TRES

2490 Words
LUNA | TRES Kumuha ito ng isang hithit sa sigarilyo bago nito itinapon iyon at saka inapakan upang mawala ang baga. Binuga nito ang usok sa manipis na hangin bago nagsalita. “Kailangan kitang makausap.” Napakunot-noo si Ismael. “Tungkol saan?” Bumuntong hininga ito saka hinawi ang kanang bahagi ng coat nito nang maipakita ang nakasuksok na isang brown folder. “Tungkol dito.” ꧁꧂ “Salamat.” ani Ismael sa waiter nang ihapag nito ang order nilang brewed coffee. Hindi pumayag si Juanito na sa CZN Cafeteria sila mag-usap. Kaya sa Deja Brew — isang maliit na coffee shop na katapat lang CZN Building — nila napag-desisyonang mag-usap ng masinsinan. Mas pinili ni Juanito ang pwesto na bahagyang pribado at malayo sa entrance door ng coffee shop. Kung masyadong maselan ang paguusapan nila ay tama lang ang napiling pwesto ni Juanito. Kakaunti rin naman ang mga customer ng naturang establisimyento. Magkatapat na naka-upo sila, nakatitig sa isa’t isa at naghihintay kung sino ang unang magsasalita sa kanilang dalawa. Nang hindi na makaya ni Ismael ang katahimikang bumalot sa pagitan nila, siya na ang unang nagbukas ng mapag-uusapan nila. “Kamusta ka na?” tanong niya. “Heto, nasa Special Investigation Unit pa rin ako. I’m still a prosecutor.” sagot nito bago sumimsim ng inorder na kape. Ismael and Juanito had been good friends since college up to now, of course. Nagkasama rin sila ng pitong taon noong nasa Special Investigation Unit pa siya. Kinailangan lang niyang umalis dahil nakatanggap siya at ang kanyang pamilya ng death threats noong hawakan niya ang isang maselang kaso. He knew he was a coward to leave the case they gave him but he was afraid to lose his family as well. Lalo na’t dalawang taong gulang lang si Isabel noon. He don't want to lose both his queen and princess. After he resigned from his previous job, he lied-low for months from getting involved for some crimes and took labors as his job to give his family the basic needs for their daily living. He became a broadcaster when he visited a friend of his in that company and playfully read the news script that was going to be delivered that day. He wasn't serious back then but he wasn't aware that one of the executives of the CZN Network was listening to him. Mrs. Lara, the executive, was amazed by how he delivered the words and later on offered a position for him. At first, he became a radio broadcaster until he started appearing on television. "Kamusta na kayo ng pamilya mo?" pagkuwan ay tanong nito sa kanya. "We're good, we're good." sagot naman niya. "Sa bahay lang si Ella. Si Isabel naman, huling taon na niya sa senior high school." Tumango-tango naman ito. It's been years since the last time they met each other. Ang huling balita niya tungkol sa kaibigan ay noong taon pang nag-resign siya. Ito ang nag-boluntaryong humawak ng kasong iniwan niya. Ito rin ang tumanggap sa kamatayang nakaatang sa pamilya niya noon. Juanito used to have a happy family. Mayroon itong mabait na asawa at dalawang anak–isang babae at isang lalaki. Wala na siya sa Special Investigation Unit nang mangyari ang nangyari. Pero ayon na rin kay Juanito, nasawi ang dalawang anak nito sa isang pagsabog ng isang school bus na sinasakyan ng mga ito. Bata pa lamang ang mga ito, nasa mga anim na taong gulang at nag-aaral sa isang primary school. Tila ba ang pamilya talaga nito ang target dahil ang dalawang anak lang nito ang nasawi. Matapos ang pangyayari na iyon, iniwan din ito ng asawa nito. Pursigido na ipakulong ng kaibigan niya ang mga salarin. Hindi rin nagtagal noon ay nakamit nito ang hustisya. "Ano nga pala ang sadya mo?" He asked after he sipped his coffee. Walang pag-aalinlangan na pinasok ni Juanito ang kamay sa loob ng coat nito sa may gawing kanan at hinila palabas ang brown folder na pinahapyawan nito kanina. He placed it onto the table and dragged it towards him. Nilapag ni Ismael ang tasa at na-pokus ang tingin sa folder sa mesa. "Ano 'to?" tanong niya kahit na mayroon na siyang ideya kung ano ang nasa loob ng folder na iyon. Isang kaso na kailangang ihayag sa buong nasyon para sa pag-iingat ng lahat. Bago ito sumimsim ulit ng kape, sinagot siya nito. "The Black Demon's case." Sa pagbaba nito ng tasa, iyon naman ang pag-abot niya sa folder. He opened it and the front page with Black Demon's Case inputted on it welcomed him. Juanito continues on telling him the further details about Black Demon's Case. "The name's Damon España. He is a mafia boss. I know, we shouldn't–I mean, the Special Investigation Unit shouldn't be messing with mafias pero one of his men surrender, telling us that this man–" tinuro nito ang two by two picture na naka-attach sa personal info. "–killed his family because he didn't obey what he had asked." "Pasensya na pero bakit mo sinasabi sa'kin ito?" Sinara niya folder at saka tumingin dito. "Dahil kailangan namin ang tulong mo." Walang pag-aalinlangan na sagot nito. "May lumapit sa akin na isa sa mga tauhan ni España isang linggo na ang nakakaraan. Handing me a compilation of España’s illegal labors and asking for help because España’s soldiers were after him. Patay na rin ang pamilya niya at ang hawak niyang ebidensya na binigay sa’min ang magiging susi para makuha ang hustisya ng bawat biktima. So, in this case, plano namin ngayon ay i-expose na siya sa medya para sa pag-iingat ng lahat.” “At ano naman ang makukuha natin kung sakaling malantad sila sa medya?” “Of course, peace and justice!” bulalas nito. Pagkuwana’y sumandal ito sa upuan saka napatitig sa folder at nagpatuloy sa pagsasalita. “Hustisya para sa mga biktima.” Napabuntong hininga si Ismael. By what he read about this Damon España, his illegal labors are totally gruesome. Halos nakalagay sa ilang piraso ng papel ang lahat ng impormasyon at ang mga maliliit na detalye tungkol dito. Tila ba matagal nang nagta-trabaho si Marcel — ang witness na lumapit kay Juanito — sa kamay ni España. He is a powerful mafia boss, he could say. Sa mahigit apatnapu't pitong taon na nitong nabubuhay, marami na itong nagawang krimen. From setting drug deals in different persons and countries to gambling, kidnapping, s*x trafficking, disposing royalty, extortion and arm smuggling, and murdering. Ito pala ang may pakana sa phenomenon bomb m******e na nangyari five years ago sa Leo Cargo. Nasa mahigit isang daang mga trabahador ang nasawi sa naturang cargo, kasama na rin sa nasawi ay ang may-ari ng cargo na si Leo Mendes. Sa pagkakaalala niya, isang ilegal na shipment agency ang Leo Cargo dahil na rin sa pagiimbestiga na ginawa ng Special Investigation Unit noon. Ayon sa imbestigasyon noon, nag-eexport ng mga ilegal na droga at armas ang Leo Cargo. At ngayon na lamang nagkaroon ng linaw ang lahat dahil hindi magkasundo sina España at si Leo Mendes. Damon España is definitely big. Ito ang mga klase ng tao na hindi lang dapat basta-basta binabangga o kinakalaban. Ayaw niya. Natatakot siya na baka may mangyari nang hindi maganda sa mag-ina niya kung pagbibigyan niya ang kaibigan. Tiningnan niya ang hawak na folder saka ito nilapag sa mesa pagkatapos ay nilipat niya ang tingin kay Juanito. “I can’t do this, pare.” pagtanggi niya na sinabayan pa niya nang bahagyang pag-iling. “Iniisip ko ang pamilya ko.” dagdag pa niya. Tila ba inaasahan na nito na tatanggi siya pero ang kaninang pagbabakasakali ay napalitan ng pagkakunot noo at pagkainis. “Hanggang ngayon duwag ka pa rin?” tanong nito. “We’re seeking justice here yet you want to be a crumpled paper just like before—just like what happened years ago?” Nang hindi siya sumagot, nagpatuloy ito. “Hindi ka pa rin nagbabago, Ismael. Mas pipiliin mong isakripisyo ang ibang buhay ng tao para lang mabuhay ka. Natatandaan mo ‘yong kaso na iniwan mo at ako ang humawak? Katakot-takot na pananakot din ang natanggap ko at ng pamilya ko noon. Parang pain ang mga mag-ina ko sa ginagawa ko makuha lang ang hustisya na sinisigaw ng mga batang biktima noon. Pero ikaw? Kami ang ginagawa mong pain para lang mabuhay ka.” Hindi makuhang tumingin ni Ismael sa mga mata ni Juanito. Itinutok niya ang tingin sa kanyang tasa na may kaunting laman ng kape. Narinig sa apat na sulok ng coffee shop ang langitngit ng upuan nito, dahilan na tumayo ito. “Ismael,” tawag nito sa kanya na naging dahilan ng paglipat niya ng tingin dito. Nakasuksok ang magkabilang kamay nito sa bulsa ng coat. “Natakot ka noon bilang taga-paghanap ng hustisya pero huwag naman sana ngayon na isa kang taga-pagsalita ng hustisya.” Iyon lamang ang huling sinabi nito bago ito tuluyang naglakad palabas ng coffee shop. Nang maiwan siyang mag-isa, pinatong niya ang magkabilang siko sa mesa at saka napahilamos na lang ng mukha. Iniisip ni Ismael kung tama pa ba ang ginagawa niyang pag-iwas sa mga ganitong sitwasyon o sadyang natatakot lang siya para sa kanyang pamilya? Napabuntong hininga siya at napasandal na lang sa upuan. Hinilot niya ang kanyang sentido hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang brown folder na nakapatong sa mesa. His mind became blank for unknown reason when he picked up the folder and stare at the front cover. Damon España... What should he do? Kinabukasan, iniisip pa rin ni Ismael kung pagbibigyan ba niya ang kaibigan. Hindi pa niya nababanggit kay Ella ang nangyaring pagkikita nila ni Juanito kagabi. Ni hindi nga niya alam kung dapat ba niyang sabihin o hindi. Ayaw lang niyang bigyan ng alalahanin ang kanyang asawa. Sa umagang iyon, kahit na diyaryo ang hawak niya, ang lamang ng isip niya ay ang pag-uusap nila ni Juanito at 'yong mga impormasyon na nalaman niya. Ultimo mga bata ay biktima ng kidnapping at s*x trafficking. Sa totoo lang ay ayaw niyang may maging biktima ulit na bata. Natatakot siya na baka maging isa ang anak niya sa mga iyon pero naisip din niya ang sinapit ng pamilya ni Marcel. Ayaw niyang gano'n din ang kahihinatnan ng pamilya niya. Naibaba niya ang hawak na diyaryo nang marinig niya ang boses ng asawa. “Linggo na bukas, Isabel,” ani Ella bago ito sumubo ng isang kutsarang kanin. Pagkuwana'y nabaling ang iniisip niya sa sinabi ng asawa. Tinupi niya ang diyaryo at nilapag iyon sa tabi ng kanyang pinggan. Tumingin siya kay Isabel. “Oo nga pala, anak. Kaarawan mo na bukas. Ano’ng gusto mo?” tanong niya. Tinapik ni Ella ang kanyang braso. “Debut na niya bukas, ‘Pa,” sabi nito na bakas sa boses nito ang pangungulit. They both chuckle when Isabel’s cheeks suddenly turn into shade of pink. Really, his daughter is so easy to feel flutter. “Ay, oo nga!” bulalas niya. “Hindi mo ba iimbitahin 'yong first crush–” Hindi natuloy ang sasabihin niya nang tumingin sa kanya ang anak at naibulalas ang “Papa?!” Mas lalong namula ang mukha ng anak niya. Lalo silang natawang mag-asawa. “Pwera biro, anak, ano ang gusto mo bukas?” tanong ni Ella kay Isabel. Nilunok muna nito ang nginuyang pagkain bago sumagot. “Gusto ko po ng ice cream at caramel cake. Tapos gusto ko rin po na kumpleto tayo bukas.” “Ayaw mo nang eighteen roses and eighteen gifts? Dapat inimbita mo 'yong first crush mo para–” “Papa naman!” she sulked, stomping her feet under the table. Tumingin ito sa ina nito. “Mama, si Papa, inaasar ako.” Binawalan naman siya ni Ella na itigil na ang pang-aasar sa anak. Hanggang sa natapos na ang kanilang almusal. At dahil Sabado at walang pasok ang kanyang anak, maiiwan ito sa bahay kasama si Ella. Inihatid siya ng kanyang mag-ina hanggang gate nang handa na siyang pumasok sa trabaho. Sa paglalakad niya sa sidewalk, naisip na naman niya ang mga bagay na kagabi pa gumugulo sa isip niya. Tinago niya sa isang secret compartment ang brown folder na iniwan sa kanya ni Juanito. Ayaw niyang makita iyon ni Ella o ng kanyang anak kaya kinailangan niyang itago iyon sa isang lalagyan na hindi makikita. Kung tutuusin ay masyadong maselan ang kasong hinahawakan ng mga taga-Special Investigation Unit, kaya kailangan din niyang mag-ingat. Kailangan niyang ingatan ang isang ebidensya at kailangan na rin niyang mag-desisyon kung kaya ba niyang isiwalat iyon sa medya. Sa pagpasok niya sa opisina, walang pinagbago ang araw niya. Ngunit dahil weekend, siya ang naka-sign in para maghatid ng balita sa gabing iyon. Umaabot lang ng kalahating oras ang balita nila tuwing Sabado. Hindi katulad tuwing weekdays, umaabot talaga ng dalawang oras. “At iyan po ang balita mula CZN News. Magandang gabi po, kabayan.” “And cut!” sigaw ng direktor. Noon pinakawalan ni Ismael ang isang buntong hininga. Nang masigurado niyang huminto na ang camera sa pag-rolling, tinanggal niya ang pagkaka-butones ng black suit niya. Nilingon niya ang kanyang katrabaho sa gabing iyon at saka ito kinamayan. “Good job, Katana.” pagpuri niya. Bahagya naman itong tumango at aka pinuri rin siya pabalik. Nagpaalam na si Ismael sa mga kasama nang bumalik na siya sa maliit nilang opisina. Nang makuha na niya ang kanyang gamit, tuluyan na siyang naglakad palabas nv CZN Building. Excited lang talaga siyang makauwi at makita ang mag-ina. Mabuti na lang at nakasakay agad siya ng bus. May mga gabi kasi na kalahating oras ang hinihintay niya sa bus station. Sa pag-uwi niya sa kaniyang munting bahay, katulad ng inaasahn niya ay sinalubong siya ng yakap ng kanyang anak at isang halik sa pisngi mula sa kanyang asawa. Hindi man sila sabay kumain tuwing tanghalian pero sinisigurado niyang sabay silang kumakain tuwing agahan at hapunan. Tumingin siya sa asawa nang magsalita ito. “Namili na kami ni Isabel nang ihahanda kanina,” ika nito. “Hindi ba’t wala kang pasok tuwing Linggo?” Tumango siya bilang sagot. Ngunit agad din nalipat ang kanyang tingin sa anak. “At kung balak mo po ang pumasok bukas, hindi kita papayagan, Papa.” babala ni Isabel. “Gusto ko po na kumpleto sa birthday ko.” Napangiti siya sa hiling ng anak. Inabot niya ang ulo nito at ginulo ang buhok. “Day off ko naman bukas, eh.” aniya. “Ano man ang mangyari bukas, pangako ko sa’yo, anak. Mas pipiliin ko pa rin ang kaarawan mo.” “Sinabi mo ‘yan, Papa, ha?” “Oo, anak. Promise.” Inangat pa niya ng ilang segundo ang kanyang kanang kamay bilang panunumpa. His daughter finished her food happily. Napatingin siya sa kanyang asawa nang maramdaman niya ang mahinang pagpisil nito sa kanyang kamay. Binigyan siya nito ng isang ngiti na sinuklian din niya ng isang matipid ngunit abot hanggang matang ngiti. Nagpapasalamat siya sa Diyos na mayroon siyang simpleng sambahayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD