DOS

2316 Words
LUNA | DOS KATULAD ng nakasanayan niya sa umaga, tunog ng sandok at kawali at ang pag-iyak ng takure ang gumising kay Isabel. May ngiti sa labi nang nag-ayos at hinanda niya ang sarili para sa panibagong araw ng pagpasok niya sa eskwelahan. Suot ang white long-sleeve blouse at kulay pastel na dilaw niyang palda na pinaresan niya ng itim na sapatos, kaagad na lumabas siya ng kanyang kwarto. Hindi nagbabago ang senaryo na lagi niyang inaabutan sa kanilang maliit na kusina. It is still the same as yesterday. Her mom serves a cup of coffee to his father who is reading the daily newspaper.  Her mom glanced over at her, greeting her a good morning as well as her father. She sat on her usual seat — on the right beside the seat of her father. Umupo ang kanyang ina sa katapat niyang upuan at nagsimula na nilang pagsaluhan ang hinandang almusal ni Ella. Tulad ng nakagawian nila, ihahantid silang mag-ama hanggang labas ng gate ng kanilang bahay. Hindi kinakalimutan ni Ella ang kanyang paalala sa kanila na galingan sa eskwela at magingat sa trabaho.  “Bakit parang kakaiba ka ngayon, anak?” puna ng kanyang ama habang magkatabing naglalakad sila sa sidewalk patungo sa bus station. Binigyan niya ng nagtatakang tingin ang kanyang ama. “Ano po ang ibig niyong sabihin, Papa?” tanong niya. Pinakatitigan siya ng kanyang ama bago ito nagsalita ulit. “Napansin ko lang nitong nagdaang araw, parang nag-iba ang aura mo, ‘nak. Para bang blooming ka.” Pabirong siniko siya nito habang itinaas baba ang magkabilang kilay nito saka pabiro ulit itong nagtanong. “May boyfriend ka na, ano?” Iniwas niya ang tingin. Despite the heat rushing up to her cheeks, she nearly bursted into laughter when she heard the question. Boyfriend? Nobyo? Wala siya no’n. Hinahangaan ang meron.  Mahigit apat na araw na rin ang nakakalipas mula nang makilala niya ang lalaking nakatabi niya sa bus. Sa loob ng apat na araw na ‘yon, nagkataon na iisang bus lang ang sinasakyan nila. At sa mga araw na ‘yon, may nabuong pagkakaibigan sa pagitan nila ni Cent — ang pangalan na pinakilala sa kanya. But Isabel can’t deny the fact that she had a crush on him. Kaya ngayong araw ng Lunes, excited siyang pumasok sa eskwelahan at umaasa siyang makita niya ito. “‘Wag mo siya masyadong isipin, Isabel. Mapapagod ‘yan.” segunda ni Ismael. Nagtatakang nilingon niya ang ama. “Mapapagod ‘yan katatakbo sa isip mo.” dagdag nito. Dahil doon, hindi na niya naitago ang pamumula ng kanyang mukha. When Ismael began laughing at her, that’s her cue on defending herself. Pinagpilitan niyang wala siyang boyfriend ngunit tila ba lalo lang siyang kinantyaw ng kanyang ama. But the thought of Cent being her boyfriend, she want to smile wide like an idiot. Kinikilig siya sa isiping iyon.  “Kung hindi mo siya nobyo, anak, ano mo siya?” “Wala nga, ‘Pa!” reklamo niya saka napasibi. “Anong wala? Ano ‘yong sinasabi mong ‘hindi ko nga siya boyfriend, ‘Pa’?” He then quoted what she said, trying to imitate her voice.  Kahit na nakakaramdam siya ng hiya ngayon, hindi niya maiwasang hindi tumawa sa inakto ng kanyang ama. Ipit na ipit ang boses nito para lang magboses babae.  “Tinatanong ka ni Papa, ‘nak. Hindi naman ako magagalit.”  Bumuntong hininga siya’t napayuko bago sumagot. “C-Crush lang po siya, ‘Pa.” “First crush mo ba ito?” Inangat niya ang kanyang ulo para tingnan ito. “Papa naman.”  “Aba, e, nagtatanong lang ako, ‘nak.” “Baka i-broadcast mo pa ‘yong pagkakaro’n ko ng first crush eh.” “Magandang ideya ‘yan, ‘nak.” “Papa!” She sulked, clinging her arm around his.  Nauwi na lang ang mag-ama sa asaran habang nilalakad nila ang sidewalk patungong bus station, hanggang sa marating nila ang kanilang destinasyon. Hindi man lang umabot ng limang minuto ang paghihintay ng kanyang ama, dumating na ang bus nito. Tulad ng nakagawiang mapapaalam, inabot nito ang ulo niya at saka ginulo ang nakalugay niyang buhok bago sumakay ng bus. Hindi pa rin nawawala sa paningin niya ang naturang sasakyan ay huminto na ang asul na bus na sasakyan niya sa harap niya.  Doon niya ulit naalala  si Cent. Taimtim na humiling siya na sana lulan na ito ng bus na huminto sa harap niya. Pumila ang ilang pasahero para hindi magulo ang pagsakay nila. Nang hawakan na niya ang pole bilang suporta sa pagpasok niya sa loob ng bus, may mahinang pwersa ang humila sa kanyang itim na backpack.  Sa paglingon ni Isabel, ang lalaking dinarasal niya na sana ay makikita niya ngayong araw ang kanyang nalingunan. Nakasuot ito ng itim na pantalon, sandals, at dilaw na hooded sweatshirt. Ang kaliwang kamay nito ay nakasuksok sa bulsa ng hoodie nito habang ginamit nito ang kanang kamay upang pigilan siya sa pagpasok sa loob ng bus.  Bahagyang nakatingala siya rito. Ngayon lang niya nalaman na matangkad ito ng dalawang dangkal sa kanya. Sa loob kasi ng mga araw na nagkakasabay sila, lagi na lang niya itong naaabutan sa loob ng bus at lagi siya ang unang bumababa. She automatically smile after seeing him. Nakapokus ang mga mata nitong taimtim kung tumitig. Kung kanina ay excited siyang makita ito, ngayon excited siya kung ano ang mga bagay na mapag-uusapan nila sa loob ng biyahe. Excited siyang marinig ulit ang boses nito. Despite what he said to her the first time they met each other, he still fascinated her. Isabel knew that this guy wanted to change. She just know it. They didn’t realize they were staring at each other. Her eyes staring at his deep set orbs while his soft gazes focused at her almond shaped and chestnut coloured eyes. There goes the butterfly on her stomach again, making her flutter and her legs jelly just because of the simple staring.  Not until a voice interrupted them. “Hoy, kayong dalawa! Ano na? Sasakay ba kayo o magtititigan na lang kayong dalawa diyan? Ha?” singhal sa kanila ng driver ng bus.  Kaagad namang binitawan ni Cent ang pagkakahawak sa bag niya habang siya ay parang natauhan at mabilis na tinalikuran ang binata. Tuluyan na siyang pumasok ng bus at nagbayad. Nakaramdam siya ng hiya nang may ilang pares ng mga mata ang nakatutok sa kanya habang naghahanap siya ng pwestong mauupuan. Medyo marami-rami na rin ang sakay na pasahero at halos okupado na ilang upuan maliban sa dulo. Hindi pa man siya nakarating sa dulo nang biglang umusad ang bus. Muntikan na siyang masubsob. Mabuti na lang ay nakakapit siya sa pole at maibalanse agad ang sarili hanggang sa umabot siya sadya niyang upuan. Umupo siya sa may kanang gawi na katabi sa bintana. Sa pagyakap niya sa kanyang bag, iyon naman ang pag-upo ni Cent sa tabi niya. Ilang minuto rin nagtagal ang bumalot na katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tanging ugong ng bus ang maririnig at ilang maliliit na ingay na nagmumula sa mga ibang pasahero. She has something on her mind to ask but she was hesitant to ask him. Bakit niya ito hindi napansin kanina? At anong ginagawa nito sa eight-thirteen station gayong nabanggit nito noon na nagmumula pa ito sa one-twenty-seven station? Mahigit dalawang kilometrong layo din iyon! “Alam kong hindi ka pa nakakaalis kanina kaya hinintay na kita.” Basag nito sa katahimikan at animo’y nabasa nito ang tanong niya sa kanyang isip.  Hindi niya ito nilingon. Kinagat niya ang likod ng kanyang pisngi para pigilan ang gustong sumipol na ngiti at ang pamumula ng kanyang mukha. Sa tanang buhay niya, ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng kilig na hindi nanggagaling sa mga librong nababasa niya o pelikulang napapanood.  Nakinig lang siya sa sinabi nito. Gusto niyang sabihin na tumahimik na lang ito at baka hindi na niya makontrol ang kilig at bigla na lang tumalon. Pero mas malaki sa parte niya na gustong marinig ang dahilan nito kung bakit nasa eight-thirteen station ito. “Sa totoo niyan, dapat kanina pa ako. Alas cinco y media pa lang eh inutusan na ako ng boss ko na ihatid itong sulat doon sa partner niya.” dagdag pa nito. “Eh kaso naalala kita. Sa istasyon n’yo na ako bumaba para mahintay kita at makita.” Naisip ni Isabel, “Hindi ba talaga siya titigil?” Sa palda niya binuhos ang pagpipigil niyang huwag sumabog sa kilig at halos malukot na ito sa higpit ng hawak niya. Hindi lang sa tiyan niya nararamdaman ang mga paruparo, ultimo sa himaymay ng katawan niya.  “Lalapitan sana kita kanina kaso may kasama ka.” Naglakas loob siyang lingunin ito at sabihing ama niya ang kasama niya kanina. Ang kaso, ang dapat na pahayag niya ay naging tanong. Ang kaninang kilig ay napalitan ng pagtataka at pag-aalala nang makita niya ang na mayroon itong sugat sa gilid ng labi. Mukha pa itong sariwa at hindi pa nagagamutan. “A-Ayos ka lang?” tanong niya. Tinanong siya nito kung ano ang ibig niyang sabihin. “May sugat ka.” sagot niya at saka itinuro ang gilid ng labi nito.  “Ah! Ito?” Umangat ang kaliwang kamay niya at hinawakan ang kaliwang gilid ng labi nito kung nasaan ang sugat na tinutukoy niya. Dinama muna nito iyon ng ilang segundo. “Hayaan mo na. Sanay na akong makakuha ng ganito.” Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Kinapa niya ang bulsa ng kanyang palda at naglabas ng dalawang maliit na bandaids saka niya binigay iyon dito. Nakasanayan na niyang magdala ng bandaids mula noon dahil may pagka-clumsy siya at madali ring masugatan.  “Salamat, Isabel.” anito.  Cent always says ‘thank you’ to her. She knew he meant every of it but is it too much to ask if she wanted to see him smile?    ꧁꧂ HALOS takbuhin ni Ismael ang daan patungo sa gusali ng CZN network kung saan siya nagtatrabaho bilang newscaster. Kung tutuusin ay maaga siya kung pumasok kahit na hindi siya kabilang sa mga mag-uulat tuwing umaga. Isa siya sa mga five minute newscaster na naghahatid ng kaunting impormasyon o balita kapag patalastas. Humahangos na sumakay siya ng elevator at pinindot ang ikalimang palapag na buton. Hindi naman siya huli sa trabaho sadyang ayaw lang niyang masayang ang kanyang oras sapagkat magbabasa pa siya ng script at pagaaralan ito. Iyon na ang nakasanayan niya.  Habang umaakyat pataas ang elevator na sakay niya, inayos niya ang itim na kurbata, at ang kanyang suot. Sinuklay din niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri. Tamang-tama lang na tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito ay tapos na siyang ayusin ang sarili niya. He tugged his collar one last time before he stepped out of the elevator.  Sa paglakad niya sa malinis ng hallway, binati siya ng ilang mga staffs ng CZN News na nakasalubong niya. Ngitian niya lang ang mga ito at tinanguan bilang pagbati.  Sa mga oras na ito, ang unit ng Magandang Umaga — ang unit na taga-pagbalita at isang talk show tuwing umaga — ang kasalukuyang nakapalabas sa mga telebisyon ng mga manonood ngayon. Mag-uumpisa ito ng alas cinco y media at matatapos ito ng alas syete ng umaga. Napadaan siya sa studio nila at sumilip lang ng bahagya saka na siya dumiretso sa isang maliit nilang opisina. Sa opisina na iyon, doon nila iniiwan ang mga dalang gamit at doon kumakain ang mga kasamahan niya. May cafeteria naman sa unang palapag ng gusali pero ang ilan sa kanila, tamad bumaba at nagbabaon na lang ng makakain. Hinubad ni Ismael ang suot niyang black suit saka sinampay iyon sa isang cloth rack na nasa gilid isang drawer at vanity mirror. Pinatong naman niya ang kanyang sling bag sa drawer. Tiwala naman siya sa kanyang mga katrabaho. Sa mahigit labing limang taon na niya sa CZN Network, walang pakialam ang mga katrabaho niya sa mga gamit na meron sila. Para bang hindi nila pinagkaka-interesan ang gamit na dala-dala nila o kung ano pa man.  Umupo siya sa bakanteng upuan at kinuha ang news script na nakapatong sa mesa. Nakapangalan iyon sa kanya. Katulad ng dati, mayroon siyang dalawang broadcast ngayon araw. May nakatakdang oras naman kung kailan siya papasok sa studio at laging naman siyang pinaalalahan ng isang staff na mag-standby. Hanggang sa lumipas ang mga minuto at oras. Kung wala siya sa studio ay nasa control room siya. At para sa news trailer para sa gabing iyon, siya ang naatasan na mag-intro.  Nang matapos na ang trabaho niya, nagpaalam na siyang maga-out na siya sa mga kasamahan niya at sa mga ilang staffs. Sa paglabas niya ng gusali, madilim na rin ang kalangitan pero may nagsilitawan ang mga bituin. Mailaw na rin ang bawat gusaling natatanaw niya, mga poste sa sidewalk at mga sasakyan sa daan. Ngunit bago pa siya makahakbang pababa sa mataas na bahagi ng entrance ng CZN Network building, may tumawag sa kanyang pangalan mula sa kanyang likuran. “Ismael.” Lumingon siya. Tumambad sa kanya ang isang lalaking pamilyar sa kanya. Nakasuot ito ng puting shirt na pinatungan ng kulay brown na plain coat at tinernuhan ng plain black high rise pants. Nakasuksok ang isang kamay nito sa bulsa habang ang kabila ay hawak ang nakasinding sigarilyo. Tinitigan niya ito ng mabuti. “Juanito?” tanong niya.  Hinithit muna nito ang sigarilyo bago nito tinapon iyon at inapakan upang mawala ang baga. Binuga nito ang usok bago nagsalita. “Kailangan kitang makausap.” “Tungkol saan?” Hinawi nito ang kanang bahagi ng coat nito nang mapakita ang nakasuksok na isang brown folder. “Tungkol dito.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD