin sa front door nang marinig ang malakas na tunog sa pinto ng bahay.  Tumayo si Ismael pero hindi ito lumayo sa kanila. “Sino ‘yan?” malakas na tanong ng kanyang ama.  No answered him instead that person keeps on banging the front door. The bright emotion she was feeling earlier was changed into anxiety and horror that spread in her system like a poison. Sa sobrang kaba at takot ay napahawak siya sa kamay ng kanyang nanay at hindi maialis ang tingin sa pinto. She can’t imagine what kind of trip of a devil was behind that rectangular panel.  With a trembling hand, Ismael grabbed his phone from the coffee table — perhaps to make an emergency call. But before he could dial the certain emergency number, the front door flung open and it hitted the wall roughly.  Three armed men entered their sweet home. Those three screams danger. Kitang-kita ni Isabel ang pagmumukha ng mga ito dahil walang suot na kahit ano mang pantakip sa mukha ang mga ito. Ang isa sa mga iyon ay nakatingin kay Ismael habang ang dalawa ay nakatutok ang tingin sa kanilang mag-ina.   Humithit muna ang lalaki sa sigarilyo nito saka binuga ang usok sa ere. Tinapon nito ang nauupos na sigarilyo sa sahig ng sala. “Ikaw ba si Ruiz?” tanong nito. “Ismael Ruiz.”   “Ano’ng kailangan niyo?” Ismael asked instead.  Isabel almost screamed in horror when the guy pointed the gun at her father.    “Hindi ko kailangan ng tanong. Ang tanong ko ang sagutin mo,” maangas na sabi nito. “Ikaw ba?”   Napalunok muna ang ama bago sumagot. “Oo.”   Nagkibit balikat ang lalaki saka binaba ang armas. Dumungaw ito sa pintuan. “Confirmed, Boss.”    Nahawi ang tatlong lalaki para bigyang daan ang Boss na tinatawag nila. Hindi alam ni Isabel kung ang naririnig ba niya sa mga oras na iyon ay ang pagkabog ng puso niya sa kaba o ang tunog ng yapak ng sapatos ng bagong dating.    His strong yet manly scent spread through the thick air in the sala. Unlike those three men, the new man was well-groomed. He was in all black — black suit, black leather shoes, and a black fedora. And there’s a thick cigarette stuck between his teeth. Katamtaman ang laki ng katawan nito at sa tantya niya’y nasa singkwenta mahigit na ang edad nito.   A wicked grin plastered on his face. He took off the cigarette with his fore and middle finger. “Let's start the negotiation, shall we?” He offered with a deep dangerous voice.     
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD